63

163 18 3
                                    

Girlfriend:

Paano kayo nagkakilala?

Boyfriend:

Nino?

Girlfriend:

No'ng last ex mo.

Boyfriend:

Love?

We already talked about this, right?

Bakit nagtatanong ka na naman?

Girlfriend:

What?

I just want to know. I think, wala namang masama roon.

Gusto ko lang malaman, paano kayo nagkakilala? Saan kayo unang nagkita? Paano naging kayo? Just... some infos but not detailed enough. I'm sure, I won't be a fan of your love story. Pero okay lang din naman malaman.

Boyfriend:

Gusto mo talaga akong magkwento?

Are you sure you're going to be fine with it?

Girlfriend:

Yes, pretty sure.

Boyfriend:

Okay. Just ask. Hindi ako basta-basta magke-kwento, magtanong ka na lang para alam ko kung anong sasabihin ko.

Girlfriend:

Paano kayo nagkakilala?

Boyfriend:

Magkaklase kami noong Senior High.

Girlfriend:

Ah, naging crush mo siya?

Boyfriend:

Parang gano'n?

Girlfriend:

Edi kailan lang din pala.

Ilang months mo siyang niligawan.

Boyfriend:

Five months (?)

Girlfriend:

Hindi ka pa sure, a. HAHAHAHAHA.

Eh, ilang months naman naging kayo?

Boyfriend:

Almost three months.

Girlfriend:

Aliw. Mas matagal pa 'yong panliligaw. HAHAHAHA. Sino nakipag-break?

Boyfriend:

Siya pero parehas na naming ayaw na talaga.

Girlfriend:

Bakit?

Boyfriend:

Nakakapagod.

Girlfriend:

Sayang naman.

Boyfriend:

Anong sayang? Bakit sayang?

Walang sayang do'n lalo na kung mas better 'yong dumating sa buhay ko.

Tama na nga kakatanong mo.

Kasi seryoso, 'di ako natutuwa lalo na kung ganito 'yong usapan.

Change topic na, love.

Girlfriend:

Oo na hoooo.

I love you na lang!

Muah!

My Bittersweet Memory|epistolary✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon