Chapter Seventeen

113K 4.7K 2.9K
                                    

Tahimik kaming pareho ni Cad habang nakaupo sa sofa. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa nangyari. Sa totoo lang hindi ko na matukoy ang dahilan ng takot ko ngayon... hindi ko pa rin malimutan ang ginawa ni Cadence sa dalawang lalaki kanina.

"Liah! Ayos ka lang ba?!"

Pumasok ang mga kapit-bahay sa loob ng bahay ko, 'yung iba naman ay sumilip na lang mula sa pinto. Bakas sa mukha nina Aling Ising ang pag-aalala. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanila saka tumango.

"A-Ayos na po ako," sabi ko na lang para hindi na sila mag-alala pa. 

"H'wag kang mag-alala dahil makukulong na ang mga 'yon, hija. Buti na lang nasundan ka kaagad ni Cad, nag-alala kami nang sobra," sabi ni Ate Ruby saka hinaplos ang braso ko. 

I looked at Cad. He's unusually quiet. Hindi siya nagsasalita at hindi rin nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon... Hindi ko rin alam kung gusto ko pa bang malaman. Alam kong tinulungan at iniligtas n'ya ako pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam pa ako nang kaunting takot sa kan'ya ngayon.

"Hayaan muna nating mapag-isa at makapagpahinga si Liah. Halika na, magsiuwi na muna tayo," sabi ni Aling Perla saka marahang tinapik ang balikat ko.

"Sige. Pahinga ka na, Liah. Simula ngayon magbabantay-bantay na raw ang mga tanod simula ngayon kaya h'wag ka ng mag-alala," sabi ni Aling Ising.

"S-Salamat po," nasabi ko na lang saka tipid na ngumiti sa kanila.

I really appreciate their concerns for me but I'm really weak right now and I don't have energy to talk to them right now. Siguro nga ay kailangan ko munang magpahinga at pakalmahin ang sarili ko. 

Nagsi-alisan na rin sila pagkatapos no'n. Nanatili naman akong tahimik habang nakayakap sa sarili ko. Kahit nanghihina ako, pinilit ko na lang na tumayo at magtungo sa silid ko. Kumuha ako ng towel saka muling bumaba. Natigilan ako nang makitang wala na si Cad sa sala. Sinilip ko siya sa kwarto n'ya pero wala rin siya ro'n.

Where did he go? Is he planning to avoid me again? 

I just took a deep breath and went into the bathroom to take a bath. I don't know how long I stayed inside the bathroom. I tried to calm myself, especially my mind. Saglit pa akong nanatili sa banyo saka nagtapi na ng tuwalya bago tuluyang lumabas. Natigilan ako nang maabutan ko si Cad na nakaupo sa couch habang nakatingin sa direksyon ko. 

I just avoided his gaze and gripped my towel tightly. I was about to go upstairs but Cad immediately stood up and went to my direction. He held my arm and made me face him. Hindi ako agad nakagalaw nang marahan n'ya akong hinila saka niyakap. Pakiramdam ko nalusaw agad ang lahat ng takot at pag-aalinlangan na nararamdaman ko kanina. Agad na nanghina ang mga tuhod ko at naghuramentado ang puso ko. Hindi ko siya nagawang itulak. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako pero hindi rin naman ako yumakap pabalik.

"Sorry, Liah... Hindi ko nakontrol ang sarili ko dahil sa ginawa nila sa 'yo. Sorry kung natakot ka kanina. Hindi ko na uulitin," anas n'ya habang nakayakap pa rin sa akin.

Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin saka tumitig sa mukha n'ya. Napalunok siya habang nakatitig din sa akin. 

"Cad... a-are you really planning to kill them earlier? Please answer me honestly... because it feels like I still have a lot to know about you. Pakiramdam ko hindi kita kilala," bulong ko sa nanginginig na boses.

Hindi agad nakasagot si Cad. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi ko talaga matukoy ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon... pero sa tingin ko hindi ko naman talaga alam ang nasa isip n'ya simula pa lang. 

"Hindi, Liah... Tatakutin ko lang naman sila. Wala akong balak na patayin sila kanina," sabi ni Cad saka marahang hinaplos ang pisngi ko. 

I remained silent for a moment while staring intently at him. I bit my lower lip and sighed. "A-Are you sure?" I asked and held his hand caressing my cheek. 

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon