Kabanata 21

28 4 0
                                    

Gentle

I have been planning to talk to him for more than two weeks but I can't get the tempo to start a conversation.

He was so busy for the upcoming graduation ceremony and that's the reason why I can't get close to him. I'm also ashamed because he's always surrounded by his friends.

Napakat labi nalang ako habang hawak-hawak ang isang cookies and cream na ice cream kasi ito ang pinakapaborito ni Rius.

Noong madalas pa kaming magkasama ay palagi niya itong binibili kaya nasisigurado ako ngayon na magugustohan niya ito.


Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko kasi nagsi-uwian na sila, samantalang ako naman ay hinihintay ko si Rius dahil sasabay ako sa kanyang umuwi mamaya.


Nakita ko naman na patapos na ang kanilang practice kaya dali-dali ko siyang inabangan sa labas ng covered court kasi doon sila nag-iinsayo para sa grad ball program.

Kasama niya ang kanyang mga kaibigan at mga kaklase at nakita ko pa kung paano sila nagbibiruan kaya mas lalo akong kinakabahan dahil baka masira ko pa ang kanilang masayang samahan.


Habang sila ay papalapit ng papalapit sa akin mas lalo ring naging abnormal itong puso ko na para bang galing sa isang paligsahan dahil sa lakas at bilis ng pagtibok nito.

Isa sa mga kaibigan niya ang nakapansin sa akin kaya nakuha nila ang atensyon ko. Ang kanilang masayang biruan ay biglang tumahimik.

"Rius........Nandito pala si Liah." Ani ni Edward.


Hindi ko alam ngunit na pansin ko ang pagbago ng kanyang aura kaya napalunok na lang ako ng laway dahil sa kaba. Ang masayang mukha ay na palitan ng seryusong aura.


"Mauna na kayo pare." Sambit niya sa mga kaibigan niya.

"Sige..... Liah mauna na kami." Sabay nilang saad at kumaway pa sa akin kaya kinawayan ko na rin sila.

Nang makaalis na ang mga ito ay bumaling naman sa akin si Rius at napatingin sa ice cream na kanina ko pa dala dala.

"Rius..... Para sa iyo to." Alam kung hindi halata ang takot sa boses ko ngunit nanginginig na ang mga kalamnan at sikmura ko ngayon.

Napatingin pa siya ng ilang segundo bago bumuga ng hangin at kinuha ito sa aking kamay. "Salamat." Mahina ngunit naririnig ko naman ang kanyang sagot.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na doon din kami papunta kasi papalubog na ang araw.

Nakita ko ang paglunok ng laway at bumaling sa kabilang direksyon na para bang iniiwasan ang aking mga mata. "May pupuntahan lang tayo saglit."

Hindi ko alam ngunit yung kabang naramdaman ko kanina ay biglang napalitan ng saya kaya agad kung hinigit ang kanyang kamay upang makapunta na agad kami sa kinaruruonan ng sasakyan.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako dahil ako na mismo ang unang pumasok sa loob ng sasakyan dahil mukhang nagdadalawang isip pa itong si Rius kung tutuloy ba kami o hindi.


I don't even know where we're going but as long as I'm with him there's nothing need to be worry.

While we were already aboard the car, he doesn't utter a single word just to start a communication with me kaya napakunot na lang ang aking noo dahil mukhang galit siya o masyado lang occupied ang kanyang iniisip.


"Rius saan ba tayo pupunta, hindi kasi ako masyadong familiar sa dinadaanan natin ngayon." Mas pinili ko na lang na magsalita kisa sa lukopin ng katahimikan ang buong byahe.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now