62

180 17 1
                                    

Girlfriend:

Let's talk about your exes.

Boyfriend:

And why? Hmm. Curious ka? Alam mo namang ayaw kong nagke-kwento about sa kanila kasi nirerespeto ko nararamdaman mo.

Girlfriend:

Don't worry, wala pa akong tinatanong. HAHAHAHAHA. And I promise I won't be mad. I just wanna know about them. Paano naging kayo? Kumusta sila bilang girlfriend and bakit kayo naghiwalay?

I know naman, they're already your ex for a reason. So, gusto ko lang sila makilala through stories.

Si Klea ba last ex mo?

Boyfriend:

No, may isa pa after niya.

Girlfriend:

Ah, ngayon ko lang nalaman.

I will not ask what's her name if you don't want to tell it.

Gusto ko lang ng honest na sagot, ha?

Boyfriend:

Wala pa man, natatakot na ako. Baka mamaya awayin mo ako, e.

Girlfriend:

Tingin mo ganoon ako kababaw? HAHAHAHA.

'Wag kang matakot, love. Sasakalin lang naman kita after this. HAHAHA. Char.

G na?

Boyfriend:

Sapalaran, love. Sige na. Si Lord na ang bahala sa 'kin.

Girlfriend:

Mas minahal mo?

Boyfriend:

Kasama ka?

Girlfriend:

Hindi, silang dalawa lang.

Boyfriend:

Akala ko kasama ka, e. Ikaw isasagot ko kasi totoo namang ikaw pinakaminahal ko at mas minamahal pa.

Pero sa kanilang dalawa, 'yong last.


Girlfriend:

Mas sweet?

Boyfriend:

Last.

Girlfriend:

Mas mabait?

Boyfriend:

Parehas naman mabait kapag walang topak. HAHAHA. 'Yong last.

Girlfriend:

Mas masura ugali?

Boyfriend:

Klea.

Girlfriend:

Kapag pangit na trait, Klea sagot. HAHAHAHA.

Mas selosa?

Boyfriend:

Parehas lang.

Girlfriend:

Mas maganda?

Boyfriend:

Last.

Girlfriend:

Ah, okay. Next.

Boyfriend:

Oh! Natatakot na ako sa'yo, love.

Girlfriend:

Aba, bakit? Nagtatanong lang naman ako. HAHAHAHA.

Boyfriend:

Iba na nararamdaman ko, baka saan pa 'to mapunta. Tama na. HAHAHAHA.

I love you!

Girlfriend:

Praning! HAHAHAHA

I love you, too.

Boyfriend:

'Yong last ex ko na 'yon, 'wag mo nang isipin pati si Klea. Past ko na sila at kinalimutan ko na sila.

Pwede ko naman silang ikwento kung gusto mo talagang malaman kung sino sila pero kung ako tatanungin? Ayoko.

Ayaw kitang masaktan. Kahit sabihin mong okay lang, alam ko namang nasasaktan ka. Ayoko silang ikwento kasi ayaw kong magkaroon ka ng insecurities, okay?

Hayaan na natin sila sa nakaraan, dito tayo sa kasalukuyan.

My Bittersweet Memory|epistolary✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora