Chapter Three

120K 5K 5.1K
                                    

“Okay, let's talk about my rules here for you to follow,” I said and crossed my legs.

Cadence nodded and held his knee while staring at me. Napataas na lang ang kilay ko nang mapansing may nakahanda siyang malaking bag na para bang handang handa na siya para dito.

Tamang desisyon ba talaga 'to?

“Sige lang, lods. Ano ba 'yang rules na 'yan? Masunurin naman akong tao, e.” He smiled at me.

“First, don't touch me. Don't even come near me.” My eyes narrowed.

He let out a sexy chuckle. “Why would I come near you, Ms. Landlady?” he asked while grinning.

I cleared my throat. “Just to be sure. Ayoko na basta mo ako lalapitan at hahawakan. Papalayasin agad kita kapag nilabag mo 'yon,” pananakot ko sa kanya.

“Sige na, ano pa 'yung iba?” tanong n'ya.

“Pwede mong gamitin ang stove at maglagay ng pagkain mo sa ref... Pero h'wag kang makikialam ng sa akin. H'wag mong pakialaman ang mga pagkain, ibang gamit ko, at sabon at shampoo ko. Mag-provide ka ng iyo. H'wag ka rin masyadong aksaya sa kuryente at tubig... Pwede kang mag-imbita ng kakilala rito, pero h'wag kayong maingay at magulo dahil ayokong naaabala ako sa trabaho. Hindi natin kailangang laging magpansinan kaya h'wag mo akong guluhin. Lastly, magbayad ka ng upa,” nakataas-kilay na sabi ko. “Naintindihan mo ba ang mga sinabi ko? Kapag may nilabag ka sa mga 'yon, sisipain agad kita paalis ng bahay ko.”

Cadence scratched his eyebrow and nodded. “Okay, teacher. Gets ko naman po,” tila nang-aasar pa na sabi n'ya.

“That will be your room.” Itinuro ko ang pinto ng magiging silid n'ya. “There's a small bed there. Walang electric fan at ibang gamit dahil ikaw na ang bahala ro'n. Sa taas ang kwarto ko... h'wag na h'wag kang aakyat doon kung ayaw mong mapalayas.”

“Walang aircon?” tanong n'ya.

Natigilan ako. “Aircon? Ano ba'ng akala mo rito? Hotel?” nakataas-kilay na tanong ko.

“Joke lang, masyado kang seryoso sa buhay. Kaya wala kang jowa, e,” napapailing na sabi n'ya.

“Hindi ko kailangan ng jowa. Ang kailangan ko... pera,” sabi ko na lang at inismiran siya.

Cadence didn't respond. He just roamed his eyes around my house. I crossed my arms and watched his every move. What the hell is he thinking right now?

“Liah, may rule din ako,” sabi n'ya saka seryosong tumingin sa akin.

I nodded. “Spill it.”

Cadence sighed. “Kahit na ga'no ako kagwapo, h'wag kang maaakit sa 'kin.”

Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi n'ya. Saan n'ya ba nakukuha ang gan'yang kayabangan?

“Wala ng sense ang sinasabi mo. Pupunta na 'ko sa kwarto ko at matutulog. Ikaw rin matulog ka na,” sabi ko na lang at tumayo. Akmang aakyat na ako nang tawagin n'ya 'ko.

“Liah...”

I looked at him and raised my eyebrow. “Ano?”

He smiled at me and tilted his head. “Good night.”

Napatikhim ako. “Good night.”

Agad na 'kong nagtungo sa silid ko para matulog. Napatitig na lang ako sa kisame nang makahiga na. Napabuntonghininga ako at pumikit.

Cadence seems harmless. Sana lang talaga maging maayos ang pagsasama namin dito hangga't hindi siya nakakahanap ng ibang uupahan.

“GOOD MORNING, lods...”

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon