22

317 21 9
                                    

Bakla:

Babe.

HAHAHAHA.

Feel na feel na sa babe, 'no?

Pero eto na nga.

Tomboy:

Ano po?

Bakla:

Inaasar ako ni ate kanina.

HAHAHAHA.

Sabi niya bakit daw palagi akong nakangiti sa cellphone.

Tomboy:

Oh, e, bakit nga ba?

Bakla:

Kasi napapangiti mo ako.

Masaya ako kapag kausap kita.

Tomboy:

Sus. Akala mo tunay.

HAHAHAHA.

Pero same.

Masaya rin ako kapag kausap kita.

Hindi ko naman kasi alam na hahaba nang ganito usapan natin.

Bakla:

Wala, e.

Ang sarap mo kausap.

Komportable ako kapag kausap kita.

Ang dami kong natututunan sa'yo.

Kasi ang matured mo mag-isip.

Though minsan nakakatakot ka.

HAHAHAHAHAHA.

Tomboy:

Hoy! Bakit naman ako nakakatakot?

Bakla:

Mali pala.

Nakakatakot.

Nakakatakot mahulog sa'yo nang sobra.

Kasi baka hindi mo ako saluhin.

Masyado kang mataas, ayokong bumagsak.

My Bittersweet Memory|epistolary✓Where stories live. Discover now