c h a p t e r: t w e n t y - s e v e n

118 1 0
                                    

2016 SUMMER

JHO 

Masakit ang ulo ko pag ka bangon ko. 10 am na pala nang maalala ko ay mga 1 na ata kami natapos kahapon pero hindi ko alam paano kami natapos uminom. 

Katabi ko si Jaica ngayon pero asan sila Bea?  Nang maalala ko ay.. 

flashback 

"ate Jho tama na yan, tara na matulog na tayo" pag pupumigil sakin ni Jaica. 

"sige na Jai ilipat mo nalang muna si ate Jho sa kabila ako na bahala dito" sabi ni Maiko kay Jaica.

end of flashback 

Argh ang sakit sa ulo, pero bakit parang pinipigilan ako ni Jaica kaninang umaga? Hay mamaya ko na nga sila tatanungin. 

Pag kalabas ko ng kwarto nang mapansin ko din ang pag labas ni Bea sa kabilang pinto, pinto kung saan yung kwarto niya? Ha? teka ano ba nangyare? 

Mag sasalita na sana ako nang bigla lang ako daanan ni Bea, Ano bang nagyare at ganyan ka big deal niya ako iniwasan? 

Kaya naman bumalik ako sa kwarto ng punong puno ng question sa isip ko. Humiga nalang ulit ako sa kama at pinilit kong matulog kahit punong puno na ng luha ang mga mata ko. 

After 2hours 

Umiiyak parin ako ng tahimik, punong puno ako ng question ko. Bakit ba siya nagalit nang ganon.. nang may marinig kong pumasok sa kwarto namin ay agad naman akong natahimik. 

"Jai, ate Jho kakain na daw ng tanghalian." pag aaya ni Maiko. 

"Sige wait mag hihilamos lang ako." sabi naman ni Jaica. 

"ate Jho? gising na kakain na" pag gigising sakin ni Maiko, mas pinili ko na mag tulog tulugan nalang dahil hindi ko kaya na makita nilang namumugto ang mga mata ko. 

"Sige Maiko sunod nalang kami ni ate Jho, ako na gigising.." sabi naman ni Jaica. 

Pag kalabas ni Maiko ay pinilit naman akong gisingin ni Jaica. 

"Hmm mamaya na ako kakain, inaantok pa ako." nakatalukbong kong sabi dahil baka makita niya na umiyak ako. 

"Sige ate sunod ka ha.." pag kasabi naman nito ay bumaba na siya. 

Mababaw na kung mababaw pero ayoko kase na nag kaka ganun yung mga kaibigan ko sakin. 

Naiiyak nalang ako sa sobrang pag aalala at hindi ko namalayan na nakatulog na ulit ako. 

JAICA

Alam kong umiiyak si ate Jho nang ayain ko siya kumain, pag ka baba ko alam kong nag tataka ang itsura ni Maiko dahil hindi ko kasama si ate. Si ate Bea naman hindi man lang lumingon sa direksyon ko. 

"Oh asan si ate Jho?" pag tatanong sakin ni Maiko. 

"Ayon naiyak, nag iinarte na inaantok pa daw eh halata namang galing iyak." pag sabi ko ng totoo at pinang dilatan naman ako Maiko na dapat daw hindi ko sinabi look. 

"Oh kumain na tayo!" pag iiba ni Maiko. 

Tahimik kaming kumakain, naisip ko namang mag salita para naman hindi ganto katahimik yung hapag kainan. 

"Ah pala mamaya 4pm daw yung training, yellow shirt." sabi ko sakanila

"Ahh Jaica pwede bang ikaw muna yung buddy ko mamaya?" tanong ni ate Bea sakin at tinignan ko naman si Maiko at tumango ito. 

"Ahh sige po Ate." pag kasabi ko non ay umakyat na siya. 

"Hay ano na ba gagawin natin..." pag aalala kong tanong. 

"Hayaan mo gagawan natin ng paraan, ako na kakausap kay ate Jho maya. Sa ngayon sumama ka na muna sakanya, ako na din bahala kay ate Bea." 

Pag katapos namin kumain ay inilagay namin ang mga pinag kainan namin sa lababo at umakyat na. 

Pag balik ko sa guest room nag tutulug tulugan pa rin siya nang lumapit naman ako ay narinig ko naman siyang humihilik and I guess naka tulog siya kakaiyak. 

_____________________________________________

Hi short update for you guys, Since wala pa yung prof namin hehe. Bawi ako next next chapter hihi. POV muna po ni Jaica at Maiko ang next chapter... 

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee

PALAGI (JHOBEA)Kde žijí příběhy. Začni objevovat