c h a p t e r: f i f t y - t h r e e

114 0 0
                                    

2019 SUMMER 

JHO 

Medyo maaga ako nagising kahit late na ako natulog, nag pasalamat naman ako kay Lord dahil binigyan niya ako panibagong chance para mabuhay. After non ay tinignan ko na ang text sakin ng aking bebe, ayon nasa training na kaya naman nag leave nalang ako ng sweet messages sakanya para pag nabasa niya during water break ay ganahan siya mag training lalo na at wala na kami sa liga may chance na sila mag champion whahaha!! 

Pag baba ko galing sa kwarto ay hinanap ko kaagad si Mama para tanungin kung nakapag luto na siya ng agahan dahil kung hindi pa ay mag luluto na ako para magising na din si Jajing, paano nagigising yon automatic kapag naka hain na yung pagkain. 

Nakita ko naman si Mama na nag didilig sa labas nang matanaw ko ang isang van sa may rest house nila Bea, Van?? Hindi kaya kasama na talaga si Bea? Hay mas lalo naman ako kinakabahan!

"Oh nak para kang naka kita jan ng multo?" tanong ni Mama sakin. 

"ha hindi ma ah? napapa tulala lang, sarap kaya!" pag papalusot ko. 

"osiya kumilos ka na para mag luto ng agahan at mag marinate para mamaya ang ulam natin ng tanghali." pag bibilin sakin ni Mama.

Pag kasabi naman ni Mama non ay agad naman akong kumilos habang ginagawa ko na ang pinapagawa ni Mama ay napapa isip ako sa mga mangyayare mamaya. Kaya naman tinext ko si Maiko agad na pumunta siya dito dahil baka mabaliw ako kakaisip para mamaya. 

To Maiko 

"Mai! Punta na u dito, pag luto ka namin lunch ni mama, imma tell u sumthang!" 

From Maiko 

"Sige teh sabi mo yan ha? Lunch!! Ligo lang ako tas punta na jan agad" 

Basta pagkain ang bilis talaga mag reply!! Pag kabasa ko non ay lumabas muna ako para bumili ng ibang ingridients pang lunch namin. Si Maiko? Papasok na yon kusa dahil parang anak na din ni Mama sila. 

MAIKO 

Maganda naman ang gising ko dahil syempre nalaman ko na may pag kain na naman ng masasarap sa Dinner lalo na kila Tita Det pa sure ako na masarap talaga ang Dinner. 

Simula nung uminom kami nila ate Bei nung makausap ko ulit siya hanggang 2017 dahil hindi niya na ako nireplayan sigurado ako na busy yon na tao. 

Agad agad naman ako bumangon para mag almusal kasama si Lola nang mag vibrate ang cellphone ko, baka gising na ang bebe. 

From Ate Jhowjhow 

"Mai! Punta na u dito, pag luto ka namin lunch ni mama, imma tell u sumthang!"

To Ate Jhowjhow

"Sige teh sabi mo yan ha? Lunch!! Ligo lang ako tas punta na jan agad" 

Automatic naman nag puso ang mga mata ko dahil dalawang beses ako makaka kain ng solid HAHAHA, ikinatataka ko lang ay kung anong sasabihin niya saakin alam kong kinakabahan na to dahil may chance na kasama si Ate Bei mamayang dinner. 

Pag kaligo ko ay nag paalam na ako kay Lola na dederetso na ako kila ate Jho at doon na kakain ng lunch at dinner. Pag kadating ko don ay wala siya dahil may binili daw sa labas, habang inaantay ko siya ay saktong bumaba na si Jajing. 

"Ohh aga natin ha? Basta pagkain talaga!" bungad sakin ni Jaja

"Wow tanong mo kaya yang Ate mo bakit ako pinapunta ng maaga!" pag dedefend ko sakanya. 

"Alam teh! Ramdam ko talaga andon si ate Bei mamaya!" sabi niya saakin 

"Ay teh! hindi lang ikaww!! Kaya siguro pinapunta neto ng ate mo ng ganto kaaga dahil kay ate Bei!" pag aagree ko naman sa sinabi niya saakin. 

"sa tignin mo? pag nag kita kaya ulit sila bumalik yung nararamdaman ni ate kay ate Bei?" tanong ni Jajing sakin. 

"Ha? Alam mo na crush ni ate Jhow yon?" pag tatanong ko. 

"Duh! Ate ko yon at gaya mo mabilis din akong maka ramdam!" okay may point siya! 

"Hindi natin sure? Kase mag tatatlong taon na sila Janelle!" 50/50 kong sabi. 

"Alam mo naman si ate Jho marupo- aray!" naputol ang sinasabi ni Jajing nang sipain ko siya. 

"Sige ano Ja anong alam ni Maiko na marupok ako?" sulpot ni ate Jho. 

"Deh teh! sabi ko marupok ka pag dating kay ate Janelle" pag papalusot ni Jajing.

"Sus! Back stub kayong dalawa ha" sabi ni Ate.

"Oo teh matagal na!" singit ko at natawa nalang kami pare parehas! 

Pag katapos kumain ni Jajing ng breakfast ay umakyat na to para maligo at nag katinginan naman kami dahil yun na ang sign na para comfrontahin si ate Jhow. 

"So te? Ano nga ang sasabihin mo?" tanong ko sakanya. 

"Eh kase hindi ako mapakali, pano kung andon si Bea mamaya?" sabi na nga ba eh.

"Ano naman ngayon? Gusto mo pa din no?" pang tutukso ko.

"sira!! hindi na no, tsaka masaya naman ako sa desisyon ko na kami ni Janelle" pag papaliwanag niya.

"sige sabi mo" maikling sabi ko na may halong pag aasar. 

"alam mo hindi ka nakakatulong epal ka" irap niyang sabi.

"Paano ako makakatulong kung hindi ka nag sasabi ng totoo?" sabi ko sakanya.

"Bat ka ba hindi napapakali kung dadating si ate Bei?" tanong ko ulit sakanya. 

"Eh syempre hindi maganda ending namin, I mean hindi siya nag paramdam after nung mag away kami" pag papaliwanag niya, okay may point ang ate. 

"Pero te siguro naman okay na kay ate Bei yon. Wag mo nalang masyadong isipin." tumango naman siya sa sinabi ko at itinuloy ang ginagawa niya. 

___________________________________________________

It's been 1 month since my last update, sorry for being MIA. I just finish my Final Oral Defense so I can focus more here <3 please pray 4 me this coming saturday AHAHA!! Bawi ako ng updates since meron akong 7 drafts na naka tambay. 

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee


PALAGI (JHOBEA)Where stories live. Discover now