c h a p t e r: t w e n t y - f o u r

117 1 0
                                    

2016 SUMMER 

JHO 

"Huy Jaica ang usapan natin smirnoff lang pero ang mga pinag kukuha mo jan!" Pag pupumigil ko kay Jaica. 

"Ano ka ba ate! Hapon pa naman tayo bukas eh, tsaka mahaba ang oras natin makapag pahinga at matulog no." Siguradong sagot naman sakin ni Jaica. 

Habang namimili pa si Jaica ng mga chicha na kakainin namin napansin ko naman ang cellphone ko na nag vibrate kaya naman agad ko tong chineck dahil baka sakaling hinahanap ako ng Bei. 

From 0956******9
"Hi Jho, This is Ja, Janelle. Jai's Bestfriend." 

Ohhh yung kanina! Bilis ni Jairah mag bigay ha hahaha! 

To Janelle
"Hi Ja! Bilis mo naman makuha kay Jai" 

From Janelle
"Uhm okay lang ba baka galit ka? I'm Sorry."

To Janelle 
"No it's okay. Uhm I'll text you later nasa labas kase ako eh."

From Janelle 
"uhm okay sige, sorry! stay safe :>" 

Pag katapos ni Jaica mag bayad ng mga pinag bibili namin ay dumeretso na kami kila Bea. 

"Ay hello po, si ate Bea po? Kami po yung kasama ni Maiko po" sabi naman ni Jaica.

"Ay nako ang gaganda naman ng mga babaeng a-re ay siya halina kayo.." sabi ni Manang. 

Pag kaakyat namin sa kwarto nila Bea ay kumatok muna si Manang para sabihin na nandito na kami. 

"Ohh Ate Jho anjan na pala kayo, bat parang ang dami niyong binili?" tanong naman sakin ni Maiko.

"Ahh kase ano.. dapat tig 3 lang tayong smirnoff eh eto namang si Jaica inom na inom, hapon pa naman daw training natin kaya ayan bumili ng 3 quatro kantos na Gin." sabi ko naman. 

"Eh okay naman yun diba ate Bea?" tanong sakin ni Jaica.

"Ahh oo naman game ako jan!" sabi naman ni Bea. 

"Okay sige mga 10pm na natin simulan korny kung maaga eh hahaha!!" sabi ni Jaica.

"Oo para late night talk na din sa life." dagdag naman ni Maiko.

Nag dinner naman kami after namin  maibaba ang mga gamit namin, Alam ko napapansin na ni Jaica ang hindi namin pag pansinan masyado ni Bea. 

Si Maiko palang kase ang nasasabihan ko about sa nangyare samin ni Bea at kahit ako ay hindi ko alam bakit siya galit sakin. 

To Behbeh
"Still Mad?"

Napansin ko naman na tinignan niya yung phone niya pero ayon, hindi na naman niya ulit ito pinansin. 

To Janelle 
"Hi im sorry for the late reply. I had dinner with my team mates kase eh" 

From Janelle 
"No it's okay, nag take din naman na ako ng dinner ko eh while waiting for your reply."
"What's with your team right now?"

To Janelle 
"Nag kayayaan lang kami with my bestfriends kaya eto dito kami may sesh haha, do you drink ba?" 

Habang kausap ko si Janelle ay binato naman ako ni Jaica ng unan dahil hindi ko naman napansin na tinatawag na pala ako nila Maiko. 

"Ay ohh sorry, ano yon?" sabi ko 

"Aynako ate kanina ka pa namin tinatawag eh busy'ng busy ka jan sa cellphone mo" sabi naman ni Jaica. 

"At himala ha? Ngayon ka lang naman naging ganyan ka busy sa phone? Bukod sa pag hindi tayo mag kasama ako lang naman kausap mo at si Jaica?" dugtong naman sakin ni Maiko. 

"Baka busy siya, hayaan niyo na muna" sabi naman ni Bea at pumasok na sa CR. 

"Alam mo ate Jho, kanina pa kayo sa van hindi nag papansinan ni ate Bei. Mag papansinan pero ganyan lang? Eh hindi naman kayo ganyan ah?" bulong na tanong ni Jaica sakin

"Eh kase naman teh nawala siya ssa mood nung nag papicture sakin tinawag niya na ako, eh kausap ko pa non si Ja yung kaibigan ni Jairah hinila niya ako kaagad ng hindi man lang ako nakapag paalam na maayos kay Janelle. Tas ayon simula non hindi na ako masyado pinansin ni Bea." Pag papaliwanag ko saknila ng pabulong na sapat na marinig  nilang dalawa. 

"Alam mo ate Jho feeling ko crush ka niyan ni ate Bei hindi niya lang maamin sa sarili niya." sabi naman ni Jaica. 

"eh teh straight siya kase nakwento niya sakin na may nanliligaw sakanya na guy eh" sabi ko naman sakanila. 

"Haynako naamoy ko siya, pwede din siyang mag kagusto sa babae no. Ramdam ko!" sabi naman ni Maiko 

Nang marinig naming bumukas ang pinto mula sa CR ay tumigil naman kami ng pag uusap at iniba naman ito nila Maiko. 

"Simulan na kaya natin, mag titimpla na kami ni Maiko" sabi naman ni Jaica. Alam ko ang binabalak netong dalawa. 

"Ah... eh..  ano.. anoo ahh sama na ako para mabilis matapos luto din ako pulutan." nauutal na sabi ko naman. 

"Kami na ni Jaica ate! May natutunan akong pulutan kanina habang nag kwekwentuhan tayo kaya itatry ko!" sabi ni Maiko alam ko mga plano nila, paraan nila kung pano ko makakausap si Bea. 

Sobrang tahimik ng kwarto pag kaalis ng dalawa, dahil silang dalawa lang naman ang maingay simula nung hindi kami nag papansinan ni Bea. 

I tried to talk to her pero bigla naman nag ring ang cellphone ko. 

*on the phone* 

Jho: Oh Janelle napatawag ka?  
Janelle: Uhm okay lang ba? 
Jho: Ahh okay naman 

Pag kasabi ko nang pangalan ni Janelle ay agad namang napatingin sakin si Bea at pumunta siya sa balcony. Mukang tama si Jaica mukang gusto niya ako pero hindi naman maari yon dahil alam kong straight siya. 

*on the phone* 

Jho: Uhm sorry ano nga yon? 
Janelle: I guess your busy, I can text you then? 
Jho: I'm sorry, I'm just tired siguro. Yea sure!
Janelle: Goodbye..
Jho: bye! 

*call ended* 

"Oh ate Jho? si ate Bei?" tanong ni Jaica 

"I'm here. Lumabas lang ako since may kausap siya" malamig na sabi ni Bea. 

"Oh hindi pa din ba kayo okay..." sabi ni Maiko habang parang nagets niya bigla na hindi parin pala kami okay. 

"Ahhh... ehhh... ano" sabi ko 

"TARA UMINOM NALANG TAYO!!" masayang sabi ni Jaica. 

________________________________________________

Next chapter will be Bea's POV. 

Hi guys!!! Thankyou sa mga support niyo and pag mmsg niyo sa social media ko. Please dont hesitate to message me and please vote my story!

Sobrang LT sa kumu ni Tita Mels ngayon with Jhoana!! HAHAHAHAHAHA


Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee





PALAGI (JHOBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon