c h a p t e r: t h i r t y - s e v e n

92 1 0
                                    

2016 SUMMER 

BEA

Nagising akong nababa na yung Facetime namin ni Jho dahil parehas na kaming lowbat at nakatulog. 

Pero bago kami makatulog ay pansin ko naman ang pag katulala niya, kanina pa kase siya nag babasa at after 10mins, hindi niya parin ito nililipat. 

"Beh, lalim ng iniisip mo ah?" sabi ko habang ka call ko pa siya. 

"Huh anong iniisip ka jan eh nag babasa ako" pag dedefend niya. 

"10minutes ka na jan sa page na jan, ang galeng!!" sabi ko naman. 

"Ha eh walaa, iniimagine ko pa kase bawat scenario nila hmp!" pag eexplain niya sasarili niya. 

After non mga 11pm ay pinatulog ko na siya dahil bawal nga sakanya mag puyat kahit na rest day namin ngayon. 

Hay wala na naman akong magagawa buong araw! Nag sabi kase ako kay Jho na baka pwede kami tumambay nila Maiko at Jaica ngayon pero ayaw niya. Grr!! 

Pwede naman siguro na patambayan ko silawithout knowing her. 

To Maiko 

"Mai!! Pwede kayo ni Jai? Arat tambay!!" 

From Maiko

"Ha? Eh diba sabi ni ate Jho pahinga tayo ngayon."

To Maiko 

"Wala naman tayong gagawin, tambay lang laro ng board games" 

From Maiko

"Sige tanungin ko si Jaica, secret nalang natin kay ate Jho to haha" 

After ko mabasa yon ay nag paayos na ako ng kwarto ko at mga lalaruin namin nila Jaica. Habang nag aantay sakanila ay nag order muna ako ng Milktea, Pizza at Pasta para samin. 

Maya maya ay dumating na sila, at kitang kita mo naman ang saya nila dahil sa pag kain na nakita nila. 

*ring ring ring ring* 

"huyy wait si Jho natawag" pag papatahimik ko sa dalawa.

"loud speak mo!!" sabi ni Jaica. 

B: Hello beh? 
J: Hello!! Busy ka? 
B: Uhm hindi naman, bakit? 
J: Facetime?
B: Ha eh Lowbat pa laptop ko beh, charge ko muna. Text nalang tayo? 
J: Ay ganun ba sige, maya nalang tayo facetime mag nnap nalang muna ako.
B: Osige beh! Text mo nalang ako kapag gising ka na.
J: Eh ikaw anong gagawin mo?
B: Uhm mag babasa ng libro tasbaka mag sleep pag inantok. 
J: Okay sige, pahinga ka ha? Big day tomorrow!! 
B: Yes po Beh!! Nap well, labyuuu 
J: Labyuutoo! Ikaw din. 

Call Ended 

"Hay nako ate Bei yare ka talagaaa" sabi ni Maiko. 

"Hindi tayo yare kapag nag sabi kayo, for sure pati kayo yare." natatawang sabi ko. 

"Ending lahat tayo yare! HAHAHHAA" sabi naman ni Jaica. 

Laro, Kain, Kwentuhan, Tawanan, Kain, Laro. 

Yan lang ang buong mag hapon naming ginawa. Masaya ako dahil may mga gantong tao na kahit bawal ay go parin sila para lang hindi maging malungkot ang kaibigan nila. 

For sure pag bumalik na ako sa Manila, anjan sila Maiko at Jaica para kay Jho pag busy ako.. Sana mag tuloy tuloy pa rin ang friendship namin.. 

MAIKO 

After lunch ay nahiga na ako sa kwarto gaya ng sabi ni ate Jho ay gamitin namin itong araw na to para mag pahinga at mag meditate. Kaya naman tinawagan ko ang aking bebe para mag quality time.

Pupunta siya dito bukas para manuod ng championship namin at bebe time na din hehe!! Habang kausap ko ang bebe ay nag vibrate naman ang phone ko. 

From Ate Bei 

"Mai!! Pwede kayo ni Jai? Arat tambay!!"

To Ate Bei 

"Ha? Eh diba sabi ni ate Jho pahinga tayo ngayon."

From Ate Bei 

"Wala naman tayong gagawin, tambay lang laro ng board games"

To Ate Bei 

"Sige tanungin ko si Jaica, secret nalang natin kay ate Jho to haha" 

After ko masend kay ate Bei yon ay agad ko naman chinat si Jaica. 

Jaica de Jesus 
🟢Active now

Maiko: Pre yambats daw kila ate Bei


Jaica: Ha? rest day ngayon ah? 

Maiko: Wala daw siya ganap eh,
samahan nalang natin. Yambats
lang naman eh.

Jaica: Sige pre Ligo lang ako tas otw na ako agad jan. 
seen 

Agad naman akong nag paalam sa bebe at naligo naman. Tuloy tuloy pa rin ang call namin dahil hindi mawawala yon tuwing rest day or kahit wala talaga akong ginagawa buong araw. 

Maya maya ay dumating na din si Jaica at pumunta na agad din kila ate bei. Kausap ko pa din ang bebe dahil nag papabebe na ayaw niya daw mawala ang call hanggang makauwi daw kami. 

"Mahal, pag dating mo kila ate Bei mag mumute lang ako ha? pakinggan ko lang ganap niyo. basta enjoy ka pa din don kahit asa gilid lang ako heheh" sabi ng bebe ko 

"Swerte ko talaga sayoo, opo mag eenjoy bastaa jan ka lang ha? I love you" sabi ko naman sakanya.

"Ang tamessss" pag eepal ni Jaica sa tabi ko at sabay irap sakanya. 

Nang makarating na kami kila ate Bei ay tuwang tuwa na naman ang mata namin dahil sa mga inorder niyang pagkain. Kung kasama lang namin si ate Jho malamang ang mata non nag huhugis puso na. 

Tahimik kaming nag bboard games matapos tumawag si ate Jho kay ate Bei, medyo naguguilty ako sa ginawa ni ate Bei dahil niminsan hindi pa ako nag sinungaling sakanya. 

Aaminin ko medyo na off ako kay ate Bei dahilsa hindi niya pag sabi kay ate Jho. 

Kilala ko si ate Jho, okay lang naman sakanya kung tatambay kami ngayon basta ang magiging paalala niya ay wag kami masyadong mag papala pagod. 

Hay bahala na.. pipilitin naming hindi madulas. 

________________________________________________

Advice #2: Wag masyadong mag paniwala. 

HAHAHAHA mga advice ko eh!! Trust issue yan bhi3? Sorry medyo sabaw pa ang aking story. Wait for more hehe. 

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee

PALAGI (JHOBEA)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz