Agent Assassin

276 22 11
                                    

Hello everyone! Ayan finally may update an haha actually tinatamad talaga ako mag update ang dami kong naiisip an isulat kaso nananaig ang katamaran ko🤣 anyway enjoy reading

Nasa kalagitnaan ng biyahe si Giovan ng mapansin ang tatlong motor na nakasunod sa kanya mula pa kanina habang pabalik siya sa kanyang rest house, kaya pasimple siyang lumiko patungo sa kabilang daan kung saan malayo sa kabahayan upang iwas disgrasya sa mga inosente.

Mabilis niyang inabot ang isa sa mga baril na may silencer na nasa ibaba ng driver seat at kinasa ito saka mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa kotse bago pinaikot upang salubungin ang mga sumusunod sa kanya na kalaban.

Nang nasatapat na siya ay saka niya muling pinaikot ang kotse upang sagasaan ang tatlong motor na naka sunod sa kanya hanggang sa matumba ang mga ito at doon pinag babaril ang mga ito at umalis sa lugar na iyon habang kausap ang mga taohan nila para ligpitin ang mga walang buhay na kalaban.

Ayaw naman niyang kumitil ng buhay pero sa klase ng trabaho nila ay walang siyang choice kung hindi ang makipag patayan din lalo na't hindi lang ang buhay niya ang nakasalalay sa trabaho niya kundi ang mga taong kailangan ng tulong at mag liligtas sa kapahamakan.

Hindi sila super hero oh si super man oh Batman, sadyang nasa dugo lang nila ang ipagtangol ang mga taong hindi kayang iligtas ang sarili sa mga taong kagaya ng Blank organization.

Ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila kahit kapalit nito mismo ay ang kanilang buhay para sa mga taong nabibiktima ng mga Organization ng mga ito.

Hindi ganun kalakihan ang kanilang ahensya ngunit sapat din ito para banggain ang Organization ng Pentagon.

Ang pentagon ay binubuo ng limang malalaking Grupo ng Mafia na siya rin founder ng Organization na ito at kung sino ang malaki malakas at makapangyarihan ay siya ang mamumuno sa Pentagon. Ngunit hindi ito nanatili sa isang tao, oh leader, kundi ito ay agawan sa position at kung sino ang makakatalo sa unang leader ay ito ang papalit. Kahit sinong Mafia ay puwedeng pumalit as long na ito ay higit kaysa sa nauna.

Kaya ang kanilang angkan ay ginagawa ang lahat upang pigilan ang mga ito dahil nadadamay pati ang mga inosente dahil lamang sa kasakiman ng mga taong ito. isa pa hindi lang naman ang kanilang pamilya ang gumagawa ng ganitong klase ng trabaho dahil may iba pang sekretong ahensya oh organisation na higit na mas malaki at mas makapangyarihan sa kanila at marami ding ibang tao na nag bubuwis ng buhay para sa iba.

Hindi basta basta ang pagsunod at pag i-ispiya sa mga ganitong klase ng mga tao lalo na't marami sa kanila ay may connection sa alagad ng batas at sa gobyerno.

Isa silang Agent Assassin pero bukod pa sa pagiging Agent assassin nila ay tumatanggap din sila ng kasong hindi basta basta na reresulba ng iba, kagaya ng pag iimbistiga sa ibang taong may mabigat na katungkulan sa bansa na gumagawa ng kasamaan at sa likod ng pagpapabango nila sa kanilang pangalan ay ginagamit ang kanilang position upang linlangin ang mga tao oh minsan ay ginagamit din nila ito para sa kanilang masamang gawain bilang drug lord at human trafficking bukod pa doon ay ang grupo ng mafia.

Buwis buhay ang pag I-inbestiga sa ganitong klase ng mga tao oh myembro ng Pentagon dahil hindi ito nag dadalawang isip na idispatya ang mga taong nahuhuli nila at idadamay ang taong malalapit sa mga nahuhuli nilang myembro ng samahan nila. Ang mga organisation ng mga ganitong mga tao ay palaki ng palaki hindi lamang sa Asia kundi halus buong mundo ay may ganitong klase ng mga grupo at dahil doon ay unti unti rin nabubuo ang kagaya ng kanilang ahensya para supilin ang ganitong klasing kalakaran ng mga kalaban nila. Ang organisation na binuo ng Ina ng kanilang Lolo and they called Cordova Agent Assassin oh CAA.

He remember his mom. He's mother almost died when he was fifteen years old. Sinubukan silang kidnapin ng mga kalaban noon ng tambangan sila sa daan ng papauwi na sila ng hapon galing sa probinsya.

Ang kanyang ina ang sumundo sa kanya ng hapon na iyon dahil nasiraan siya ng kotse at nagkataon na wala ang kanilang driver at ang kanyang Ama ay nasa Ibang bansa.

Sa kalagitnaan ng beyahe nila noon ay hinarangan sila at sunod sunod na pina putukan at dahil bata pa lang ay tinitrain na siya ng kanyang Lolo at ama ganun din ang kanyang mga tiyohin ay maaga siyang natotong humawak ng ibat ibang klase ng baril at martial arts. Pinaputukan niya ang mga kalaban saka pinalipat niya ang kanyang ina sa likod at siya ang nag maneho ng kotse pagkatapos ay pinaandar niya ito at binangga ang isa sa dalawang van na humarang sa kanila kasama na doon ang ibang sakay ng van saka niya pina atras ang kotse ngunit pinaputukan ng kalaban ang gulong ng kotse kaya na out of control ito at bumangga sa isang puno kaya wala silang nagawa kundi ang lumabas sa kotse at tumakbo papasok sa loob ng nag tataasang puno ng mais habang nagpapalitan sila ng putok ng baril.

Nasa unahan niya ang kanyang ina habang siya naman ay nasa likuran upang protektahan ang inang may tama ng baril sa braso at balikat at ang isa naman ay malapit sa dibdib nito.

Hinang hina na ang kanyang ina pero hindi siya sumuko at dahil malaking bulas siyang tao ay binuhat niya ang kanyang ina ng mapansin niyang hindi na nito kayang tumakbo pa ng mabilis habang patuloy ang pakikipag barilan.

Napatumba niya ang sampong kalaban ngunit hindi niya inaasahan na may isa pang nag aagaw buhay at nagawa silang paputukan at dahil na rin naubusan siya ng bala ay hindi na niya ito nabaril pang muli at ang putok ng baril ng kalaban ay ang ina niya ang sumalo matapos siya nitong itulak at tinamaan sa dibdib na malapit sa puso.

Mabuti na lang sa araw na iyon ay agad siyang nakahingi ng tulong sa mga tiyohin niya at agad sumunod ang mga ito ng sabihin niyang tinambangan sila. Nadala sa malapit na hospital ang kanyang ina at agad din ito ipinalipat matapos linisin ang sugat ng ina niya sa maayos na hospital. Ang akala nila ay mawawala na sa kanila ang kanyang ina ng ilang beses mag collapse ang puso nito and thank god she survive after that.

Simula ng nangyari iyon sa kanila ng kanyang ina ay sinigurado na niyang lahat ng sasakyan niya ay puro high tinted fiver glass at doon may naka imbak na baril at Bala at hindi lang iyon lahat ng sumusunod sa kanya lalo na kung kotse ang dala niya ay sinasagasaan niya ito dala narin ng trauma dahil sa nangyari sa kanila ng kanyang ina na hanggang ngayon ay dala dala parin niya.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon