Kabanata 23

18 1 0
                                    

Secret lovers

Ngayon ay ang huling buwan ng school year na ito. At ngayon din mag tatapos si Rius sa kanyang High School life at alam ko na may posibilidad na sa ibang bayan na siya mag-aaral ng college. And I want to surprise him someting.

Nandito ako ngayon sa luob ng classroom at balita ko na ngayon ibibigay ang grades namin at magkakaalaman na kung sino ang kabilang sa Top students sa aming klase at ganon din sa ibang year level kaya for sure lalabas na rin kung sino ang magiging Valedictorian sa taon na ito.

Bakit mas excited ako na malaman kung sino ang magiging Valedictorian eh hindi pa naman ako graduating student.

But as far as I know running Valedictorian si Rius kaya siguro ganon ang aking nararamdaman. I want him to achieve his dreams. He deserves everything because he is so passionate and dedicated to do everything just to be on the top.

"Siguro kasali tayong apat sa mga top students dahil ginalingan natin sa mga school exams and activities. Lalo kana Liah palagi mo na lang pineperfect yung quizes. Sana all ka talaga freeny." Inaalog-along pa ni Madeline yung mga braso ko kaya na tawa ako sa ginagawa niya.

"Naku hindi ko na yon iniisip pa ang sa akin lang ay sana lahat tayo papasa. We gave our best all the time kaya magiging worth it ang lahat ng pagod at sleepless nights natin guys." Na patingin ako sa mga kaibigan ko dahil isa sila sa mga rason kung bakit ako nandito.

They always help me to stay positive kaya ngayon kailangan ko silang pasalamatan sa pag bigay ng motivation sa akin.

"OMG! Nandiyan na si ma'am."

Napaupo agad kami habang napatingin doon sa mga envelope na kung saan naka lagay ang mga cards namin.

Kampante naman ako ngunit naghaharumintado parin itong puso ko.

Gush! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Okay class! I just want to congratulate all of you by giving your best in this school year. I know lahat kayo deserve big yan ng awards but there are students na nag excel talaga sa acads." Napangiti si ma'am sa amin bago nag patuloy sa kanyang sina sabi.

"We have top ten students na makakatanggap ng awards..... at kailangan na dalhin niyo ang parents niyo next week para sa awarding ka sabay na rin ang graduation ng mga Seniors okay." Isa-isang tinawag ni ma'am ang top ten.

Sobrang saya ko na lahat kami ng mga kaibigan ko ay makakatanggap ng awards and also hindi ko ma pigilang yakapin ang mga ito ng tinawag ako.

"And lastly our Top one no other than miss Echavez. You really deserve the award Amaliah dahil wala kang pinalampas na activities. You always end up giving your efforts sana tularan ka ng mga ka-klase mo." saad ng aming guro at isa-isang binigay ang mga envelop kaya na palitan na naman ng ingay ang classroom.

"Wow grabe ang tataas ng grades mo Liah. Congrats ganon siguro pag si Pres ang tutor." Pagbibiro ni Rose.

"Hoy hindi ah! Busy yon kaya ayaw ko siyang gulohin. Self study lang." Nahihiya kung sabi.

Pero totoo naman talaga. Ni minsan ay ayaw ko na gulohin si Rius kahit binibigyan niya ako ng offer na turuan ako sa mga homework's ko ngunit alam ko rin naman na busy yon kaya nagsisikap ako na mag aral kasi gusto ko rin makatapos ka agad.

Gusto ko na magkaruon na ng trabaho para hindi na masyadong halata at hindi na big deal na malayo ang gap namin ni Rius.

Noong mag lunch break ay sinundo ako ni Rius dahil gusto niya kasama akong kumain. Ewan ko sa lalaking ito biglang nag bago ang mood.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now