Kabanata 8

39 21 3
                                    




Glare


"Bakit mo naman na isipan na hindi kita sasamahan sa group activity niyo?" padiin niyang tanong sakin. "Paano nalang kung hindi kita natunton at may masamang nangyari sayo Liah ano nalang ang gagawin ko ha!" Bulyaw niya sakin at sabay ipinaharurut ang sasakyan.

Napanguso nalang ako dahil hindi ako makapagsalita dahil nanaig ang boses ni Rius dito sa loob ng sasakyan. Halatang takot at galit ang namumuo sa kanyang mga mata kaya hindi ko siya masyadong matignan dahil natatakot ako dahil sa talim ng kanyang tingin.

"Na hanap mo naman ako Rius at wala namang nangyaring masama sa akin, kaya huwag ka ng magalit pa. Bagalan mo nga yang pagmamaneho mo." Napatingin ako sa harapan namin at nakikita ko ang malakas na pagdaloy ng ulan at sinasabayan pa ng kulog at kidlat.

"How could you do this to me Liah. Damn it!" si Rius.

Nagugulohan ako sa sinabi niya ngunit mas pinili ko nalang na pagtuonan ng pansin ang madilim na daan medyo maputik dahil nandito na kami sa patagong daan papunta sa kabahayan ng Santo Dominggo.

Kagat labi akong napatingin sa kanya. " Alam na ba nina lola?" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo at ang kanyang labi ay gumuhit ng mapait na linya.

"Do you think, I will let you get punish? Off course not! Kaya next time magpaalam kana sa akin at hindi naman kita pagbabawala kung tungkol sa school activities yan."Seryuso ang kanyang boses kaya ako ay napatango.

Parang nabunotan ako ng tinik mula sa aking puso dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko ma ipaliwanag ang kaligayahan na aking naramdaman ngayon. I know that he is just being good to me but there is something in my mind that can't understand or explain what's running on my system.

"Thank you Rius." mahina kung sambit at pilit inaaliw ang mga daliri na ngayon ay sobrang lamig dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Pumasok na kami sa kulay puting gate na may mga bulaklak ng San Francisco na nakapaligid sa hamba ng bakal. Nakita ko sa bunganga ng pinto na nag-aabang si tita Rosaly ngunit hindi ko nakita si lola, for sure na una na yung kumain dahil late na akong umuwi.

"Hija! Okay ka lang ba? Hindi ba kayo na ulanan? Halikana at pumasok na kayo dahil medyo malamig na dito sa labas ng bahay. Rius magbihis kana rin dahil ang basa-saba ng damit mo, saan kaba nagpunta at bakit ikaw lang yung basa habang si Liah ay hindi naman na ulanan?" Tanong ni tita Rosaly at ngayon ko lang din na pansin ang damit ni Rius. Saan ba siya nagpunta at bakit ganito ang kanyang hitsura.

"Ma mauna na ako. Pakainin muna si Liah." Saad ni Rius.

"Oh siya sige. Magbihis ka muna at bumaba ka dito agad ha upang kumain." Hindi pa nga natapos magsalita si tita Rosaly ay nauna ng umakyat si Rius doon sa kanyang kwarto kaya napakunot nalang ang aking noo.

Hindi naman basa yung uniform ko kaya mas pinili ko nalang na kumain dahil kanina pa ako na gugutom. Binagalan ko pa nga ang pagnguya upang ma abotan si Rius ngunit natapos nalang ako subalit wala paring Rius ang nagpakita sa akin kaya pinili ko nalang na pumaroon sa aking kwarto at magbihis dahil kailangan ko pang mag-aral para sa reporting namin bukas.

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maligo at magbihis. Kailangan ko na umabot ng mas maaga kompara sa daily schedule ko dahil kailangan naming iprepara doon sa may pisara ang visual aids namin dahil yon ang napagkasunduan ng aming guro at dagdag points yon kaya kailangan talaga naming pumasok ng maaga. Ngunit napakamot nalang dahil hindi parin bumaba si Rius mula sa kanyang kwarto.

Napatingin nalang ako sa aking relo at nakita ko na may 30 minutes' pa naman kami bago magsisimula ang klase. Kaso hindi ako mapalagay kaya minadalian kung inakyat ang kwarto ni Rius at kakatukin ko na sana subalit biglang bumakas ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng unipormi. Maayos naman ang kanyang hitsura ngunit parang may kakaiba sa kanya ngayon kaya tinignan ko siya ng maigi.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now