Searching

315 20 2
                                    


Hindi pinatahimik ng larawan ng batang iyon si Giovan at maski sa panaginip ay dinadalaw siya habang masayang tumatawa na tila totoong totoo na kaharap niya ang bata dahil kahit gising na siya ay tila naririnig parin niya ang tawa nito na umi-echo sa kanyang taynga.

Bigla ay kinilabutan siya dahil hindi niya maiwasan na mapaisip na baka patay na ang bata at nag papakita ito sa kanyang panaginip at baka bangungutin pa siya at hindi na magigising kahit kaylan kaya kinabukasan ay kinausap niya ang kanyang ama at lolo na tatanggapin na ang mission dahil baka multuhin na talaga siya ng bata at sakalin.

Jesus! Hindi katangaptangap na mamatay siya dahil lang sa isang multo ng bata.

Matapos niyang makipag usap sa mga leader ay pinuntahan niya ang pinsan upang alamin pa ang ibang information tungkol sa bata at makalipas ang mahigit kalahating minuto ay nakakuha sila ng information at batay sa mga nakuha nila ay may kakaiba sa kasong ito.

A few days after the body of the child's nanny was found, the police also found the body of the nanny's companion with gunshot wounds to the head and chest while the bodies were on fire inside the old warehouse.

Matapos makuha ang information na iyon ay inihack naman ng pinsan niya ang lahat ng record ng polisya sa lugar kung saan nairiport at nawala ang bata ganun din kung saang lugar namatay ang Yaya nito at ang record ng polisya na siyang humawak sa kaso ng mga namatay na kasamahan ng yaya.

After they searched and got the important information about it, his cousin quickly left when he saw them being traced, so he immediately put up a big barrier so that they wouldn't get caught .

He read all the information obtained and based on the information stated there is no record of the child being among the dead other children caught by them .

Napangisi siya. "This is getting more interesting." Aniya pa at tila nangigigil siya sa mesteryong bumabalot sa kaso.

Walang pagsasakali at agad niyang Pinuntahan ang magulang ng bata upang kausapin ito at tanungin pa tungkol sa ibang information.

Nalaman niyang nasa nueva ecija ang mga ito kung saan ang Home town ng Ina ng bata.

Itinigil niya ang sasakyan sa isang wooden modern house at sa tantya niya ay bahay bakasyonan ito at ang paligid nito ay puro bulaklak at puno.

Napaka sariwa ng hangin at malamig at wala ring gate na nag sisilbing bumabakod sa bahay.

"Ano po ang kailangan nila sir?" Tanong ng isang binatilyo na tinanguan naman niya bago nag pakilala.

"Sandali lang po sir tatawagin ko lang po ang nanay ko."

Tumango siya at ilang sandali ay lumabas ang isang may katandaang ginang.

"Magandang hapon po." Bati niya dito.

"Magandang hapon din ihjo, ano ang iyong sadya?

"Gusto ko po sana makausap iyong mag asawa.

"Sige, sandali lang at pupuntahan ko sila."

Tumango naman siya at nag hintay ng ilang saglit at mayamaya pa ay tinawag siya ng ginang mula sa may balcony at pinaakyat patungo sa isang kuwarto at pinag buksan siya nito ng pinto at doon niya nadatnan ang mag asawang naka upo habang ang isang Ginang ay tila nag pipigil umiyak.

"Good afternoon sir, ma'am." Bati niya na tinugon naman ng dalawa at pina upo siya sa kabilang sofa na kaharap din ng dalawa.

"Anong gusto mong inumin ihjo?" Malumanay na tanong ng ginang.

Umiling siya. "No need Ma'am thank you, I just came here to ask you something."

"Anything." Saka napahikbi ang ginang na agad naman inalo ng asawa nito.

Nag simula siyang magtanong tanong tungkol sa bata at iba pang alam ng mga ito at ayon sa kuwento ng mga ito ay ilang Privet detective na ang kinuha ng mga ito upang hanapin ang anak nila ngunit lahat ng mga iyon ay bigong hanapin ang bata hanggang sa paglipas ng taon at dahil wala ring makitang lead na patay or buhay pa ang nawawalang bata ay hindi tumigil sa pag hahanap ang ginang at patuloy na nanalangin na sana ay buhay pa ang anak at makabalik sa kanila.

