Gemini

203 18 10
                                    

Samantala matapos mailabas si Giovan mula sa vip room na kinalalagyan ni Jamaica ay agad na kinuha ng mag pipinsan ang stretcher sa dalawang nurs at pinaalis na ang mga ito at sinabing sila na ang bahala saka tinawagan ang pinsan nilang si Davros upang e hack ang lahat ng camera sa buong hospital at e block ito upang iwasan ang panganib lalo na kapag nalaman ng kalaban ang nangyari kay Giovan.

Sa utos ni Aitor ay agad dinala ng mag pipinsan si Giovan sa office nito ngunit ng nasa kalagitnaan pa lang sila patungo sa office ni Aitor ng biglang ay nanghina ang mga tuhod ni Geoven at napaluhod dahil sa nasaksihan at nakikitang kalagayan ng kakambal.

Fuck!" Mura nito saka sumandal sa wall habang pilit na pinapahinangon ang sarili ngunit mas lalo lang siyang nahihirapan. Pakiramdam niya parang nasusuka siya dahil tila bumabalik sa isipan niya ang nangyari sa kanilang dalawa mahigit ilang dikada ng nakararaan.

"No, no... Damn it not now!" Mahinang usal niya habang mariin na kinukuyom ang kamao at ang buong katawan niya ay nanginginig. Pigil na pigil niya ang binubugso ng damdamin na hindi maaaring makawala ngunit kung gaano siya nag pipigil ay siya naman mas lumalakas ang kagustuhan makawala ng ibinubugso ng kanyang isip at damdamin.

Ang normal na tibok ng puso niya ay tila bumilis ito at lumakas ang tunog na alam niyang hindi na niya kayang kontrolin pa ang sarili.

Napadaing siya ng malakas na dahilan kung bakit naagaw ang attention ng magpipinsan na ikina mura naman ng mga ito ng makita siya sa ganoong kalagayan sunod sunod ang pag mumura ng mga ito habang nanlalaki ang mata.

"Fuck!" Mura niya ulit habang hirap na hirap lalo na't naaamoy niya ang dugo ng kakambal na pumatak sa sahig.

Naginginig parin ang katawan ni Geoven at maski ang paghinga nito ay mabilis din na tila hinihingal habang dumadaing.

"Ugh! Fuck Not now!" Mariin na tila namimilipit nitong sabi habang nakatingin sa kakambal niyang si Giovan na nanginginig din habang patuloy ang pag agos ng dugo mula sa sugat na tinamo nito sa tiyan.

"Move Faster!" Utos ni Aitor sa mga nakababatang mga pinsan dahil alam nitong may hindi magandang mangyayari dahil sa nakikita kay Geoven.

"Damn! Pumasok na kayo!" Sigaw niya na agaran naman bumalik sa huwesyo ang mga natulalang pinsan dahil kay Geoven saka mabilis na gumalaw ang mga ito at itinulak ang stretcher papasok sa office bago binalingan si Rockoen at tinanguan ito bilang sinyales na alam na nito ang gagawin.

"Kuya!" Nag aalalang tawag ni Felix kaya agad na sumabat si Braxton.

"Maiiwan ako" sabi nito at sininyasan na ang mga pinsan nila na mauuna na.

"No!" Sigaw ni Geoven hanggang sa muli itong dumaing na tila nasasaktan sabay hawak sa taynga at napaluhod pa. "No! No!" Patuloy nitong bulong habang umiiling.

"Geoven! huminangon ka, Giovan will be fine!" Sabi ni Aitor at akmang lalapitan ito ngunit sigaw ni Geoven ang nag patigil dito. "Stop! Don't come near me! Ugh!"

"Fuck! Geoven!" Tila pamimilit pa ni Aitor ngunit hindi naman niya alam kung papaano lalapitan ang pinsan dahil mas magiging dilikado kapag pilit siyang lumapit dito lalo na't nati-trigger ang pilit nitong binabaon sa limot na nakaraan.

"Bro!" Nagaalalang saad naman ni Braxton ng bigla ay tumawa si Geoven.

Humakbang si Aitor kasama si Braxton upang pigilan sana ang pinsan ngunit huli na ang lahat dahil tuluyan ng nawala sa sarili ang pinsan nila lalo na ng makita nila ang malamig nitong ngisi at ni imotion sa mukha ay wala maliban sa bakas ng paghihirap nito kanikanina upang pigilan ang sarili ang pamumula ng gilid ng mata nito habang may munting luha.

And now, the other side of Geoven Cordova is now unleashed. the Dangerous second personality.

"Gemini." Usal ng dalawa at bahagya pang napaatras habang kinakabahan dahil walang sinasanto at kinikilala oh kakilala ang Gemini.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon