Chapter 2

665 30 0
                                    

Chapter 2

Habang binabagtas ng tricycle ang daan papuntang Poblacion ay napansin ko ang malaking pinagbago ng daanan papunta sa amin. Ang dating maputik na daan ay naging sementado na, ang dating mga nagliliitan na mga puno ay nagtatayugan na sa taas.

Nakakapanindig balahibo rin ang ihip ng simoy ng hangin sa iyong balat. Madilim na rin ang daan papunta Poblacion ilaw nalang ng tricycle ang nagsisilbing tanglaw namin. Aakalain mong mag-a-alas sais na gayong ala-singko palang ng hapon. Maririnig mo rin ang tunog ng mga insekto bukod sa panaka-nakang hampas ng hangin sa mga puno.

Napayakap ako sa aking sarili ng makaramdam na parang may mga matang nakatingin sa akin sa dilim. Hindi na rin ako mapakali sa kinauupuan ko, pinagpapawisan narin ako ng malagkit dahil sa mga nakakatakot na imahe na pumapasok sa isipan ko.

' Paano nalang kung humila sa sakin sa loob ng tricycle ? Paano kung may biglang lumabas na nakakatakot na nilalang sa harapin namin? Paano nalang kung totoo nga ang haka haka na baka Aswang raw ang bumibiktima sa mga kababaihan dito sa amin? ' nanginginig na tanong ko sa sarili ko.

Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa mga posibleng mangyari sa akin. Hindi magtagal ay nakarating narin kami ng ligtas sa bukana ng Bayan namin na may napakalaking karatula na nagsasabing--- "WELCOME TO POBLACION SAN JUAQUIN "

Gustuhin ko mang magpahatid nalang sa mismong bahay namin ay alam kong hindi puwede dahil hindi naman papayag ang driver sa gusto kong mangyari. Huminto ang tricycle at bumaba na ako. Hinarap ko ito upang magbayad at magpasalamat sana ng magsalita ito.

" Pasenya ka na ineng, gustuhin ko mang pumasok hanggang sa looban ay hindi talaga puwede. " Nakatungong sabi nito

" Okay lang po, alam ko naman po ang dahilan ninyo kung bakit ayaw niyo akong ihatid mismo sa bahay namin, kahit ako nga po ay natatakot rin sa posibleng mangyari saakin, pero kahit papaano ay nababawasan ang kaba ko kapag nagdadasal ako " nakangiting pahayag ko dito

" Ang bait mo namang bata sana ay pagpalain ka at mag-iingat ka kung sakali, maging alerto ka rin sa paligid mo at higit sa lahat ay huwag kang paabot ng ala sais dahil mas lalong delikado. " paalala nito

" Sige po...eto nga po pala ang bayad " sabay abot ng isang daan dito

" Naku! Ang laki naman nito ineng sing-kuwenta pesos lang ang sinisingil ko sa mga pasahero ko "

Susuklian na sana ako nito ng magsalita muli ako

" Okay lang po manong dahil kahit natatakot po kayo ay inihatid niyo parin po ako tsaka maraming salamat rin po dahil ang bait ninyo sa akin " bukal sa loob na sabi ko dito

" Nakakahiya naman, pero salamat nalang dito ineng. " Tumingin siya sa relo niya " Naku! Paano ba yan aalis na ako ala-singko kwarenta na Pala!? Jusko! Mag-iingat ka rin! At bilisan mo na! Baka abutan ka ng ala-sais!? Aalis na ako ineng paalam! " Natatarantang sabi nito sabay paandar ng tricycle

Napabuntong hininga nalang ako. Bitbit ang isang maleta sa kanang kamay at ang cake na binili ko sa kaliwang kamay ay nanginginig na pumasok ako sa bukana ng Poblacion.

Kadiliman ang unang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko. Wala ni isang mga tao ang gumagala, ang mga kabahayan ay nakasarado ang mga bintana at pintuan. Mayroon rin akong nakita na mga uwak na nakadapo sa mga kable ng kuryente, sa bubong ng mga bahay, at sa mga puno.

Sa bawat hakbang ko ay nakasunod ang mga mapupulang mata nila sa akin. Binabantayan ang bawat kilos ko. Kahit natatakot ay pilit kong inihahakbang ang mga paa ko patungo sa bahay namin. Kinse minuto ang layo ng bahay namin mula sa bukana at sampong minuto nalang bago mag ala-sais. Nagmamadali ako sa bawat hakbang ko malapit narin ako sa bahay namin dahil nakikita ko na ito.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now