Masarap

327 20 6
                                    


Walang tigil ang panunukso at pag paparinig sa kanya ng mga kapatid habang nag tatawanan, Oo nga at hindi binabanggit ang pangalan niya ngunit alam niyang siya ang tinutukoy sa pamumuno ng walang hiyang lalake na nag presentang ihatid sila gamit ang kotse daw nito na kahit walang driver ay nakarating sa kung saan sila.

Manghang mangha ang mga kapatid niya ngunit siya ay umirap lang at umismid.

"Yabang." Bulong niya ngunit dinig na dinig niya ang ngisi nito.

"Nabusog ba kayo mga bata?" Tanong nito na mabilis naman tumugon ang tatlo at si Jamey naman ay tumawa lang. "Good, sa susunod huwag mag pakipot ah para m-enjoy ang food at hindi ka mamatay sa inggit, diba?"

"Opo!" Inosenteng Tugon ni Tomey at Maidenette habang si Franco at Jamey ay tumawa bago sinigundahan ni Franco.

"Huwag hayaan tumunog ang tiyan." Tumatango parin nitong sabi.

"Dito mo na lang kami ibaba." Pagusungit niyang utos kay Giovan pero ngumisi lang ito.

"Aba Boss! dapat hinahatid kayo sa hantungan niyo bago kayo bababa hindi iyong malayo pa lang eh bababa na kayo, mababawasan niyan ang mga fats mo."

"Hindi ako mataba!" Singhal niya dahil asar na asar na talaga siya.

"Sabi ko Fats, hindi mataba!" Pag rarason pa nito kaya hindi na talaga niya napigilan batokan ang binata dahil sa buweset niya.

"Masasakal kitang animal ka!"

"Kasya ba? Ngayon pa lang sasabihan na kita malaki at mataba ang leeg ko mahaba din."

Tumawa ang tatlong bata na akala mo ay nakakatawa talaga pero sa kanya ay iba ang dating ng sinabi nito.

"But namumula ka?" Tanong pa nito ngunit halata sa mukha nito ang kalokohan kaya hindi na siya nakatiis.

"Buweset kang bastos ka hihiwalay ko na ang buhok mo sa anit mong walang hiya ka!" Nangigigil niyang sabi.

"Hey ano ba! Masakit yan ah ano ba iniisip mo? anong bastos? malaki at mahaba naman talaga ang leeg ko bakit matitiklop ba ang kamay mo sa leeg ko? Oo nga at may kahabaan daliri mo pero sa liit ba naman ng kamay mo tingin mo kaya niyang sakalin ako?"

"Tumahimik ka!"

"Hindi kita boss." Depensa nito kaya hinampas niya ito sa braso.

"Sinabi ko ba na boss mo ako?"

"May sinabi ba ako?!' Ganti nito.

Gustong sumingit ni Jamey kaso sa tuwing mag sasalita pa lang siya ay napapatigil na siya ng muling sisigaw ang isa sa dalawang taong nag babangayan.

Kaya bumaba muna siya at pinapasok ang tatlong bata dahil nasasaksihan na ng mga ito ang tila mag asawang walang tigil sa pag sisigawan sa isa't isa at walang gustong mag patalo.

Pumasok na ang mga ito sa loob at Inilapag niya ang bata sa cribs nito bago binalikan ang dalawang patuloy parin sa pag tatalo.

"Manyak ka!" Sigaw ng ate Jam niya pero agad naman dumepensa si Giovan na ikinailing niya.

"Ate! Ate! Ate!" Tawag niya kay Jam pero tila bingi ito at ganun na lang ang gulat niya ng makitang dumapo ang kamao ng ate niya sa ilong ni Giovan. "Ate h-hindi ka pa ba bababa?"

"You!"

Ngumisi si Jam. " Yeah. You me, Fuck you! Sabi pa nito saka mabilis na bumaba at walang kasing lakas na ibinalibag ang pinto ng kotse na kulang na lang ay mabasag ang windshield at bumaliktad.

Bumaba ang salamin ng kotse at binalingan siya ni Giovan dahil tuluyan ng nakapasok ang ate niya pero bago iyon ay binilatan pa ang lalaki

"Demonyeta talaga yang Ate mo." Asar nitong sabi.

"Sorry kuya." Paumanhin niya.

Umiling siya. 'Anyway ilang taong ka na nga?"

'Twenty two." Tugon ni Jamey.

Tumango naman si Giovan saka nag paalam.

Bumalik si Jamey sa bahay nila at pagdating nila doon ay naabutan niya ang ate Jam niyang dinaig pa ang hindi nakakain ng isang taon at pagkakita nito sa kanya ay napaubo ito at nabulunan saka pinukpok ang dibdib habang ang manok ay nasa bibig nito kasama ang boto.

"Ano ba yan ate para kang tanga dyan sa ginagawa mo." Saka niya inabutan ng tubig ang ate pero bago iyon ay hinila na muna niya ang boto ng manok sa bunganga ng Ate niya.

Mabilis naman ininom ni Jam ang tubig na may kasama pang ungol pagkatapos na tila doon lang nakahinga ng maayos.

Mayamaya pa ay sinamaan niya ng tingin si Jamey. "Bakit ba bigla bigla ka na lang sumusulpot?"

Umirap naman ito at pinag taasan siya ng kilay. "Nanisi kapa, ano ka magnanakaw na nahuling Kumakain? Pakipot kapa kasi kanina halatang gutom ka naman ayan tuloy hindi mo na feel yung sarap ng pagkain kanina habang mainit-init pa."

"Masarap naman kahit malamig na." Depensa niya at iningusan ito.

"Pero ang guwapo ni kuya Giovan no?" Tila kinikilig na sabi nito kaya binato niya ito ng plastic na kutsara.

"Kaya ka nabubuntis dahil dyan sa Kalandian mo eh pati may fiancee na lalake pinatulan mo basta guwapo sa paningin mo." Asik niya.

Ngumuso naman ito. "Sa totoo lang pera lang naman talaga ang gusto ko sa kanya noon dahil alam kong hirap karin sa amin sa pag papaaral at pangtostos sa araw araw na gastusin pero di ko namamalayan na mahal ko na pala siya at huli ko ng nalaman na may fiancee siya kaya iniwan ko siya."

Bahagya niya itong sinabunutan. "Buweset ka talaga. kaya bumukaka ka? Kung hindi nandyan na ang bata mananagot ka talaga sa akin ng husto!"

"Ate naman eh."

"Ate ate ka dyan!" Pag susungit pa niya. "Ano na ang balak mo ngayon?"

"Hindi ko pa alam, gusto ko rin hanapin ang magulang ko at makita silang muli kaya alam kung darating ang araw na hahanapin din ni baby ang tatay niya kaya siguro okay lang na siguro makita siya ng ama niya.

"Siguraduhin mo lang na hindi ko makikita ang lalakeng iyan dahil baka matutuluyan ng mabasag ang itlog ng lalakeng iyon."

"Sayang naman ang lahi ate pag ginawa mo iyon, Masarap kaya. palibhasa tatanda ka na yatang dalaga dahil sa kasungitan mo lahat ng nanliligaw sayo pinapahabol mo sa aso di naman kaya pinapahirapan mo. Sige ka, hindi mo matitikman ang heaven."

Hindi niya tuloy naiwasang batukan ito ng malakas. "Ang landi mo talaga nandadamay kapa." Saka siya tumayo habang bitbit ang natirang fried chicken at soda bago pumasok sa kuwarto niya at doon nilantakan.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon