71

158 15 6
                                    

October 18, 2020, 12:00 am

Boyfriend:

Hello, love.

I always wanted to be the first one to greet whenever it is our monthsary, palagi kitang inuunahan kaya minsan naiinis ka na kasi nga hindi mo ako maunahan.

Alam ko maiinis ka na naman ngayon kasi nauna na naman ako. Bagal mo kasi, e. Sobrang busy ka naman yata. Nanlalalaki ka ba? HAHAHA. Dejk, baka mainis ka.

Happy 1st anniversary, mahal ko!

Anong sinabi ko sa 'yo? Magtatagal tayo, 'di ba? Ikaw na nga pinakamatagal sa mga naging girlfriend ko, e. Ikaw na kasi talaga nakikita kong makakasama ko hanggang dulo.

Hindi ako mapapagod, hindi ako magsasawa. O darating man sa punto na mapapagod tayo pero sa isa't isa pa rin tayo magpapahinga. Walang iwanan, tayo dapat hanggang dulo kasi kung hindi, magwawala talaga ako.

Alam ko nitong mga nakaraan, ang tigas ng ulo  ko. Hindi na tayo gaano nakakapag-usap kasi laro ako nang laro.

Sorry, mahal.

'Di ko naman alam na nakakaadik pala talaga 'to pero salamat kasi iniintindi mo pa rin ako. Hindi mo ako iniiwan. Pasensya na talaga. Ayoko mangako pero siguro babawasan ko na paglalaro ko kasi sobrang nagi-guilty na ako kasi minsan hindi na kita nakakausap.

Thank you for understanding me, mahal. Salamat sa suporta. Salamat sa lahat. Kahit 'yong gusto ko maging pro player okay lang sa 'yo. Sabi mo, sige lang, kung ano gusto ko susuportahan mo ako kasi roon ako masaya.

Sobrang swerte ko kasi meron akong ikaw. Araw-araw kong pinagpapasalamat sa Panginoon na ikaw binigay niya.

More years with you, my love. I love you so much!

<3

My Bittersweet Memory|epistolary✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu