Simula

207 36 15
                                    

"Happy birthday Levi!"

Napangiti nalang ako sa tuwa ng makita ko ang saya sa mga mata ng aking anak. Walang katumbas ang tuwa na aking nararamdaman sa tuwing nasisilayan ko ang kanyang ma among mukha.

Lahat ng pagod, sakit at paghihinagpis ay nakayanan ko dahil lang sa kanya.

He is the source of my happiness, strength and love. And I couldn't ask for more because when I'm with him my world becomes a better place.

Lumapit siya ng dahan-dahan at agad niyang niyakap ng mahigpit ang aking baywang "Mommy, thank you po." saad ng aking anak.

"You're always welcome anak. Na gustohan mo ba ang party?" Napaupo ako sa kanyang harapan upang mas lalong makita ang kanyang mukha at ngiti.

Lahat ng aming atensyon ay nakatuon sa isang paslit at hinihintay lang namin ang kanyang sagot.

Ngunit hindi ko inaasahan ang mga pangungusap na lumabas mula sa kanyang bibig.

"Mommy, bakit wala parin si daddy? I still remember that you said he will visit me on my birthday but where he is right now? I've been waiting for him to come home but he's still nowhere to be found."

Nabura ang ngiti mula sa kanyang mukha at napalitan ito ng kalungkotan.

Napatayo ako at napatingin sa mga taong nakapaligid sa amin. Naramdaman ko na lang ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat at hindi ko alam kung bakit tumagos ito sa aking puso.

"Levi ganito kasi yan, pupunta sana yung daddy mo kaso biglang nagkaroon ng emergency meeting sa tinatrabahuang kompanya. Sabi niya sa susunod nalang na-"

Napatigil sa pagsasalita si Monique ng biglang umiyak ng malakas ang aking anak.

Parang isang sampal ang aking na tanggap ng marinig ko mula sa kanyang bibig ang salitang hindi ko kayang marinig.

Ito na ba ang sinasabi nilang karma? Kung oo, pwes nasasaktan na ako.

Para bang tinusok ng punyal ang aking puso sa tuwing binabanggit niya ang mga masasakit na salita na kailan man ay hinding-hindi ko magagamot.

Hindi ko na kayang magsinungaling sa kanya ngunit wala akong ibang magawa para takpan ang tunay na pagkatao ng kanyang ama.

"Mommy is it true that daddy doesn't love me? My classmates said that their daddy's love them so much and that's the reason why their papa's always being there during our school activities. But me, I have no one." He said. Tears continued to flow in his eyes.

Umalingaw-ngaw sa aking isipan ang sinabi ng aking anak. Alam kung hindi yun totoo kaya agad akong napailing at lumuhod upang mayakap siya.

"No Levi. That's not true. In fact, your daddy loves you so much. He wants to visit here but sad to say hindi pwe-de." Nanginginig ang aking labi pati ang aking mga kamay.

Na awa ako kay Levi dahil walang ka alam-alam sa tunay na estado ng kanyang ama. Siguro sa pagdating ng tamang panahon ay makakaya ko rin itong ipaalam sa kanya subalit hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman niya ang madilim na buhay na nakapaligid sa kanyang ama.

Naestatwa nalang ako ng dumampi sa aking mukha ang maliliit niyang mga daliri at pilit pinapahiran ang mga luha na malayang dumadaloy sa aking pisngi.

"Mommy please don't cry. I promise that I not ask about him anymore because every time I talk about him, you always end up crying." Niyakap niya ako ng mahigpit at pilit na pinapangiti.

"I'm so sor-ry Levi." saad ko sa aking anak.

"It's okay mommy. Even daddy wasn't here but I have you and also tita mommy." Napatingin si Levi sa aking bestfriend na si Monique.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now