A Shadow

486 22 12
                                    

Hapon na ng magising si Giovan matapos ang mission niya kagabi ng hulihin nila ang isang pinuno ng sindikato na kumukuha ng mga bata upang ibinta ng malaking halaga at ang iba ay ipinapadala sa ibang bansa upang gawing sex slave at ngayon ay hito na naman siya. Another mission tonight.

Kaninang hapon ay tinawagan siya ng kanyang Lolo upang ipaalam sa kanya na kaylangan ng Chief of police na si Dario Martinez ang tulong niya tungkol sa mga batang nairiport sa polisya na may mga batang nawawala. Hindi na niya kailangan pang alamin kung saan hahanapin ang mga ito dahil idinitalye na iyon lahat ng pinsan niyang tracker at ang kailangan niya lang gawin ay tambangan ang mga ito at iligtas ang mga bata na ngayon ay dadalhin patungo sa Thailand.

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa motor upang habulin ang Puting Van na karga ang mga batang nawawala noong isang araw at kahapon lang nila natunton kaya sinundan niya ang mga ito upang bawiin ang mga batang dinukot mula sa park habang naglalaro ang mga ito.

He need to stop them bago pa maganap ang karumaldumal na pangyayari.

Kailangan niyang tapusin ang trabaho impronto bago dumating ang mga police upang hindi siya maabutan ng mga ito.
They just can't appear without permission from the higher position because they can be punished especially since they are a member of a private organization and not under the government.

Nag tatrabaho sila na tila isang Anino na umaaligid at nakasunod sa bawat galaw bago ang pagataki.

Napaka dilikado ng trabaho nila para silang police but they are deferent professions.

Kumpara sa panghuhuli ng isda sila ang madalas na napapain at maari din silang Anino lang na nakasunod at aataki sa oras ng nakatakda.

Gamit ang Bluetooth headset ay kinausap niya ang pinsan na si Davros upang e track ang mga police, ito ang mag bibigay ng sign sa oras ng kailangan ng humakbang ang mga ito.

"ALL SET." Narinig niyang tugon ng pinsan niya dahil hindi naman siya maaring basta na lang gumalaw dahil may mga batang nasa panganib.

Binilisan pa niya ang pag papatakbo para unahan ang mga ito at bigla ay natumba siya sa kalagitnaan ng kalsada at tumilapon na dahilan ng ikinahinto ng van kung saan sakay ang tatlong batang kinidnap.

Bumaba ang isa sa mga armadong kalalakihan at galit na tinutukan siya ng baril

"Hoy! Nakaharang ka sa dinadaanan namin!" Sigaw nito na agad naman niyang itinaas ang isang kamay pero sa loob ng suot niyang helmet ay gusto niyang matawa.

Dumaing siya. "B-boss tulong."

Nag mura ito at tinutok sa ulo niya ang baril. "Tatabi ka oh papatayin kita?"

"Boss naman... papaano naman po ako Tatabi eh mukhang nabalian yata ako ng buto." He reasoned out.

"Aba't putangina!" Pag mumura nito at Pinaputukan siya ngunit pasimple siyang umiwas. "

"Boss maawa kayo may pamilya at anak po ako." Pagdadrama niya.

Nilingon naman ng armado ang kasamahan nito bago siya binalingan ulit at sinamaan ng tingin na kahit madilim ang paligid ay nakikita parin niya ito dahil sa liwanag ng buwan at ilaw ng van na nakatutok sa kanila.

Tumingin siya sa mga kasamahan ng armado na nasa loob ng van at pasimpleng inobserbahan. High tinted ang van pero nakikita parin niya ang tao sa loob sa tulong ng contact lense na Ginawa mismo ng pinsan niya para sa kanila.

Tatlo ang lalakeng armado sa loob isa na doon ang Driver at ito ang ikaapat nila.

Ngumisi ang lalaki na nakatayo sa tabi niya saka siya pinaputukan ulit at tinamaan siya sa braso ngunit hindi niya iyon ininda.

Tinaas niya ang isang kamay na kunwari ay pipigilan niya ito. "Boss wala namang ganyanan maawa naman kayo mabait akong tao." Sabi niya na tila nangaasar.

Nakita niya ang talim sa mata ng lalaki pero cool lang siya. "Boss kung itabi niyo na lang kaya yung motor ko idi makakadaan na kayo. paki buhat narin ako boss pero mabigat po ako ah."

Nagtagis ang bagang ng Armado ngunit ngumisi ulit samantalang siya ay tila gustong umirap dahil nag papaka feeling killer smile bungal naman. Aniya sa isip.

"Sagasaan mo na to Robin."

Tumawa siya. "Boss, kung sasagasaan mo kami ng Motor ko tingin mo hindi masisira ang Van niyo? Mukhang nag mamadali pa naman kayo."

Pinaputukan siya nito sa ulo pero kagaya sa una ay pa simple siyang umiwas kaya hindi siya natamaan.

Narinig niya ang boses ni Davros mula sa kabilang linya marahil ay nakita nito ang ginawa ng Armado sa kanya.

Bumuntong hininga siya ng mapansin ang isang insektong mukhang langaw sa taas. "Boss alam niyo bang kasalanan ang pumatay lalo na kung babaril ka ng taong walang kalaban laban?" Pangungunsensya niya kahit alam niyang demonyo ang lalakeng nakatayo sa tabi niya.

Tinawag nito ang isa sa mga kasama nitong armado at sininyasan na itabi ang motor habang nanatili din nakatotok sa kanya ang baril nito.

"Boss tawagin mo pa iyong kasama mo dahil hindi ako kaya ng dalawang tao lang na bubuhat at saka hindi niyo naman po ako pupwedeng Sagasaan dahil malaki akong tao isa pa sayang ang lahi ko kung mamamatay lang ako ng hindi pa nakapag dodonate ng sperm sa maraming magagandang dilag wala pa akong tagapagmana, alam niyo na."

Bumaba ang Driver at sininyasan nito ang isang kasama sa loob na manatili doon upang bantayan ang tatlong bata na kinidnap nila.

"Isa sa kamay isa sa paa." Aniya saka ngumisi dapat may mag binuhat din sa katawan ko boss para hindi lumala ang bali sa likod ko." Natatawang sabi niya saka inayos pa ang pagkakahiga sa kalsada.

"Pinag loloko mo ba kami?"

"Hindi boss, nag sasabi lang ako ng totoo dapat maingat ang pag bubuhat sa taong may bali sa katawan alam niyo naman iyon diba? Maliban na lang kung talagang mga Bobo kayo."

"Aba't gago to ah!" Saka siya pinaputukan ng baril ulit pero agad siyang gumulong at binaril ito sa kamay na ikina gulat ng dalawang kasama nito ngunit agad din nakabawi at bumunot din ng baril ang isa pero naunahan niya ang mga ito at pinag babaril sa mga kamay na dahilan na nabitawan ng mga ito ang baril saka pinag puputukan din ang mga binti upang hindi makatakas.

Ang lalaking naiwan sa loob ng van ay pina putukan din siya pero mabilis siyang nakaiwas at binaril din ito na ngayon ay may tama na sa dibdib.

Napailing siya dahil agad bumagsak ang lalaking binaril niya saka siya tumayo ngunit hindi pa man siya gaano nakakatayo ng maayos ay naka tanggap siya ng tama ng bala sa tiyan kaya sa Buweset niya ay binaril din niya ito sa ulo.

"Tangina." Mura niya saka lumingon sa paparating na sasakyan ng mga police.

Agad siyang gumalaw ng mabilis at sumakay sa kanyang motor at sumibat na ngunit bago iyon ay tiniyak niyang hindi makakatakas ang mga armadong lalaki at ligtas ang mga bata na ngayon ay umiiyak dahil sa takot.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon