c h a p t e r: t w e n t y - e i g h t

114 1 0
                                    

2016 SUMMER 

JAICA

Training

Nagising naman si ate Jho ng 3:30pm alam kong umiyak siya dahil mugto ang kanyang mga mata. Naligo naman siya ng mabilis at inaaya na ako sa court nila ate Bea.

Pag labas namin, sakto naman lumabas na sila Maiko. Nagulat naman ako dahil bumaba na kaagad si ate Jho nang hindi pinapansin sila ate Bea.

Habang nag bbumpings kami ni ate Jho ay hindi ko siya makausap sa topic na about nangyare sa inuman o kay ate Bea dahil lagi niyang nililihis yung usapan.

Nag simula naman ang training namin at kitang kita mo sa istura ni ate Jho ang pag mugto ng mata at pag kaputla niya. 

"Ate Jho! Okay ka lang ba?" sabi ko habang naka pila kami for free spiking. 

"Oo okay naman ako." malamig na sabi niya. 

Hindi mawala sakin ang pag iisip bakit ang putla niya nang maalala kong hindi siya kumain, nakainom pa ng sobra. HALA? PAKA MAG FATIGUE NA NAMAN SIYA!

"ATE JHOOOOOO!!!" nataranta kong sabi ng bumagsak siya pag tapos niya'ng pumalo. 

Napalingon naman sila agad nang sumigaw ako, dali dali naman binuhat ni coach si ate Jho pa sasakyan niya. Ako naman ang sumama kay ate Jho habang nag ddrive si Coach. 

MAIKO 

"Kasalanan ko to eh, alam kong lasing na lasing si ate Jho tapos hindi ko pa napilit na kumain!" sabi ko habang naiiyak ako sa nangyare ni ate.

"Hindi mo kasalanan Maiko, ako ang may kasalanan ng lahat ng to." pag si-sisi naman ni ate Bea sa sarili niya. 

"Hindi Ate's kami talaga ni Jaica dahil plinano namin na malasing kayo para masabi mo samin ano ba ang problema niyong dalawa. Masyado kaming nangi-alam ate's sorry po!" naiiyak kong sabi. 

"Hindi niyo kasalanan yon Maiko, alam kong ginawa mo lang yun para sa Ate Jho mo pero hindi parin tama na mangi-alam sa mga bagay na hindi niyo responsibilidad. Sana hindi to maulit." pag papayo sakin ni ate Aira. 

Hanggang ngayon ay hindi kami makapag training dahil inaantay namin ang resulta ni ate Jho. 

Habang nag aantay kami ay nag text naman si Coach kay ate Aira ng update. 

"Guys sabi ni coach ay okay na si Jho, baka hindi muna siya maka laro for tomorrow's game. Pinapasabi din ni coach na mag training tayo, ako na muna ang mag llead." sabi ni ate Aira.

Kaya naman ay nag simula na kami mag ensayo. Madami kaming ginawa sa training dahil ang makakalaban namin bukas ay isa sa mga lagi naming nakakalaban sa championship and without ate Jho parang hindi ko kakayanin. 

Right after the training agad naman akong pumunta kila ate Jho. Alam kong bawal pero nag pumilit parin ako dahil gusto kong humingi ng sorry. 

"ate Jho...." paninimula ko habang naluluha ako. 

"Maiko, wag ka na umiyak jan." mahinang sabi ni ate Jho.

"Sorry talaga ate, nangialam ako /kami ni Jaica dapat hindi na namin ginawa yon dahil sainyong problema naman yon... sorry talaga ate." pag papaliwanag ko. 

"Okay na Maiko, nakwento na sakin ni Jaica. Okay na yun sakin okay?" sabi ni ate Jho. 

"Salamat ate" naiiyak na sabi ko pa din. 

"Matanong ko lang sana kung ano ba talaga ang nagyare nung pagtapos natin mag inom." pag tatanong ni ate Jho.. 

"ahh kase... ano ate..." nauutal kong sabi. 

Flashback 

"Alam mo ate Bei napapansin ko kayong dalwa ni ate Jho ha? hindi na kayo mashadong nag papansinan, ano bang problema niyo?" sabi ni Jaica, plano din namin ito para matumbok na to.

"Oo nga mga ate ko, pansin ko nga yun!" dagdag ko naman

"Eh eto kaseng si Bea, hindi ako pinapansin" malungkot na sagot ni ate Jho.

May ugali kase si ate Jho na kapag may nakaaway o nag tampo na imporatanteng kaibigan niya ay naiiyak talaga yon.

"Eh kase naman ikaw, ang touchy mo sa mga nag papapicture sayo" Lasing na sabi ni ate Bei ang siyang kinagulat ko at ni Jaica.

"Wow Bea, dahil lang don ganyan mo na ako tratuhin? Kung pano mo ko iwasan ng dahil lang don?!" medyo napapasigaw na si ate Jho kaya naman hinahawakan ko na siya. 

"Oo Jho! Mabawbaw na kung mababaw eh gusto lang  naman kita protektahan dahil baka mamaya maloko ka na naman sa sobrang dali mo pabilugin at ang bilis mong maakit kaya ka nasasaktan!" Sigaw ni ate Bea. 

*PAAAAAK* 

Nagulat naman kami ni Jaica ng gawin ni ate Jho yon kay ate Bea. 

"Bago mo ko husgahan ng ganyan sana kilalanin mo muna ako! Bakit sino ka ba para pag sabihan ako ng ganyan?!" Nabigla naman kami ng masabi ni ate Jho yun kay ate Bei dahil ang alam namin ay mag bestfriends na talaga sila. 

"ate Jho tama na yan, tara na matulog na tayo" pag pupumigil sakin ni Jaica.

"sige na Jai ilipat mo nalang muna si ate Jho sa kabila ako na bahala dito" sabi ni Maiko kay Jaica.

*end of flashback* 

 _________________________________________________

Grabe naman pala ang nagyare sakanilang dalawa eh... Abangan ang POV ni Jho. 

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee

PALAGI (JHOBEA)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