c h a p t e r: t w e n t y

146 1 0
                                    

2016 SUMMER 

BEA

Masaya ang training namin ngayon dahil pinayagan kami ni coach na mag laro ngayon, kalaban namin ang second six. Napapansin ko na maganda ang laro namin, masaya kami at nag eenjoy talaga. Sure ako na may chance kaming makapasok sa final four. 

Middle Blocker kami ni Shawntel , Open Spiker namin si Jho at Jaica, Opposite Spiker si Ymmari at Libero namin si Aira. Pag nasa bench ako, napapatitig ako kay Jho pag nag lalaro magaling siya lalo na kapag back row siya pero mas magaling siya sa harap.

After namin mag training, nag buddy buddy system na kami para makapag ligpit ng gamit. 

"Uhm Jho.. Pede ba na ikaw ulit mag luto ng lunch ngayon? Ako nalang mag lilinis ng table at mag huhugas." masayang sabi ko. 

"hmm sige pwede naman ako na ang magluto pero!!" sabi ni Jho. 

"parehas parin tayo gagawa ng chores dahil yun ung naka assign satin, baka sabihin nila pinapahirapan kita hahaha!" dugtong naman ni Jho. 

"Okay sige tutulungan nalang kita mag luto, para parehas tayong may ginagawa diba?" sabi ko naman sakanya at tumango lang siya. 

Habang nag luluto kami ni Jho, umakyat muna ako saglit dahil pinapacheck sakin ni Jho ang team kung nag papalit na ba sila dahil matatapos na din siyang mag luto nang kausapin naman ako ni Maiko. 

"Ate bei!!" sigaw ni maiko

"Oh maii ano yun?"

"Uhm okay ba si ate jho? Kanina kase habang nag lalaro parang pagod na pagod siya?" pag tatanong ni Maiko napansin ko nga yun. 

"Oo masigla naman siyang nag luluto ngayon" medyo nag tatakang sabi ko

"Ehh kase ano..." naputol ang pag sasalita ni maiko 

"MAIKOOO!! JAJAAAA!! SI JHOOOOO" sigaw ni Chai, kaya naman dali dali kaming bumaba kasama si Chai na kakaakyat lang

JHO 

Masaya kaming nag luluto ni Bea, wala na alam niya na ang recipe ko kung paano ko ito lutuin. Kahit sila mama o jaja hindi nila alam to eh, siya ang unang una na nakaalam neto. 

"Uhm bea,pa check naman ang team kung naka ligo na at kung okay nasiang lahat. Patapos na to tawagin mo na sila para maka kain na." nahihilong sabi ko kay Bea.

Tumango naman siya at umakyat agad, nang mapatay ko ang kalan nagulat naman akong nanjan si Chai sa likod ko.

"ay nako Jho amoy na amoy ko talaga yang luto mo sa may beranda nila Bea" nanginginang nginang na sabi ni Chai, alam ko na ang mga ganyang pambobola nila. Mga Gutom na.

"pambobola mo, tawagin mo na si...." yun nalang ang huling naalala kong masabi ko.

After 2minutes nakita ko naman sarili ko na nakahiga sa sofa kaya naman umupo na ako at napansin kong nag mamadali yung tatlo. 

"Ohhh gutom na gutom at nag mamadali kayong bumaba? Asan na yung iba?"sabi ko pero ang muka nila ay parang nag tataka.

"Ano ka ba Jho, nahimatay ka kaya kaya binuhat kita pa punta dito sa sofa!" natatarantang sabi ni Chai

"Ate Jho naman eh.." malungkot na sabi ni Maiko.

"Ano ba kayo okay lang ako, yeah nahimatay ako pero okay lang ako promise. Sige na Chai twagin mo na yung iba pasabi kakain na and please wag mo na sabihin muna kay Jaja ako na mag sasabi." pag kukumbinsi ko sakanila kahit oo masama ang nararamdaman ko at umakyat naman si Chai 

"No ate Jho, hindi ka magaling mag sinungaling halatang halata sa  mata mo" Sabi ulit ni Maiko, well kilalang kilala mo nga ako. 

"Beh are you really okay?" Pag aalala ni Bea. At nakita ko naman ang mata ni Maiko na parang nagulat.

"Oo beh sure okay ako.. tara na hain na tayo." tumango naman na si Bea at nauna nang mag lakad.

"Hmp, ano yun? kwento later." Sabi ni Maiko

"Ate Bea!! Ako nalang muna kasama mo mag hugas maya pag pahingahin natin ate Jho" dugtong ni Maiko

"Pero.." naputol akong magsalita 

"Sige Maiko magandang idea yan." tingin samin ni Bea. 

Habang nakain na, ang tatahimik nila alam kong gutom na gutom sila kaya walang imikan. Mag saalita lang sila kapag kailangan nila ng tubig o kanin o ulam hayy hahaha 

"Ate Chai, bat mo pala ako tawag kanina?" pag tatanong ni Jaja kaya naman napalingon agad ako kay Chai. 

"Ahh kase ano.. tatawagin ko na sana kayo para kumain balak ko na sana kayo unahan kaso mahal ko kayo eh HAHAHAHA" pag papatawa ni Chai at sumenyas naman ako sakanya ng thankyou. 

Masaya silang umakyat sa kwarto, yung iba nag kwekwentuhan yung iba naman at nag si-siesta sinabi ko din sakanila na mag nap kahit 30 minutes. Naliligo naman ako at napapa isip habang nag sshower. 

Alam kong masama na yung pakiramdam ko pag gising ko palang pero pinilit kong mag training, ayan napagod pa tuloy ako at nakita pa ni Bea na nahimatay ako. Sana hindi na niya ako tanungin tungkol don. 

MAIKO 

Mahirap talaga situation ni ate Jho kapag ganyang napapagod siya ng sobra, hindi naman siya ganyan eh. 

Simula nung araw na nalaman niya na niloloko siya nung manliligaw niya ni-hindi na siya nag tratraining kahit walang kain at sapat na tulog at dumating din yung araw na nag kasakit siya. 

Habang nag huhugas kami ni ate Bea, napa tanong naman siya tungkol kay ate Jho.

"Maiko, may history ba ng sakit si Jho? Bakit everytime na napapagod siya ganyan siya?"

Oh no hindi ko alam ang isasagot ko dahil dapat si ate Jho ang mag sabi neto kay ate Bea. 

"uhm siguro ate kay ate Jho mo nalang itanong yan, mas okay na sakanya mang galing.." grr ate Jho sorry hayss bat kase pinilit kong ako na mag hugas HAHAHAHA 

After namin mag hugas ni ate Bei ay agad namin kaming umakyat sa kwarto niya para icheck si ate Jho and for sure tatanungin niya na si ate. 

Habang ka-call ko ang aking bebe, nakita ko naman si ate Jho na tapos na maligo. 

"Mai mai!! hilot mo naman upper bod ko sa may likod tsaka braso na din please?" akmang mag papaalam na sana ako sa bebe ko nang senyasan ako ni ate Bea na wag. 

"Eh ate??? kausap ko ihh.."pag papaharap ko ng cellphone ko sakanya. 

"Jho ako nalang.." malambing na sabi ni ate Bea 

"uhm okay lang?" pag tatanong ni ate Jho

"Oo naman lika na dali." sabi ni ate Bea. 

Habang hinihilot ni ate Bea si ate Jho hindi naman maiwasan ni ate Bei na mag tanong sakanya. 

"Jho? Can I ask you something?" pag tatanong ni ate Bea. 

"yes beh ano yun?" sagot ni ate Jho, hmmp!! napaka pa bebe sa crush eh. 

"May history ka ba ng sakit?" and yes yun nga ang itatanong ni ate Bea sakanya.. 

________________________________________________________

Sasabihin na kay ni Jho kay Bea ang sakit niya? Abangan!!

Hi guys!! Sorry hindi ako naka upload, may mga event kase akong inattendan this week since mag eelect na ulit ng new officer sa course namin. 

Student Council ang ate niyo ghorl last year and sinusurrender nalang namin yung mga dapat kailangan. 

Later, i'll be uploading 2 chapters kung kaya hehe!! 

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee

IG: isabel.louissee

PALAGI (JHOBEA)Where stories live. Discover now