49

182 17 0
                                    

November 03, 2019, 7:56 pm

Mister:

Love!

Thank you for this day!

Kahit ginabi na ako, muntik na akong hindi umabot sa last trip pauwi rito.

HAHAHAHAHA.

Nasa biyahe pa rin po ako.

But I want to update you.

Misis:

Thank you rin sa pagpunta.

Oh, ngayon, kilala ka na nila mama. HAHAHAHA.

Pogi mo raw.

Mister:

Ay, enebe.

Ako lang naman 'to. HAHAHAHA.

Hayst, kinabahan talaga ako kanina.

Pero ayaw ko namang maano si Tito kanina kaya nilabanan ko kaba ko.

Aba, unang lalaki akong pinakilala.

Dapat huli na rin.

Ikaw naman! Bakit ka tumatawa habang kausap ko si Tito?

Misis:

Wala lang.

Natatawa lang ako sa usapan n'yo.

Ang seryoso n'yo kasing dalawa.

Like, ikaw, ang ganda mo sumagot. Hindi halatang gago.

Mister:

Hoy! Hindi naman ako gago, ah?

Saka totoo ako sa mga sinabi ko kay Tito kanina.

Lalo na sa part na kung papipiliin ako kung pag-aaral o pagta-trabaho, pipiliin ko pa ring mag-aral.

'Yon ay kung kailangan kong mamili sa dalawa.

Pero hangga't kaya kong pagsabayin, pagsasabayin ko para makatulong ako kila mama. Makabawas sa iniisip nila.

Misis:

Tumatawa lang ako pero bilib ako sa mga sinabi mo.

Saka ang tapang mo ring sagutin mga tanong ni Papa.

Mister:

Ayos naman kausap si Tito. Ang sarap niya ngang kausap, e.

Maloko rin.

Misis:

Oo, gano'n talaga siya.

Mister:

Ka-vibes ko na si Papa.

My Bittersweet Memory|epistolary✓Where stories live. Discover now