c h a p t e r: s i x t y - t w o

114 2 1
                                    

JHO

Akala ko katapusan ko na nung tinutukan ako ng balisong ni Kuya, naiiyak nalang ako sa takot. Akma ko naman nang ibibigay ang mga gamit ko, tulad na ng cellphone, laptop at wallet ko para hindi niya ako saksakin kung sasaksakin niya man ako wala akong matatawagang tulong dahil gabi na rin.

Nang biglang nabitawan ako ni Kuya dahil meron akong narinig na sumuntok sakanya at parang may kausap na pulis, napayuko nalang ako at napaupo habang umiiyak. Narinig ko namang tumakbo na si Kuya kaya medyo gumaan na ang loob ko.

Naramdaman kong kinalabit niya ako kaya naman umangat na ang ulo ko. Sabi na eh, si Bei ang tutulong sakin. Ewan ko ba nag karoon ako ng instinct na susundan niya ako or ang feelingera ko lang talaga.

"Mich insist na samahan ka dahil sa gabi na, pero you keep insiting na kaya mo then suddenly ganto mang yayare sayo? Gusto mo bang mayare tayo kay Ate Ly? sabihin non 4 tayo sa kwarto pero walang sumama sayo? Mag isip ka Jho hindi na tayo bata." Usual Bea de Leon! Pagagalitan ka talaga hay

"I'm sorry, thank you for saving me? Kukuha na akong grab , bye thank you." humahagulgol na sabi ko, nag o-open na ako ng cellphone ko pero bigla siyang nag salita.

"And you think na papayagan kita sa gusto mo? Lika na." sabi niya, sasagot na sana ako kaso parang pinandilatan niya lang ako kaya sumunod nalang ako.

Its been a while since sumakay ako sa kotse niya, nakakamiss din yung mga memories namin together pero wala eh. Gustong gusto ko basagin yung katahimikan sa loob pero hindi ko alam pano simulan.

Akma naman na sana ako mag sasalita nang biglang tumawag si Jah...

OTP

Jho: Hello?

J:Hello babe kamusta jan?

Jho: Yeah I'm okay naman dito

J: Kamusta naman sa bagong dorm mo?

Jho: Hm Hm , apat kami sa room. Puro rookies ganon.

J: Okay, ingat ka. Im Driving e. I love you babe

Jho: Yes, Ingat din ikaw, gottago. I-i love you J-Ja

J:Okay lang ikaw?

Jho: Yeah I'm okay lang, call you later. Bye

Phone Ended

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan mag I love you kay Jah pag anjan si Bea sa tabi ko. "Huy ikaw Jhoana Louisse ha! Tumigil ka nga jan!" sabi ko sa isip ko.

"Kayo parin pala.." nagulat ako nung mag salita si Bea na siyang dahilan ng pakikipag diskusyon ko sa sarili ko.

"Uhm, oo." sa sobrang hindi ako mapakali, sobrang iksi lang na rereply ko ko sakanya.

"Since when nga?" matipid niyang tanong.

"Simula nung pinag tatabuyan mo ko sakanya... kahit ik*car hoooorn*" napahinto ako nung marinig ko ang busina ng kotse ni Bea dahil sa sasakyan na nasa harap namin.

Pag kababa ni Bea ay agad agad naman akong bumaba dahil alam kong iinit ulo niya sa mga ganyan eh lalo na pag alam niyang tama siya.

"J-Jah?" nauutal kong sabi.

"Oh wow! Kita mo nga naman, mag kasama pala ang dalawang taksil" galit na sabi ni Jah.

"Babe hindi, mali yang iniisip mo. Kaya ko lang naman kasa..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong sampalin ni Jah.

"Hey! You!" sigaw na sabi ni Bea at sinapak sa muka si Jah.

"Aba ang tapang mong Gag* ka ah?!" sinuntok naman pabalik ni Jah si Bea.

"Ano ba!" Sigaw ko kaya naman napalingon sila parehas sakin.

"Ikaw Ja! Hindi mo man lang ako pinakinggan! Kaya ko lang naman siya kasabay dahil nakita niya ako sa daan na hinohold up, ihahatid niya lang ako pabalik sa dorm! Pag dating ko don tsaka ko sasabihin sayo na mag kasama naman kami ni Bea! Pero eto inunahan na ako ni Tadhana, pero isang malaking katanungan dito? Bakit ka nandito ng gantong oras! Iinom na naman? Galing ah South to North! o baka naman talagang nang ba-babae ka na! Tama sila Maiko, sana pala nakinig nalang ako sakanila!" galit na galit na sabi ko habang umiiyak.

"At ikaw naman! Bakit ka ba nangingielam pa? Mag suntukan talaga sa harap ko ha? Lagi mo nalang pinapangunahan ang mga bagay! Kaya akala mo lagi kang tama." inis na inis ko ring sabi kay Bea.

"Alam niyo bahala kayong dalawa! Mag suntukan kayo, mag patayan kayo! Bahala na kayo!" sabi ko pagkatapos kong makuha yung mga gamit ko sa sasakyan ni Bea.

"Jho, can we talk?" tanong ni Bea.

Tinignan ko lang silang dalawa at umalis na rin ako, sakto naman na may dumating na taxi kaya dumeretso na ako papuntang Ateneo. Mabilis lang ang naging byahe ko kaya dumeresto muna ako sa Gesu para mag dasal.

"Lord, bakit po nangyayare saakin to? Opo, mahal ko po si Ja pero bakit hindi po maalis sa isipan ko si Bea? Dahil hindi po ba kami nag karoon ng maayos ng usapan ni Bea kaya ako ganto? Kung bibigyan niyo po ako ng pag kakataon na makausap si Bea, parang hindi ko po parin po kaya. Konting time pa Lord, promise aayusin ko to."

Dasal ko kay Lord sa isip ko pag katapos non ay umupo muna ako, hindi ko alam paano pupunta sa dorm knowing na mag kasama pa kami sa isang kwarto. Napa pikit nalang ako and first thing I know nag vibrate ang cellphone ko.

OTP

J: Ate Ly? Bakit po?

A: Nasan ka na? Sabi ni Mich pumunta ka daw sa dating Dorm mo?

J: Yes po ate, Nandito lang po ako sa Gesu. Pabalik na rin po ako.

A: Sige Jho, Mag iingat ka. Itext mo ko kapag pabalik ka na.

J: Sige po ate, Thankyou po. Bye!

PE

*Ringing*

OTP

Jho: Ano?

J: Babe can we talk?

Jho: Nag uusap na tayo.

J: I'm so sorry, sorry kung nasampal kita. Kaya ako nasa Manila is because isusurprise kita, nasa Ateneo na ako nung malaman kong umalis ka daw sabi ni Mich. Kaya sinundan kita, nung makita kita pasakay ka na ng sasakyan ni Bea kaya sinundan ko kayo. Tinawagan kita pero..

Jho: Bakit hindi mo sinabi na nandito ka?

J: Surprise Jho.

Jho: Eh ano kung kasama ko si Bea? Team mate ko siya at kaibigan ko siya.. noon.

J: Pero Jho..

Jho: Oo, nagustuhan ko si Bea pero Ja, noon pa yon! Heto na naman tayo paulit ulit, alam mo sa susunod na tayo mag usap mag iisp isp muna ako.

Phone Ended

Hay!! Parang gusto ko nalang mag bakasyoooooon, gusto ko nang umuwi..

"Jho?" kalabit sakin nung tao na nasa likod ko.

"Bea?"

__________________________________________________

its been a while!!! Okay long update for u guys, hope your okay!!

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Dec 05, 2023 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

PALAGI (JHOBEA)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें