72

161 15 3
                                    

Girlfriend:

Sabi ko na nga ba ikaw na naman mauuna kaya 'di na ako nag-effort makipag-unahan, e. HAHAHAHA.

Happy 1st anniversary, mahal.

12 months having stress. Char. HAHAHAHA. Sino nga ba namang mag-aakala na magtatagal tayo lalo na't LDR? Kahit sila hindi naniniwala, e. Maghihiwalay rin daw tayo. Hindi naman natin kasalanan na miserable sila sa buhay. Joke. HAHAHA.

Mabuti naman at alam mong matigas na talaga ang ulo mo. 'Yong taas, ha? Hindi 'yong baba. Baka parehas kong pugutin 'yan.

Gusto ko lang din magpasalamat kasi iniintindi mo 'yong ugali ko na kahit ako, e, hindi ko na rin maintindihan. Kahit sobrang moody ko, praning, masyadong matanong, overthinker, mabilis mainis, iniintindi mo. 'Di mo sinasabayan. Ina-assure mo ako palagi.

'Yon lang naman gusto ko, e. Assurance na hindi mo ako iiwan gaano man kahirap 'yong pagdaanan natin. 'Yong away na hindi maiiwasan, hindi magiging rason para iwan natin ang isa't isa.

Nakakasawa naman kasing kumilala ng iba. Kung ikaw ngayon, sana hanggang dulo ikaw pa rin.

Tayo pa rin.

Basta, mahal, nandito lang ako palagi para sa 'yo. Kung may problema ka, 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin, ha? Partner tayo. Hangga't kaya ko tumulong, tutulungan kita. Kahit sa acads pa 'yan.

Let's grow together.

Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo basta alam mo ring limitahan ang sarili mo. Always choose your happiness as long as you're not stepping on someone.

Nasa likuran mo lang ako palagi, sinusuportahan ka kasi mahal kita.

Alam mo bang sinusulat ko 'yong kwento nating dalawa? Gano'n kita kamahal. May isang nobela akong paulit-ulit na babalikan at kailanman ay 'di ako magsasawang basahin kasi ikaw 'yon. Tayong dalawa 'yong nandoon.

Happy anniversary! More years with you! I love you, always! <3

My Bittersweet Memory|epistolary✓Where stories live. Discover now