Tumango siya bilang pagkakaintindi sa sinabi ng mag asawa.

"Pero nitong nakaraang buwan saktong kaarawan ng anak ko, March 10 ay may dumating sa amin na bracelet." Saka nito ipinakita sa kanya ang isang bracelet ng bata. ' Suot niya yan bago siya mawala sa amin."

Dinampot niya ito at tinitigan. "Sigurado po kayo na sa kanya ang bracelet na ito?"

"Yes dahil ako mismo ang gumawa niyan para sa anak ko wala ng iba sigurado akong buhay pa siya."

Tumango siya bilang tugon ulit.

"Yan ang unang dumating sa amin tatlong buwan na nakararaan." Sabat ng Asawa nitong lalake. "At noong isang buwan kaarawan ng asawa ko ay may dumating sa amin na drawing. " Saka nito ipinakita ang isang drawing ng bata na kasama ang magulang nito at may naka sulat pang Mom and Dad at sa baba nito ay I miss you ngunit hindi na ito sulat ng bata kundi sulat ng matanda. Ang drawing naman ay masasabi niyang ilan taon na ang lumipas at naka tago lang ito habang naka tupi.

Hindi niya maiwasan na mag taka dahil kung buhay ito bakit ngayon lang nagpaparamdam sa magulang nito oh kung bakit ayaw mag pakita or baka may rason oh meron pang ibang pakay ang taong nasa likod nito.

"Tinanong niyo po ba ang courier na nag de-deliver nito sa inyo kung sino ang nag papadala?"

Umiling ang mga ito. "Wala dahil nakikita lang yan sa harap ng pintoan ng bahay namin." Tugon ng ginang.

"Ito'y noong nasa manila kayo di po ba? May kuha po ba kayo ng cctv?' At hanggang ngayon po ba ay may nakukuha pa kayong iba bukod pa dito?

"Wala, may mga cctv sa labas at loob ng bahay pero walang nakukuha ni isa. Pero noong isang linggo may nakuha kami pero mabilis lang ito." Saka kinuha ng matandang lalake ang lop top nito at ipinakita ang kuha ng cctv may isang bulto ng tao na nag tatago sa madilim na sulok ng pader kung saan ito nakatayo at nakatingin sa itaas.

Kumunot ang noo niya ng mapansin ang galaw ng taong iyon kaya unlit niya ng dalawang beses ang pag play niya sa video.

Masyado itong maingat at mabilis ang bawat galaw at maski ang pagakyat nito sa mataas na pader ay tila expert hanggang sa pagtalon nito pababa bago tumingala.

"Kaninong kuwarto ang tinitingala niya?"

"Kuwarto naming mag asawa." Tugon ng ginang." Ayaw ko sanang umuwi dito dahil baka magpapakita sa amin pero ayaw makinig sa akin ni Jullius ." Saka nito nilingon ng asawa. "Baka anak natin Yon honey, please umuwi na tayo."

Muli ay inulit na naman niya ang pag play at inobserbahan ito hindi rin matukoy kung babae ito oh lalake dahil tila nahagilap lang ito ng cctv at nag tatago sa madilim na sulok. napakagat labi siya at sa isip ay hindi ito ordenaryong tao batay sa mga galaw nito. Paulit ulit ang pag play at doon nakita niyang nakatingin ito sa camera at sa isang iglap lang ay nawala ito ng mapansin nitong natutukan ito ng camera.

"May cctv po sa mga daan papunta sa bahay niyo ini check niyo po ba iyon?"

"Hiningi namin ang record ng cctv mula ng dumating ang mga package na iyan sa amin pero wala naman kaming napansin na kakaiba pina check din namin sa mga police pero at maski sila ay wala din napansin.

Tumango siya kung ganun ang nangyayari ay may napagtanto siya.

"Hindi po tayo sigurado lalo na't maaring may ibang dahilan para sadyain kayong padalahan ng mga ito, but don't worry Mrs and Sir. Gagawin ko ang lahat para hanapin ang taong sa likod ng nag papadala sa inyo ng mga bagay na ito and please, mag iingat po kayo at huwag basta mag titiwala." Aniya saka tumayo at nag paalam sa mag asawa.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon