Dr Rockeon

217 20 10
                                    

Hello guys! Anyway, baka nagtataka kayo kung bakit hindi naka focus ang ibang chapter kina Jamaica at Giovan iyon ay dahil pinapakilala ko ang ibang Cordova at ano ang mga character nila kung sakali na sila na ang isusunod ko pagkatapos ng story na ito. so ayan lang enjoy reading!

Pag pasok nila Rockeon sa opisina ni Aitor ay agad na itinapat ni Aijaxx ang palad sa isang painting na akala mo ay isa lang pangkaraniwang painting kung ito ay ibabasi sa mata ng mga ordenaryong tao.

Isang simpleng painting na tila ginawa ng isang bata na gusto lang mag pintura at paghaluin ang iba't ibang klase ng mga pintura ngunit hindi ang isang katulad nila dahil sa likod ng pinag halong pintura na iyon ay may mga pattern na hind basta napapansin maliban na laman kung ikaw ay bahagi ng angkan. Ngunit kahit bahagi pa ng angkan ay tanging mga napapahintulutan lamang ang maaaring  mag resulba ng pattern dahil hindi ito gagana at mananatili lamang ito sa ordenaryong anyo nito.

This painting are really weird dahil halos wala kang maintindihan na totoong hugis lalo na't pinag halong pintura lamang ito dahil minsan ay pagkakamalan mo itong parang shape ng bulaklak minsan ay bata minsan naman ay mata at minsan ay parang shape butterfly ngunit makikita mo lamang ito sa iba't ibang angulo na hindi ka pa sigurado kung iyon ba talaga oh hindi at kapag nakatayo ka lamang sa tapat nito ay mukhang napakasemple at magandang itapon sa basurahan.

Bigla ay nahati ang wairdong painting sa gitna at kasunod nito ay nahati din ang wall na nasalikuran ng swivel chair ni Aitor kasabay ng pag move forward ng swivel chair at mesa saka bumungad ang isang madilim na passage kasabay ng pag sulpot ng ilang laser at isang body scanner and voice recorder na magsisilbing password bago tuluyan makapasok sa loob at mawala ang laser na nakaharang.

"Uugod si tandang Aitor" Aijaxx said habang nakatapat ang bibig sa voice recorder at sa body scanner at kung wala sila sa situation nila ngayon kung saan nanganganib ang buhay ni Giovan ay siguradong tatawa ang mag pipinsan.

Nawala ang laser at bumukas ulit ang isa pang pinto saka sila humakbang papasok sa isang elevator pababa ngunit bago sila tuluyan makalabas sa elevator ay kaylangan ulit itapat ang mukha sa isang face scanner na mas lalong ikina buweset ni Aijaxx dahil tamad talaga ito ngunit wala rin naman magagawa kundi ang itapat ang mukha sa face scanner.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang malawak na space na may apat na pinto kung saan ang laboratory at mga nakaimbak na mga dangerous experiment medicine ni Aitor.

Humakbang si Rockeon sa isang kuwarto at itinapat nito ang mata sa isang eye scanner bago bumukas ang pinto na katapat ng laboratory room.

Mabilis nitong sininyasan ang mga pinsan na ipasok doon si Giovan na hanggan ngayon ay nanginginig kahit wala ng malay at patuloy parin na umaagos ang dugo sa tiyan nito na kahit pinipigilan na ito ni speed

"Tangina." Mahinang usal ni Felix habang patuloy parin ipina pump ang breathing pump habang si Rockeon naman ay minumonetor ang puso ni Giovan na unti unting humihina.

"Fuck!" Mura ni Rockeon ng mas bumagal pa lalo ang tibok ng puso ni Giovan. "Come on- hold on Bastard, kung hindi susunugin kita!" Pagbabanta pa ni Rockeon kay Giovan ngunit ramdam din ang takot nito para sa pinsan.

Maingat at mabilis na inilipat nina Rockeon, Aijaxx at speed ang katawan ni Giovan sa isang stretcher saka nilagyan ng oxygen at pagkatapos ay kinunan ni Rockeon ng dugo bago ito ipinasok sa isang Giant incubator at pagkatapos ay may ipinasak itong maliit na wire sa magkabilang bahagi ng incubator saka lumitaw ang ilang maliliit na mukhang metal glass sakanang bahagi ng incubator at sa kaliwang bahagi naman nito ay mukhng isang ulo ng bullpen at ilang sandali ay may lumabas na laser at tumama ito sa metal glass ng may pinindot si Rockeon sa gilid ng incubator.

"What's that?" Nagtatakang tanong ni Felix ngunit walang sumagot habang pinapanood ang mabibilis na galaw ni Rockeon.

Ilang sandali ay tumigil ang laser at kusang nag sarado ito ng makuha ni Rockeon ang gusto at doon lang nakuha ni Felix ang sagot sa katanungan niya ng lumitaw ang buong katawan ni Giovan sa malaking screen.

"CT scan?' Wala sa sariling usal ni Felix.

Ilang sandali matapos mawala ang laser ay gumalaw bahagya ang stretcher at nahati ito sa dalawa saka dahan dahan ibinaba si Giovan at kusang lumabas ang stretcher sa loob ng incubator.

Lihim na namangha ang mag pipinsan dahil napaka high tech ng incubator na gawa mismo ng pinsan nilang si Rockeon.

Isang high technology incubator na bagong imbinto ni Rockeon na isa sa pinaka batang myembro ng scientists at ito ang kauna unahang inimbinto niyang incubator na hindi pa nito inilalabas at nanatili parin itong secreto kahit lumipas na ang isang taon mula ng matapos nito ang invention. may mga nauna rin naman itong mga teknoloheya na naimbinto  but this is different dahil mas high tech ito kumpara sa mga nauna nitong na imbinto at kay Giovan pa lang ito unang masusubok.

Inisa isang isinabit ni Rockeon ang ilang apparatus na nagde-detect ng organs, blood pressure at heart beat at isang metal helmet na inilagay nito sa ulo ni Giovan na nagde- detect ng utak. Matapos nitong ilagay lahat at oxygen mask ay pinindot nito ang isang botton at lumitaw ang lahat ng inaasahan na mangyari ni Rockeon mula sa mga nakasabit na apparatus sa katawan at ulo ni Giovan at lumitaw sa malaking monetor screen. His organs, heart, brain, the vitals, blood pressure at maski ang pagdaloy ng dugo ay nakikita din ganun din ang puso kung paano ito mag function.

May pinindot ulit na button si Rockeon upang e double lock ang incubator at pagkatapos ay may usok na lumabas  mula sa dalawang tube na ibinuga kay Giovan mula sa paanan nito at pagkalipas ng isang minuto ay may unti unting likido na pumupuno  sa incubator hanggang sa bahagyang lumutang ang hubad na katawan ni Giovan mula sa pagkakahiga sa incubator.

Nang mapuno ng likido ang incubator ay may pinindot ulit si Rockeon kaya unti unting gumalaw ang incubator paangat na mula sa pagkakahiga nito ay unti unti naman itong tumayo ang robotic incubator.

Lumapit sina Aijaxx at Speed sa robotic Incubator at tinitigan ang pinsan na nasa loob ng incubator na puno ng tubig.

" Jesus!" Nabulalas ni Speed. "Look at his cuts!" Sabay turo nito sa mga sugat at pasa sa katawan ni Giovan na nakuha nito ng gabing sinugod at pinasabog ang hideout ng kalaban nila bago siya nagtungo sa hospital upang dalawin si Jamaica.

"Thats not an ordinary water." Sabat ni Aitor na kakapasok lang kasama si Braxton at Klawrick saka ipinaliwanag sa mga pinsan ang tubig na nasa loob ng incubator.

Ang tubig na nasa loob ng incubator ay bagong diskubre din ni Aitor na gamot at tumutulong itong mag pagaling ng sugat at pasa unti unti nitong ibabalik sa normal ang balat kahit may kabagalan lalo na sa situation ni Giovan na napaka sensitive ng balat dahil kunti galos lang ay agad itong nagkakasugat ng malalim na akala mo ay sadyang sinugatan at ang matindi pa nito ay kapag napalakas ang pagkakahawak ay bumabakat ito na tila nadi-desformed ang balat na dahilan kung bakit mas lalong kinabahan ang mag pipinsan dahil kakaiba ang kasong ito at first time nilang ma encounter ngunit hindi si Rockeon dahil tila familiar dito ang kaso ni Giovan.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon