58

188 16 6
                                    


Boyfriend:

I love you!

Girlfriend:

Ang random, love.

I love you, too.

Boyfriend:

Nabasa ko po kasi chats n'yo ni Klea.

Kahit napagsabihan mo siya, nakuha mo pa ring mag-advice doon sa tao.

Lahat naman nang sinabi mo, tama.

I admire you for that. You're too straightforward. You speak your mind.

Hindi ka natatakot sabihin kung ano nasa isip mo.

Girlfriend:

Babae rin ako, kailangan niyang ma-realize 'yong halaga niya.

Hindi lang naman ikaw ang lalaki sa mundo, love.

Marami pang iba riyan na ipaparamdam na deserve siyang mahalin.

Hindi niya kailangang maghabol.

Ang kaso lang, nagha-habol siya sa'yo pero meron na rin naman siyang bago.

Pumasok siya sa isang relasyon kahit na hindi pa siya nakaka-usad mula sa nakaraan niya.

Boyfriend:

'Yon nga, e.

Ako na nahihiya sa boyfriend niya, tropa ko rin 'yon.

Baka mamaya, kung ano na lang din iniisip sa akin no'ng tao.

Pero kaklase ko siya, alam naman niyang may iba na akong mahal.

Alam mo ba, love?

Kung kani-kanino na kita kinekwento.

Dito sa bahay, sa mga kaibigan ko, sa mga kaklase ko.

Sobrang proud kasi ako na ikaw girlfriend ko.

Sabi nga rin Jake, ikaw na raw bukambibig ko.

Hindi na raw ba ako titigil at baka busalan niya na ako sa bibig.

Girlfriend:

HAHAHAHAHA.

Busit ka.

Baka mamaya, sinisiraan mo ako, hindi mo ako pinagmamalaki.

Suntukin ko ngala-ngala mo.

Boyfriend:

Hindi, ah.

Wala akong masasabi na hindi maganda sa'yo.

Kasi lahat sa'yo, maganda.

Sa panlabas at panloob, parehas maganda.

Yie. Pengeng bente.

My Bittersweet Memory|epistolary✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon