Insects

272 25 10
                                    


Umuwing nangangalaiti si Giovan ng gabing iyon at habang sakay siya ng motor ay halos hindi na siya humihinga sa tuwing napapadaan siya sa lubak lubak na daan dahil naalog ang nasaktan niyang Junior.

Pigil na Pigil ang paghinga upang bahagyang maibsan at mamanhid ang kanyang katawan upang mabawasan ang sakit sa tuwing naalog ang kawawang junior

Pag dating niya sa bahay ay paika ika siyang nag lalakad dahil Bukod sa masakit ang kanyang alaga ay ramdam parin niya ang sakit sa kanyang balakang mula sa pagka hulog sa puno.

"Diyos ko! Anong nangyari sa iyong bata ka?" Gulat na gulat na tanong ni Aling Lusing ng makita siyang nahihirapan maglakad.

"May nakasalubong po akong tikbalang na babae." Tugon nito saka binuksan ang freezer upang mag hanap ng yelo para idampi sa kanyang alaga.

"Jusmeyong batang to oh, puro ka kalokohan. Sige na umakyat kana doon at dadalhan na lang kita ng yelo sa kuwarto mo." Naiiling na saad ng ginang saka kinuha ang ilang ice cube at inilagay sa malinis na towel saka ito sumunod sa kanyang kuwarto.

Pumasok siya sa banyo saka nag hubad upang maligo at ng mahubad na niya ang lahat ng saplot sa katawan ay napamura siya ng makitang medyo namamaga ang kawawang Junior kaya sa gabing iyon ay nanatiling naka dampi lang ang towel na may yelo sa kanyang junior na kahit medyo masakit at namamanhid na dahil sa lamig ay tiniis niya.

Kinabukasan ay walang pag dadalawang isip niyang pinakawalan ang mga insekto na may matang camera at ang pakpak nito ay sumasagap ng init na nag mumula sa araw upang manatiling gumana ang insekto at ang katawan nito ay isang microphone and recorder. Gamit ang high- technology niyang Ipod at application na gawa mismo ng pinsan niya ay nakikita niya ang lahat ng taong nadadaanan ng mga insekto at titigil lang ito kapag makita ang target at susundan ito kahit saan ito mag punta.

Hindi siya titigil hanggat hindi mahahanap ang babaeng tikbalang na nanakit sa kaawaawang junior niya at sisiguraduhin niyang pag babayaran nito ang kasalanan nito sa kanya.

"Just wait winch, I'll hunt you no matter what." Nangigigil parin niyang usal habang nakatutok ang mata sa tablet.

Tandang tanda parin niya ang mukha ng babaeng iyon at sigurado siyang malapit lang ang babaeng iyon sa lugar kung saan naganap ang paninipa sa kanyang Junior ngunit lumipas na ang hapon ay hindi parin niya ito nahanap na ikina buweset niya kaya sa inis ay itinapon niya ang ang ipod sa kama at humiga. hindi niya maisip kung saang lupalop ng Palawan nag susuot ang babaeng iyon at hindi makuha kuha ng mga insekto ang mukha nito at maski ang pinsan niya ay hindi rin ito makita.

"Hindi lang yata tikbalang ang babaeng iyon kundi ingkanto rin." Aniya pa saka ginulo ang buhok dahil sa frustration at medyo masakit na rin ang mata dahil kanina pa siya nakatutok sa kanyang ipod.

Ngunit ilang sigundo matapos niyang ilapag ang ipod ay tumunog na ito na sinyales na may na spotan ang insekto kaya mabilis niyang dinampot ang ipod at agad na ini check.

"Found yah." Naka mngisi niyang sabi ng makita ng insekto ang babae.

Mabilis niyang pinasunod ang insekto sa babae hanggang sa pumasok ito sa isa sa mga boutique ngunit sa kamalasan ay nahuli siya at napagsaraduhan ng pinto ang kanyang insekto kaya nag hintay na muna siya na may papasok at ilan sa mga insektong pinakawalan niya sa ibang lugar ay mabilis din niyang pinasunod sa babae at ng bumukas ang pinto ng boutique ay agad niyang pinapasok sa loob at hinanap ang babae ngunit ganun na lang ang pag tataka niya ng hindi na ito mahanap ng mga insekto.

"Shit!!" Gigil niyang mura saka tinawagan ang pinsan niyang si Davros.

SAMANTALA sa may gilid ng dagat kung saan may tatlong bata na nag lalaro at isang babaeng early twenty na may buhat na isang sanggol ay nakatanaw lang ito sa tatlong bata na nag lalaro ng habulan.

Maya maya pa ay narinig nila ang boses ng isang babaeng tumatawag sa kanila na may bitbit na plastic na nag lalaman ng pagkain.

"Ate!!" Tili ng tatlong bata habang nag uunahan lumapit sa tinawag nilang ate at ang babaeng maaring nasa dalawampong taon oh Mahigit ay nakangiting sumunod din sa tatlong bata upang lapitan ang babaeng may dalang plastic.

"Ate." Sabi nito.

"Oh kamusta kayo? Tika akin na nga ang baby ko na miss ko ito ng subra. hmm." Nangigigil nitong sabi sa sanggol.

"Ayos naman po ate, ayon kanina ka pa nga hihintay ng mga iyan eh." Natatawang tukoy nito sa tatlong bata.

"Oh siya umuwi na tayo para makakain na." Sabi nito saka nagpatiunang maglakad patungo sa bahay nila. "Jamey ikaw na muna ang bahala ulit sa mga bata dahil aalis ulit ako para sa trabaho."

Napailing naman ang babaeng tinawag na Jamey at malungkot na ngumiti sa babaeng tinatawag nitong Ate. "Masyado mo ng pinapagod ang sarili mo para sa amin ate, baka mapano ka niyan pwede rin naman akong mag trabaho eh titigil muna ako sa pag aaral."

Sumama ang tingin ng nakakatandang kapatid nila. "Ako ang mas matanda dito at ako ang masusunod Jamey. mag aral ka muna para may future ka diba gusto mong hanapin ang magulang mo? Kung gusto mong mapadali ang pag hahanap mo sa kanila ay tapusin mo muna ang pag aaral mo, na intindihan mo?"

Yumuko naman ito. "kasi naman ate lagi na lang ikaw ang nag hahanap ng paraan para sa pag aaral namin ng mga bata pati ang pagkain namin sa pang araw araw ay ikaw rin nahihiya na ako. Kung hindi lang ako nahiwalay sa magulang ko siguro hindi ako magiging pabigat sayo. I really miss may parents."

Niyakap naman ito ng ate nila at bahagyang hinaplos ang likod nito.

"Don't worry, tutulungan kitang hanapin ang magulang mo okay? Oh siya mag papalit muna ako ng damit hawakan mo muna itong si Baby." Saka nito inabot ang sanggol kay Jamey na nakasunod lang ang tingin sa nakakatandang kapatid at ng makapasok ito sa maliit na kuwarto ay napabuga ng hangin si Jamey.

"Sorry Ate kailangan kong mag lihim sayo."

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon