Kabanata 7

44 23 3
                                    

Preparation

Sa bawat pagdaan ng mga araw, linggo at buwan ay hindi ko ma ikakaila na napamahal narin ako sa lalawigang ito at sa tulong ng aking bagong mga kaibigan ay natagumpayan ko rin na maiwasan ang pagkasabik na bumalik doon sa Maynila.

Hindi man ma dali na makipagkaibigan ngunit itinadhana na siguro na makatagpo ako ng mga taong mabuti ang kaluoban kahit na hindi ganon ka ayos ang aking pakikitungo sa kanila noon ay malugod nila akong tinanggap na bukal sa kanilang puso.

"Baka gusto niyo doon na tayo sa may plaza gagawa ng visual aid para sa reporting natin bukas." Suhestyon ni Glenda habang kumakain kami ng ice cream dito sa loob ng canteen.

"Kung ako ang tatanongin, okay lang sa akin how about you Rose?" tanong ni Madeline habang pinupunasan niya ang ice cream na dumikit sa gilid ng kanyang labi. "Hays..... ang dugyot ko ng tignan." napanguso nalang siya na tila nagpapacute sa amin kaya napangiti nalang ako kay Madeline.

Apat kaming magkasamang kumain dito sa may canteen kasama ko sina Rose, Glenda at Madeline. Mga kaklase ko sila at sila narin ang naging ka groupmates ko sa subject na ito kaya alam kung madali lang itong matapos dahil palagi kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay.

Minsan nalang kami nagkikita ni Rius dito sa loob ng campus dahil ang sabi niya ay kailangan niyang magfocus muna sa darating na intramurals. Ang mga SGA ang mag-oorganize sa darating na school activity kung kaya magiging busy na rin si Rius dahil siya ang student president sa campus na ito.

Bilib na bilib ako sa kanya dahil napakasipag niya kahit mapa dito o sa loob ng bahay ay maasahan talaga si Rius kaya for me he deserved all of it.

"Ikaw Liah sang-ayon kaba sa sinabi ni Glenda?" tanong naman ni Rose kung kaya't lahat sila ay nakatingin sa akin at hinihintay nalang nila ang aking sagot.

"Ahhmmm... sige. Ayaw ko rin naman na pinapahintay si Rius kung kaya't sasakay nalang ako ng tricycle pauwi doon sa bahay." Nakita ko naman kung paano sila sumaya sa sinabi ko. Wala na kasi kaming ibang area na pwede gawan ng visual aids dahil every 5 pm ay wala na dapat estudyante na pagala-gala dito sa loob ng campus dahil ang sabi-sabi nila may multong umaaligid kung kayat takot na takot kaming magstay dito sa loob ng campus.

Nong matapos kaming kumain ay na pagkasunduan naming bumalik na doon sa classroom namin dahil malapit ng magsimula ang afternoon class.

Habang tinatahak namin ang pasilyo malapit sa ground oval ng campus ay napatingin kami sa mga higher years na masyadong busy sa pagpatayo ng mga kubo sa gilid ng field. Ito raw ang magiging mini booth camp ngayong intramurals.

Sa susunod na linggo ito sisimulan kung kaya may mga banderitas na nakasabit sa hall way ng campus dahil sa huling araw ng intramurals ay mayroong magaganap na fiesta ng baryo. Lahat ng mga estudyante ay kasali sa activity na ito.

Palinga-linga ang aking mga mata habang naglalakad kami dito sa tapat ng Maria Consolacion building o mas kilala bilang Archi building. Ito yata ang pinaka malaking building sa loob ng campus dahil nakapaluob dito ang apat na department kagaya ng engineering, architecture, education at bussiness add.

Katapat naman nito ay ang secondary building o kilala bilang high school building na kung saan nakatayo ang aming classroom kaya palagi kaming napapadaan sa building nina Rius.

"Liah kanina kapa patingin-tingin diyan. Sino ba yung hinahanap mo?" napatingin din sila sa open field na kung saan nakatuon ang aking mga mata.

"Wala naman." Saad ko.

"Chooosss! Huwag mong i-deny datapwat si Rius talaga ang hinahanap mo no!" Malakas ang boses ni Rose kung kaya napatingin pa sa amin ang ibang estudyante na aming kasabayan dito sa may hall way.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now