c h a p t e r: s e v e n

176 1 0
                                    

2016 SUMMER

JHO

Pag kasabi ni Tita Det na dito kami mag lulunch at pwede kaming mag swimming ay masayang masaya ang buong team and for sure kaming dalawa ni Jajing dahil mahilig kami kumain HAHAHAHAHAHA Habang nag aantay kami ay kanya kanya na silang talon sa pool ng naka cyclings at sports bra lamang. Habang nag pupunas pa ako ng pawis ay umupo muna ako at nag cellphone para picture-an ang ginagawa nila bago ako makihalubilo sakanila. 

Nang matapos ako ay agad naman akong nag hubad ng damit para maligo na rin nang makita  ko sa peripheral vision ko si BEA!!!! HOY TOTOO BA TO? I mean HAHAHA pwede naman siya tumingin sakin pero sa oras talaga ng pag hubad ko ng shirt? 

"Hmp ayon na nga ba sinasabi ko" biglang sumulpot si Maiko sa tabi ko. 

"h..a.. a-ano yun?" nauutal kong sabi

"your spacing out ineng, kanina pa kita tinatawag pero ang iyong kaluluwa ay lumilipad" sabi ni maiko 

"a-ano k-kase may naisip lang ako about sa training kanina" medyo na uutal kong sabi

"deh kase ate Jho nung tatawagin na nga sana kita para mag swim, sakto pag lingon ko nag huhubad ka na so bumalik na ako nang napansin ko namansi ate Bea napalingon sayo teh! ABA nabighani ata sa pa-pandesal mo HAHHAHAAHA" tawang tawa na sabi ni Maiko 

"ha? talaga ba? edi tama nga yung nakita ko sa peripheral view ko? Nakatingin nga siya at hindi ako nag fefeeling? HAHHAA" takang sabi ko na may konting kilig. 

"oo ate Jho tama ka napansin ko talaga na napatingin sayo si Ate Bea! Tanungin ko na kaya? sabi ni maiko 

"hoy loka wag! Tsaka na pag medyo paulit ulit niya na akong tinitigan HAHAHA chozz tara na nga mag swimming na tayo" 

Pag katapos naman namin mag usap ni Maiko ay napansin ko naman si Bea na naupo at may kausap sa cellphone at masaya siya habang may kausap, I wonder sino yung kausap niya? Baka may jowa na pala to, hanggang crush nalang siya :(( 

*After 30 minutes* 

Dumating naman na si Tita Det at tinawag na kami para kumain, habang papunta kami sa garden napansin ko naman na may kausap parin si Bea sa phone niya. Kaya naman medyooo lang naman hahahha nawala ako sa mood hahaha ang feeling! 

Kaya naman umupo nalang ako, isang pahaba yung lamesa naman ganern! Dahil medyo nawala ako sa mood nag cellphone naman ako, nag check ng messages, story, twitter or kahit ano basta malibang ako dahil sa mood ko.

Mag dadasal na kami kaya naman tinigil ko na ang  pag ccellphone nang pag harap ko sa tapat ko ay nakita ko naman si Bea sa harap ko at na windang naman ako ng slight, parang yung pag kawala ko ng mood? Nawala agad agad! JUSKO!! Ganon lang ba talaga ako kababaw para mawala agad yung mood ko?  HAHAHAHA 

"Ate Jho, mukang sumaya naman bigla muka mo? Parang kanina habang nag lalakad tayo medyo naka busangot ka jan hahaha pero wag ka na sumagot kase parang alam ko na sagot"  bulong ni maiko after namin mag dasal, oo katabi ko siya ngayon.

"hay nako napaka epal mo HAHAHA pero oo nga siya din dahilan ng both ng moods ko today HAHAHAHA" habang kumukuha ng kanin ng biglang... 

"Uhm Jho pag tapos mo paabot ako niyang kanin hehe" sabi ni Bea na nakangiti habanag hinahagod yung bohok niya.

MAAA PAANO KUMALMA!! ANG PAPI NIYAAAAA PAG GINAGAWA NIYA YON!!!

"A-aa-ahh osige te-teka lang" nauutal kong sabi, baka mahalata ako kaya naman iniwas ko kaagad yung tingin ko sakanya.

Habang nilalagyan ko si maiko ng kanin, nilagyan ko naman ang sarili ko habang nag lalagay ako napapansin ko naman si Bea na nag aantay, lumilingon sa ibang dereksyon habanag hinahawi niya bohok niya, nang kinalabit naman ako ni maiko.

"Ate Jho ganyan talaga kadami kanin na kakainin mo? Final na yan?" sabi ni Maiko, kaya namna nabalik ang wisyo ko saa mundong ito nang makita ko nga na punong puno na yung plato ko ng kanin. 

"Ayy hahahaha sorry sorry" agad ko namang binalik ang sobra at inabot kay Bea. 

"Bea oh, pasensya na haha" sabi ko 

"Hindi okay lang hahaha takaw mo pala" natatawang sabi ni Bea. 

BEA

Papunta na kami sa garden habang kausap ko pa rin si Cel umalis na kase si Maki para tawagan ang bebe niya, natatawa ako sa mga kwinekwento sakin ni Cel dahil sa mga ganap na kwinento ko sakanya, straight din namankase tong si Cel kaso nga nung napansin niya din yung jowa niya ngayon ay parang katulad daw sa nangyayare sakin, eh baka daw sa susunod eh maging jowa ko na si Jho. Kaya naman nag paalam na ako sakanya pag ka dating namin sa Garden. 

Dahil excited sila kumain agad agad silang umpo at inantay ko naman kung saan may babakanteng upuan, napaupo naman ako sa bakanteng upuan at sa harap pa nga ni Jho. Pero hindi niya ako napansin kase naman tutok na tutok sa cp niya at parang medyo badtrip siya. 

Nung mag dadasal na kami, napansin ko naman na tumigil na siyang mag cellphone nang paharap na siya sakin ay agad naman akong pumikit kaya hindi ko naman nakita reaction niya. Nang matapos mag dasal ay narinig ko naman ang sinabi ni Maiko kay Jho, Oo alam kong mali pero 'NA-rinig' ko lang at hindi ko namna intensyon na makinig.

"Ate Jho, mukang sumaya naman bigla muka mo? Parang kanina habang nag lalakad tayo medyo naka busangot ka jan hahaha pero wag ka na sumagot kase parang alam ko na sagot" 

Ano kayang ibig sabihin ni Maiko na alam niya na ang sagot? Paano ba naman pag katapos namin mag dasal ay maayos na ang muka niya pero kanina habang pag upo ko parang hindi mapinta ang muka niya. 

"Uhm Jho pag tapos mo paabot ako niyang kanin hehe" sabi ko habang hinagod ko naman yung bohok ko kase mahangin, pero napatulala lang siya at natagal sumagot.

"A-aa-ahh osige te-teka lang" nauutal na sabi ni Jho, bakit ba tuwing hinahagod ko ang bohok ko at may kinakausap ako eh nauutal? HAHAH ilang beses ko na napansin yan eh? 

Habang nag aantay naman ako ay nag tingin tingin muna ako ng ulam na pwede kong kainin nang mabalik ang mata ko sa kanin na hawak ni Jho, nag taka naman ako bakit ga-budok na yung kanin niya tas napansin ko din na nakatingin siya sakin. 

Kaya naman napansin ko na kinalabit siya ni Maiko

"Ate Jho ganyan talaga kadami kanin na kakainin mo? Final na yan?" sabi ni Maiko

"Ayy hahahaha sorry sorry" sabi naman ni Jho at inabot sakin ang kanin

"Bea oh, pasensya na haha" sabi ulit ni Jho

"Hindi okay lang hahaha takaw mo pala" natatawang sabi ko, medyo weird siya ngayon ha? Pero meron bumabagabag sa loob ko na gusto ko siyang kilalanin, kaibiganin ganon? pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Hahanap nalang ako ng timing na pwede ko siya makausap. 

____________________________________________________

Hi Guys !! Pasensya na medyo sabaw ako, promise bawi ako sa Chapter Eight!! <33

Salamat sa mga nag vview at nag mmsg sakin <3 AT!! sa mga sumu-support sakin from twitter huhu THANKYOU PO NG MARAMI!!! <3 See u next chapt! 

Twitter: IsabelLouissee

PALAGI (JHOBEA)Onde histórias criam vida. Descubra agora