DREAM

231 22 13
                                    

It's y birthday today kaya ako na ang magbibigay ng gift sa inyo. char lang🤣 actually may spg akong nilagay dito kaso binura ko na kanina habang nag eedit ako sorry gusy.

Love you enjoy reading.

"Anak, please gising na, huwag mo namang takutin si Mommy, huwag kang sumuko anak. mahal na mahal ka namin ng daddy mo, please, huwag mo kaming iiwan ." Mugtong mata na sabi ng ginang habang hawak ang kamay ni Jamaica na ngayon ay nakaratay sa hospital at tanging ang makina na lamang ang nagbibigay buhay dito.

Magdadalawang buwan na mula ng saluhin ni Jamaica ang bala na dapat ay sa magulang nito at hanggang ngayon ang nakaratay parin sa hospital bed at comatose.

Sa loob ng mahigit isang buwan ay wala paring sinyales na magkakamalay ito at sa halip ay tatlong beses na nagkulaps ang puso ni Jamaica at ikaapat kanina at iyon ang pinaka matalagal na pilit na nire-revive si Jamaica na umabot ng mahigit kumulang ng isang oras.

"Anak please ngayon lang tayo ulit nagkita kaya huwag mo kaming iiwan ng Daddy mo anak."

"Mahal, mag pahinga kana muna, ako na muna ang bahala sa anak natin." Saad ng Ama ni Jamaica.

"Mahal natatakot ako. ngayon lang ulit natin nakita ang anak natin pero hito siya ngayon at nakaratay sa hospital at walang kasiguraduhan kong makakapiling pa natin siya ulit."

"Matapang ang anak natin alam kong lalaban siya." Pag papalakas ng loob ng asawa nito.

"Diyos ko, nagmamakaawa ako sayo ngayon lang namin ulit nakita ang anak namin gusto ko pa siyang makapiling ng matagal huwag niyo na munang bawiin sa amin ang anak ko."

Lumapit ang asawang lalake at niyakap ang ginang habang pilit na pinapatatag ang sarili upang hindi ito panghinaan ng loob ngunit ang trydor nitong luha ay pumatak parin kaya muling napahagolgol ang asawang babae

"Huwag po kayong mag aalala maam, sir, matapang po ang anak niyo. Alam kong lalaban siya para sa inyo at sa mga kapatid niya hindi siya susuko alam kong babalik siya dahil naniniwala ako sa kanya. matapang siya at hindi ko rin siya susukuan at mas lalong hindi ko  siya bibitawan." Sabat ni Giovan na kararating lang na may dalang bulaklak at prutas.

Tumango ang mag-asawa at tipid na ngumiti.

"We know ihjo." Tugon ng ginang.

"May nangyari po ba?" Nakakunot noo na tanong niya ng may napansin siya. "Nag kulaps na naman po ba?"

Tumango ang ama ni Jamaica bilang tugon kaya mariin siyang napapikit habang nakakuyom ang kamao.

Marahan siyang humakbang papalapit kay Jamaica at hinaplos ang buhok nito. "Huwag kang bibitaw marami kaming naghihintay sayo dito." Saka siya bumulong. "Baby please wake up, namimiss na kita." Saka siya bumuntong hininga. "Sige ka gagahasain na talaga kita kung hindi kapa gigising." He joked ngunit napasinghap ang mag asawa ng makitang gumalaw ang hintuturo ni Jamaica hanggang sa muli pang nasundan iyon.

"Oh my god! Did you see that mahal? Gumalaw ang daliri niya!" Hindi makapaniwalang bulalas ng ginang saka niyakap ang asawa.

"This is a good sign mahal, babalik sa atin ang anak natin." Natutuwang tugon ng asawang lalake ngunit nandoon parin ang takot at kaba.

Napangiti siya at hinawakan ang kamay ni Jamaica at ang mag asawa ay lumapit din saka hinaplos ng ginang ang mukha ng anak.

"Naghihintay kami sayo anak." Naluluha at nangingiting sabi ng ginang.

Pinauwi na muna ni Giovan ang mag asawa upang makapag pahinga lalo na ang ginang na ayaw ng umalis sa tabi ng anak dahil gusto nito ay nasatabi lang siya ng Anak ngunit napilit din ito ng asawa at ni Giovan lalo na't hindi pa ito gaano mabuti ang pakiramdam dahil sa sakit nito.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon