c h a p t e r: t h i r t y - o n e

126 1 0
                                    

2016 SUMMER

BEA

After the game, masayang masaya ako dahil nanalo kami. Bukod sa nanuod si Jho ay naging okay na rin kami dahil sa nangyare kahapon.

"Hmm baka naman mapunit labi mo jan ate Bei." Pang aasar ni Maiko sakin

"Huy hindi ha!" pag tatanggi ko naman ka Maiko. 

"Sus ate! and defensive ha?" tuloy na pang aasar ni Maiko.  

"Oo na masaya talaga ako ngayon dahil okay na kami ni Jho! plusss matitikman ko na ulit ang adobo niyaa!!" Masayang sabi ko.

"Cant wait naman!! Ate may ask ako sayo pero baka mamaya na" Medyo kinakabahan ako, baka yung itanong neto ni Maiko ay yung last time.. 

Nang makarating na kami kila Jho, kanya kanya kami ng lagay ng gamit sa may sala at ang iba ay dumeretso na sa may veranda nila Jho.

Ako, si Maiko at Jaica ay pumunta kay Jho na nag luluto. Samantalang si Jaja naman ay inasikaso ang iba pang team para maka set ng sa table.

"Hi Tita! Hi beh!!" bati ko at nag mano na kay tita. 

"Oh ang mga iha ko! Bat nandito pa kayo dapat sa table na kayo, I'm sure pagod kayo! Congrats mga anak!" sabi naman ni Tita. 

"Nako tita okay lang po baka may matulong kami sainyo ni ate Jho." sabi ni Jaica. 

"sainyong dalawa alam kong meron kaso etong si Bea baka hindi sanay sa gantong gawain." sabi naman sakin ni Tita

"Nako tita hindi po! Sanay din naman po ako sa mga gawain bahay hehe." pag papaliwanag ko naman sa mama ni Jho. 

"Oh beh! excited ka masyado eh, don mo na to tikman ha?" sabi naman sakin ni Jho. 

"Opo beh!! Akin na tulungan kita!" kinuha ko naman kay Jho yung hawak niya at lumabas na. 

"KAIN NAAA!!! Congrats girls!!" sabi ni Jho. 

Habang busy kami kumuha ng pag kain pag tapos mag dasal ay katabi ko naman si Jho sa gilid ko naman si Maiko at si Jaica naman sa gilid ni Jho. 

Pag ka kain ko nung luto ni Jho, bakit parang nag iba ang lasa? 

"Beh! Bat ganto?" tanong ko kay Jho.

"Bakit? Hindi ba masarap??" tanong ni Jho sabay sumubo ng ulam. 

"Okay naman ah?" dugtong niya. 

"Oo nga, pero bakit parang mas sumarap? Mas iba sa unang luto mo sakin non?" sabi ko, dahil mas lalong sumarap ang luto niya. 

"Paano iha naka ngiti siya habang nag luluto niyan, mukang inspired na naman." sabat ni Tita samin. 

Napa isip  naman ako, baka yung Janelle yung kausap niya bukod sakin nung habang nag luluto siya? 

"Ahh ganun po ba mukang inspired nga po..." ngumiti naman ako. 

"Ohh okay ka lang ba?" tanong sakin ni Jho. 

"ah.. o.." naputol ako 

"beh teka nag text si Janelle." dugtong naman ni Jho. 

Ayon na nga, bukod sakin ay katext niya yung Janelle. Hay nawalan na naman ako sa mood, kaya naman kumain nalang ako ng tahimik. 

"uy beh, okay ka lang?" tanong ulit ni Jho. 

"Yes okay lang ako hehe" nginitian ko nalang siya kahit hindi na naman ako okay. 

JHO 

Habang nakain na kami ng team, nag comment naman sakin si Bea about sa luto ko. 

"Beh! Bat ganto?" tanong niya sakin.

PALAGI (JHOBEA)Where stories live. Discover now