Kabanata 20

19 2 0
                                    






What? What does he mean? Is it wrong to wear bikinis at the beach? Why he is acting like that?

"Hindi naman masamang magsuot ng ganito dahil nasa beach naman tayo ngayon." Sumbat ko sa kanya.

Napakunot parin ang kanyang noo at napasabunot pa sa sariling buhok. "Basta! Ayaw kitang nakikita na ganyan ang suot!" Inis niyang sagot sa akin.

"Hindi ba bagay sa akin?" Kinilabit ko nalang ang aking pinsan kaya napatingin na rin sa amin sina Miguel at iba niyang kaibigan.

"Monique! Pangit ba yung na pili kung swim wear?"

Sinuyod ni Monique ang aking katawan kaya ganon din ang ginawa ng mga kaibigan ni Rius. Subalit pareho kaming na gulat ng biglang sinipa ni Rius ang buhangin sa kanyang pwesto.

"Pare! May problema ba?" Agad na nilapitan ni Venz si Rius at ganon din ang ginawa ng dalawang lalaki.

Ano ba ang problema ng lalaking ito? Hindi ko siya ma intindihan dahil pabago-bago ang kanyang ugali.

Lumayo siya sa amin kaya sinundan siya ng kanyang mga kaibigan kaya na iwan kami ni Monique na gulong-gulo ang isipan dahil sa kung ano ang nangyayari ngayon.

"Ano ba ang sinabi mo sa lalaki na yon frend? Bakit ang init-init ng kanyang ulo. Kasing hot niya." Sabi ng pinsan ko na may kasabay pa na pagtili kaya mas lalo akong na inis.

"Tumahimik ka nga! Dinagdagan mo pa ang problema ko." Sarap niyang sabunotan dahil hindi mabura ang kanyang mapanglarong ngiti.

Napatingin ulit ako sa kinaruruonan ng mga lalaki ngunit hindi ko na mahagilap kung saan na sila ngayon.

Hindi na ba sila babalik pa?

Ilang minuto na lang ang lumipas ngunit wala paring Rius o di kaya mga kaibigan niya man lang ang bumalik dito sa may dalampasigan. Kaya na pangiti nalang ako ng mapait at na patingin sa kalangitan.

"Gusto ko ng bumalik ng Maynila." Malaya kung sabi na hindi ko man lang na pansin na naririnig pala ni Monique ang mga pinagsasabi ko.

"Akala ko ba na napamahal kana sa lugar na ito? Bakit bigla-bigla ka ng susuko sa maliit na problema." Si Monique.

"Pagod na ako sa nararamdaman ko Mon. Habang tumatagal lalo naging mahapdi ang dulot neto sa akin. Hindi ko na kayang ilihim pa sa kanya."

Lumapit si Monique at hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. "Kung hindi mona kayang ilihim pa, pwede mo namang sabihin ito sa kanya. Nararamdaman ko na pareho ang bugso ng inyong mga puso Liah. Alam kung may gusto rin si Rius sayo."

"Pero ang babata pa namin upang pumasok sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung pa ano ko ito uumpisahan."

Hindi namin alam kung ilang oras ba kaming naghintay na bumalik ang mga kasamahan naming lalaki subalit ni isa sa kanila ay walang bumalik.

Kahit na kaming dalawa lang ng pinsan ko ang nandirito sa may tabing dagat ay na kuha naming ipagpatuloy ang na simulang picnic dahil sayang naman kung uuwi lang kami doon sa bahay. Kumain lang kami at na pagkasunduan namin na maligo na lang dahil masyado ring mainit ngayon kaya mas ma inam na magtampisaw na lang sa dagat.

Gusto ko na burahin muna ang problema at mga negatibong iniisip ngayon kaya mas pinili nalang naming na pag-usapan na lang ang buhay naming mag pipinsan.

"Ano ba ang balak mong kunin pag nag college na tayo? Siguro uuwi ka naman doon sa Maynila diba at sabay tayong mag-aaral."

Hindi ko alam pero biglang pumait at lumamig ang dampi ng hangin sa aking balat na para bang hindi ako uyon sa mga sinabi neto kaya gulong-gulo ako dahil noon pa man ay gusto ko ng bumalik ng Manila ngunit bakit ngayon, para bang nag iba na ang aking gusto.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now