Kabanata 6

56 24 2
                                    

President

Kinaumagahan ay maaga akong nagising upang maligo ngunit sa hindi inaasahan ay kumalabog ang aking puso ng makita ko na walang tubig na umaagos mula sa gripo ng CR.

Ubos na ba ang tubig o di kaya baka naputulan na kami ng linyang ng tubig kaya ganito ang nangyari?

Inis akong lumabas ng CR at nagtungo ako doon sa may sala at nakita ko si Rius na tinutulongan ang kanyang ina sa pag iigib ng tubig. Napatingin lang siya sa akin na tila alam niya kung ano ang sanhi ng aking pagkainis.

"Good morning." He said and he still continuing on what he is doing right now.

"Naputolan ba tayo ng tubig?" tanong ko sa kanya.

"Nope. Pero babalik din ito mamaya." Sagot niya naman.

Lumabas siya ng bahay at pumunta sa kinaruruonan ng water flowing. Ngayon ko lang na pansin na wala siyang suot na pangitaas, hindi naman ganon ka laki ang kanyang pangangatawan bagkos nakakaakit parin itong tignan.

Dahan-dahan siyang nag-igib ng tubig at ng mapuno na ang timba ay agad niya itong binitbit papuntang kusina kaya na iwan ako dito sa labas ng bahay habang nakatingin sa kinakalawang na poso.

Safety pa kaya itong gamitin? What if magkakasakit ako kagaya ng swimmers itch o di kaya skin rashes na nakukuha mula sa maruming tubig. Shit!

I think it's better not to take a bath or else magkakasakit ako nito pero nakakahiya namang pumasok doon sa school na hindi naliligo.

Paatras na sana ako ngunit na bangga ko lang si Rius kaya agad akong napatingin sa kanya. "I'm sorry.' Mahina ang aking boses ngunit alam kung naririnig niya yon.

"Maliligo ka ba?" tanong niya habang inilagay ang timba doon sa tapat ng poso at sinimulan niya naman ang pagiigib.

"Yes but I don't know if it's still safe to use that water." I look at the stagnant well.

Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napakunot ang aking noo. "Anong nakakatawa?"

"Don't worry because it's still safe to use. Go back in there. I'll take care of fetching for you." He smiled at me and look at the bucket again.

My eyes were shining because of what he said so I immediately thanked him. Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya kaya pumasok nalang ako doon sa loob ng bahay at nagprepara nalang sa mga gagamitin ko sa araw na ito.

Si tita Rosaly naman ang taga laba ng mga damit ko at pati narin sa pagplantsa ng aking mga damit kung kaya ang dapat ko nalang gawin ay ang mag-aral at maligo dahil ibang tao na mismo ang naglilinis sa aking mga gamit.

If ever lang na wala kaming kasambahay for sure hindi ko na maisip ang kalagayan ko dahil palagi akong nakadepende sa ibang tao hindi ko kayang tumayo sa sarili kung paa kaya minsan malaki ang pasasalamat ko dahil nandiyan sila upang ako ay tulongan.

While I was arranging things I heard a knock from my bedroom. I opened it and saw him standing with beads of sweat on his forehead. "You can take a bath." He said.

Nag uumapaw ang saya na aking naramdaman ngayon. Kahit na hindi naman kami ganon ka close ay nakuha niya pa akong ipag-igib ng tubig kaya dahil sa labis na tuwa ay napayakap ako sa kanya.

"Salamat Rius. Promise, sa susunod hindi na ako magiging pabigat sayo." Naramdaman ko ang pagkagulat ni Rius ngunit hindi ko na ito pinansin.

"Liah......... maligo kana. Baka ma late pa tayo kung hindi kana kikilos." Pilit niya akong inilayo sa kanya kaya napanguso nalang ako dahil sa kanyang ginawa.

Chain Of Symphony (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon