c h a p t e r: n i n e t e e n

116 1 0
                                    

2016 SUMMER

JHO

Matapos namin mag dinner ay agad naman kaming nag ligpit ni Bea at nag hugas, hindi parin niya ako kinikibo kahit nasa dinning na kami. Kaya naman hindi ko muna siya pinansin maybe mamaya nalang, nag tatampo nga siya siguro.

"Guys!! Mag linis na kayo ng katawan niyo para sa morning training bukas ha? 5:30am ang almusal at 6:30 dapat asa court na tayo." sabi ko sa team, sumagot naman sila kaso etong si Bea hindi man lang lumingon o tumango habangnag huhugas.

Sinenyasan naman ako ni Maiko na kausapin si Bea dahil alam kong napansin niya ng hindi namin pag uusap dahil tahimik kaming nakain, tumatawa naman siya sa mga kwento ng iba pero alam mong hindi siya ganon.

Nilapitan ko naman na si Bea pag katapos ko mag punas ng lamesa, eto na kakausapin ko na siya...

"Tulungan na kita beh, ako na mag babanlaw ha?" pero dzai umusog lang siya nakakaloka!! Nag attempt ulit ako baka sakali sana naman sumagot siya kahit dun lang...

"Uhmm Bei san ko to lalagay mga nahugasan na?"

Pero I failed.. tinuro niya lang tapos nag hugas na ulit. Napaka cold naman ni Bea!!!!

BEA

Medyo na offend ako kay Jho kaya naman lumabas ako at pumunta sa may bermuda namin. Ayaw niya ba ako katabi? Mag bestfriend naman kami at mag buddy pero parang ayaw niya? Pshh hindi ko talaga siya papansin pero pag kinausap niya na ako sige kausapin ko na siya.

Nag di-dinner na kami, katapat ko si Jho dahil Buddy ko siya ganun din ang iba, katabi naman niya si Maiko as usal hahaha! Pero hindi pa din ako pinapansin ni Jho kaya bahala siya.

Nakikipag halibilo ako sa iba para hindi mapansin ng team na medyo off kami ni Jho, pero sure ako na si Maiko alam niya dahil mag bestfriend din sila. Matapos kaming kumain at agad na akong nagligpit at sinisimulan sabunan yung mga pinag kainan.

"Guys!! Mag linis na kayo ng katawan niyo para sa morning training bukas ha? 5:30am ang almusal at 6:30 dapat asa court na tayo." Pag sasalita ni Jho pero hindi ako lumingon dahil nakikita ko siya sa peripheral view ko. Napansin ko din na pinapa lapit na ni Maiko si Jho sakin

Eto na.. alam kong kakausapin niya na ako dahil nararamdaman ko.

"Tulungan na kita beh, ako na mag babanlaw ha?" pero wala akong nasabi kundi umusog lang ako, hindi ako makapag salita pero promise isa pa namag salita siya sasagot na ako.

"Uhmm Bei san ko to lalagay mga nahugasan na?" tinuro ko lang pero hindi na naman ako nag salita!!! Ano ba Bea ang babaw ha papalalim-in mo! I guess.. nag tatampo nga talaga ako....

Pag kaakyat namin sa kwarto, pinauna ko na si Jho na maligo pero hindi ko parin siya pinapansin sadyang nag kasabay lang kami kumuha ng towel pero sumenyas lang ako na mauna na siya.

"Ate Bea, mag tampuhan ba kayo ni Ate Jho?" tanong ni Maiko sakin

"uhm wala naman hahaha bakit?" sabi ko.

"Kase kanina ko pa kayo napapansin sa Dining at pag huhugas niyo... Alam ko din na alam mong sinabi sakin ni Ate Jho yung nangyare sainyo.." Nasa balcony kami ngayon nag uusap.

"na offend lang ako kase parang ayaw niya ako katabi, pinilipit pa na sa sofa pa" pag papaliwanag ko.

"hala ate Bea!! hindi sa ayaw niya, nahihiya lang talaga yun. Sobrang mahiyain kase yun ate bei, akala mo lang na ang galing galing niya kapag kinakausap niya kami? Hindi. Nung siya na ang naging captain sa Team non rookie kami nila Jaica pero siya pa yung nahihiya na umapproach samin kahit siya Captain." pag kwe-kwento ni Maiko.

"tsaka ate bei, pag pasensyahan mo ni si ate jho kung ganun yung dating sayo." pag patuloy ni maiko.

"Thankyou maiko, sige na pahinga ka na ako na bahala kay ate jho mo" ngiting sabi ko at saktong tapos na si Jho kaya namannag half bath na ako.

Maybe kailangan ko pang kilalanin si Jho, I know na there's more about her.

Pag labas ko galing cr, nakita ko naman ang pag pasok ni Jho mula sa pinto. Mukang chineck niya ang team at mag lilights off na kami, yepp doon parin siya sa sofa nahiga.

"Oh!! Goodnight na, lights off na ha? matulog na 9:30 na simulan niyo na mag warm up mag paantok! HAHHAA" sabi ni Jho at pinatay na ang ilaw.

Pipikit na sana ako nang mag vibrate ang phone ko.

"Goodnight Beh, I'm sorry kung hindi kita tinabihan. Sana okay na tayo bukas, bili pa tayo pandesal hehe." galing kay jho.. urgh!! this girl.

2am, and its raining...

2am nang magising ako dahil sa ulan sabayan mo pa ng malakas na kulog, agad ko namang napansin yung 3 ang sarap ng tulog at saktong pag kulog ay nagising si Jho tila ba parang takot na takot.

"Beh, pwede ba tabi tayo? Natatakot kase ako eh." pag papa-awa ni Jho.

"Come, takot ka pala.." malamig na sabi ko.

"Yes.. sorry beh" malungkot na sabi ni Jho, urgh!!! okay sige na

"Yes! Sige na tulog na, maaga pa tayo mamaya.. Goodnight" Ngumiti naman siya kaya natulog na kami. 

5am 

"Jho... gising na. Goodmorning" mahinang sabi ko kay Jho at agad naman siyang bumangon..

"Goodmorning bea, buti nalang nagising ka.. hindi kase ako nakapag alarm" sabi niya 

"Ah kase nag alarm ako pero vibrate lang kase  mabilis naman akong magising." 

"Ohh tara na, hilamos lang ako at toothbrush dahil eto naman na pan training ko" sabi ni Jho at kumilos na kami parehas. 

Naulan pa din kaya nag jacket kami parehas, bumaba na kami at nag payong. Sabi niya isa nalang daw gamitin dahil kasya naman kami, habang nag lalakad kami.

"Grabe ang lamig dito pag naulan, malapit lapit din kase sa tagaytay eh no?" sabi ko

"Uu kaya dami ko ding hoodies dito minsan black, white, nude at madalas.." pag putol ko sakanya

"yellow!" sabi ko at sabay kaming natawa. 

"Tama ka jan.. ewan ko ba ang sakit sa mata ng yellow pero wala eh favorite ko kase si Pooh kayaa ayan na adik na din ako sa yellow." sabi ni Jho. Ohh, pooh huh

"Ate pabili nga po ng 50 piraso nang pandesal, salamat po" Sabi ni Jho nang makarting kami sa bakery shop. 

Pag dating namin ay gising na buong team, bilib talaga ako kay Jho. Ang bilis mag pasunod sa team niya. Binilisan na naming kumain para ma digest din namin agad at hindi sumakit ang tyan namin sa training.

_____________________________________________________

Abangan pa ang mga susunod na pang yayari.... 

Hi guys!! Wiie, walang pasok ang mga taga Laguna.. Kayoo ba? Kaya naman 2 chapter ang mauupload ko ngayon!! <33 Baka meron pa mamayang hapon. Okay 1:30am ako natapos HAHAHA 30 mins type para sa kwentong to.  Guys sobrang thankyou sa mga nag re-reads jan sobrang happy ko, baka namna pa vote!! HAHAHA

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee

IG: isabel.louissee

PALAGI (JHOBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon