Libre

264 22 8
                                    


"ANONG NANGYAYARI DITO?!" Gulat na bungad ng isang ginang ng makapasok ito sa loob ng prisento habang nanlalaki ang matang nakatingin kay Jam bago nito binalingan ang taong nasa sahig.

"Oh my god!" Tili nito ng makita at makilala kung sino ang nasa sahig na namimilipit sa sakit habang hawak hawak ang junior nitong nasaktan. "Anong nangyayari dito? tika, bakit? Ryan Anak, Anong nangyayari sayo?" Natatarantang tanong ng ginang saka siya muling binalingan at masamang tinignan.

"Anak niyo ang gagong iyan mam? Alam niyo ba kung anong ginawa ng walang hiya niyong anak sa kapatid ko?" May katigasan na sabi ni Jam sa Ginang.

"What Are you talking about?"

"Toking Toking? Abay yung anak niyo mam, ginago ang kapatid ko!" Di niya mapigilan sigaw at wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang walang galang sa mas matanda sa kanya basta galit siya.

"Hindi gago ang anak ko! Hindi ko siya pinalaking manloloko oh ano paman. tinuturuan ko ng tama ang anak ko!" Galit na sabi ng Ginang. "Puwede kitang ipakulong dahil sa pamimintang mo sa anak ko at pananakit."

"Mom." Dinig niyang tawag ni Ryan sa ina habang namimilipit parin.

"Ipapakulong? sige! Ipakulong mo ako pero sisiguraduhin kong hindi kana magkakaroon pa ulit ng isa pang apo dito sa anak mo!" ganti niya at muling sinipa ang bayag ni Ryan at ang mga police na nasa paligid ay lihim na napaigik dahil kagaya kanina ay pakiramdam nila parang ramdam nila ang sakit.

Nagulat naman ito dahil sa sinabi niya habang nagtataka. "Apo? Anong apo ang pinag sasabi mo dyan? at Anong ulit?! Huwag kang sinungaling babae ka! hindi ko tinuruan ang anak ko na galawin ang isang babae lalo na kung hindi naman mahal at higit sa lahat hindi kasal! so stop accusing my son!"

"Nakita mo ba ang batang iyon? Ayan! anak ng kapatid ko at ng anak mo!"

Sinundan naman ito ng ginang ng tingin saka nilapitan si Jamey na karga ang anak at ng makalapit ito ng tuluyan ay siya naman pagigit ng bata at sinoksok ang mukha sa dibdib ni Jamey na tila ayaw mag pakita ng mukha.

"Good heaven." Nabubulalas ng ginang. "Ilang buwan na?" Tanong nito kay Jamey habang hindi naalis ang tingin sa bata.

"Limang buwan na po." Kinakabahan na tugon ni Jamey.

"Limang buwan?" Pag uulit nito.

"Ayan ang ibidinsya kaya sabihin niyo sa akin kung nagsisinungaling ba talaga ako? Itong anak niyo mapapatay ko talaga ito at tutuhugin ko ang puwet at iihawin ng buhay!
Di niyo ba alam na ako ang kilabot gangster ng lugar na ito?" Gusto niya pa sana idugtong ang pagiging kilabot gangster niya kuno kaso ng makita niyang bumunot ng baril ang Ginang at tinutok iyon sa anak ay siya namang kasing bilis niyang umatras at nagtago sa likod ni Giovan.

"May anak ka palang walang hiyang bata ka at hindi mo pa talaga pinanagutan? hindi kita pinalaking ganyan!" Saka ito pina putukan ng Ginang si Ryan ngunit naka iwas naman ito at akmang babarilin ito ulit ang anak ay siya namang mabilis na umawat si Giovan.

"Mrs, baka puwede niyo po pag usapan iyan mamaya, may mga bata kasi dito." Baling ni Giovan sa magkakapatid na ngayon ay nagtatago na sa likod ni Jamey habang takot na takot. Doon lang na realise ni Jam ang mga karahasan na pinaggagawa niya sa harap ng mga bata kaya napakamot siya sa batok.

Napakagat labi siya at tumikhim. "Ngayon alam niyo na ang kalokohan ng anak niyo Mrs, sa susunod bantayan niyo ng mabuti 'yang anak niyo ng hindi na yan makapanggago ng iba." Aniya pa saka tinawag ang mga kapatid at lumabas na sa prisento.

"Iyong apo ko!" Ani ng ginang kaya napatigil siya sa pag hakbang palabas at nilingon ito.

"Di namin kailangan ang tulong niyo madam!" Tugon niya saka muling hinila ang mga kapatid.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon