Beginning

759 30 7
                                    


"BOSS!!" the policemen greeted him kasabay ng pag saludo when he entered the police department.

Sumaludo din siya pabalik at ngumiti. "Kumusta?" Aniya at tinapik ang isa sa mga police na si Jogs Benene.

"Okay lang Boss, Ikaw, kamusta? ang tagal mong hindi naka balik ah." Tugon ni Jogs at nakipag aper pa ito sa kanya.

He grinned and bowed slightly because he was still taller than him and the man was only up to his neck.

"Sama ka sakin mamaya, hunting tayo ng chiks." Loko niyang sabi.

"Libre niyo ba boss?" Makapal na tanong ni Jogs ngunit umiling lang siya.

"Hindi, Inaya lang ako." Kibit balikat niyang tugon saka siya bahagyang tumawa.

Napailing naman ito na tila hindi na nagulat sa narinig. "Basta wala akong babayaran boss, alam mo naman nag papaaral ako ng kapatid ko tapos may sakit pa si nanay tap-"

"Husssh!" Pagpapatigil niya kay Jogs dahil baka mag talambuhay na naman ito sa subrang kadaldalan at hindi nauubusan ng salita.

"Libre lang iyon sa akin pero isasama ko na kayo sabihan mo si--" Binitin niya ang sasabihin at inilibot ang buong tingin sa paligid at ng hindi mahanap ang hinahanap ay binalingan niya si Jogs. "Nasan si Kiko?"

Napabuntong hininga ito at umiling. "Nasa banyo Boss, broken hearted nga iyon eh kaya kailangan mo talaga kaming ilibre."

Bahagya niya itong sinapok. "Broken karin?"

"Hindi." Mabilis na sagot nito.

"Oh, Huwag ka na palang sumama siya na lang aayain ko." Saka ambang aalis na siya pero agad siya nitong hinarang at nagpapaawang tumingin sa kanya.

"Boss, Huwag ka naman ganyan, ano pa't buddy buddy mo ako, si Kiko, kami. di kita ilakad sa pinsan ko dyan eh." Tukoy nito sa pinsan nitong mukhang Tomboy yata dahil hindi daw siya type.

"Tsk! Huwag kang sumama." He said then he left it completely and went to the office of his Grandfather's friend.

"Chief!" Saludong Bati niya dito saka umupo sa visitors chair at ipinatong ang kamay sa mesa nito.

"Kamusta ihjo,"

"Guwapo parin." Kibit balikat niyang tugon sa matanda saka inilibot ang tingin sa paligid bago itinuon ang tingin sa naka file ng mga papeles at binuklat buklat ito.

Napailing ang matanda at pinag patuloy ang pag babasa sa mga files ng mga kasong naka patong sa mesa nito.

"Kamusta ang matandang iyon?" Tukoy nito sa Lolo niyang si Adam Monsur Cordova.

"Ayon mas Guwapo parin ako kay Lolo at kay Dad."

Bigla ay nahampas ito ng chief na nirulyo na papel dahil sa kalokohan ng lalake.

"Loko kang Bata ka, mana ka talaga sa Lolo mong sira ulo din!" Singhal nito sa kanya at napahilot sa batok dahil tila maha- high blood na ito.

He rested his back against the chair. "You know chief Dario Martinez, Hindi mabubuhay ang puno kung hindi dahil sa ugat at walang bunga kung walang puno."

Mariing pumikit ang Chief of police dahil sa Katuwiran niya sumakit yata ang ulo nito lalo.

" Markus Giovan." Aniya saka Bumuntong hininga. " Take this and get out of my office right now." Saka nito binato sa kanya ang black USB.

Ngumisi siya saka tumayo at mayabang pa na sumaludo sa matanda bago tumalikod at pasipol sipol na umalis pero bago iyon ay dinaanan niya ang dalawang buddy buddy niya. Bago tuluyan umalis sa lugar na iyon.

Sakay ng motor seklo ay mabilis na pinatakbo na tila nakikipag karera kay kamatayan hanggang sa nakarating siya sa lugar kung saan madalas nagaganapan ng krimen at holdup.

Noong isang araw lang ay may naganap na karumaldumal na pangyayari dito At pagkatapos ay iniwan lang sa lugar na ito matapos kunin ang lamang loob ng biktima. and not only that, ginagahasa muna ang Biktimang babae bago ginawa ang karumaldumal na pag paslang dito napabata man oh matanda.

Halos Masuka siya kapag naaalala ang ang itsura ng mga biktima na dinaig pa ang baboy na kinakatay.

Fuck that Stupid Organization.

Ang kasong patungkol sa hawak niya ay sa mga batang nawawala na nabibiktima ng Triad. Ang mga batang lansangan ang madalas nabibiktima dahil walang tirahan ang mga ito at minsan ay ulila bukod paroon ay kumikidnap din sila ng mga batang nag lalaro sa park oh mga istudyante mapa sanggol man hanggang labing lima ang madalas nilang dinudukot at kinukuha ang mga lamang loob saka ibinibinta ng malaking halaga.

Napabuga siya ng hangin dahil Pakiramdam niya ay parang sinasakal siya sa kaisipan patungkol sa sinasapit ng mga biktima.

Umalis siya sa lugar na iyon at bumalik sa kanyang hotel room upang mag pahinga. Naligo muna siya bago kinuha ang black USB na binigay sa kanya ni Chief Dario Martinez at binuksan iyon.

Mga mukha iyon lahat ng mga batang nawawala at mga karumaldumal na pag paslang. Ang iba sa mga batang ito ay nakita ang mga katawan sa lawa sa dagat at ang iba naman ay itinatapon lang sa basurahan oh di kaya ay itatapon sa gilid ng daan oh sa mga matataas na damuhan at ang iba ay hindi na nakita ang katawan.

Kinikilabutan siya sa mga nakikita. Oo nga't sanay siyang nakakakita ng mga walang buhay na tao lalo sa klase ng trabaho niya ngunit hindi sa ganitong paraan oh kabrutalan.

Napapahilamos siya ng palad dahil sumakit ang ulo niya at tila naduduwal lalo na't kasunod ng mga larawan na iyon ay ang isang video na kung paano e torture ang mga biktima at kung paano nila kinukuha ang mg lamang loob ng mga biktima habang nakabusal ang bibig at nakatali ang mga kamay habang nagsisigaw ang mga ito dahil sa sakit ng unti unting bumukas ang mga tiyan ng mga ito hanggang sa tuluyan ng mabawian ng buhay matapos kunin ang puso at iba pang laman ng tiyan na kailangan ng mga demonyong iyon.

Naduwal siya dahil sa nakita sa video hanggang sa sumapit ang madaling araw ay hindi parin siya makatulog dahil parang nakikita niya sa pag tulog ang itsura ng mga batang walang awang pinagpaslang.

"Fuck!" Mura niya at mariin na ipinikit ang mata habang nakakuyom ang kamao.

Sometimes he asks himself why there are this kind of demonic people.

Masama din siyang tao at kumikitil din ng buhay at hindi na niya iyon mabilang sa daliri oh bilangin pa katulad ng pagbibigkas sa mga numero basta marami na siyang napatay ngunit hindi sa ganung uri ng pag torture oh pagpatay para sa pera.

Ang klase ng trabaho niya ay para sa bayan, para sa mga taong hindi kayang ipagtanggol ang sarili sa mga masasama at higit sa lahat paghuli at pagpatay sa mga taong may mataas na patong na kaso sa ulo ang mga most wanted criminal and of course ang mga taong nagtatago sa likod ng mapag kunwaring mabubuting mamayan at naglilingkod sa bayan.

Sumpain.

Follow me on Instagram

ashley_ dilawangen

Miss'Ash Jade

on Facebook account
AND GROUP PAGE

MISSPANDA

Ash Dilawangen
on YouTube account.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon