Chapter Twelve

121K 4.6K 2.1K
                                    

"Ano gagawin mo, mareng Liah?" tanong ni Cad habang nakatitig lang sa akin.

"Gagawa ako ng lesson plan at powerpoint kaya h'wag kang magulo," sabi ko habang nagtitimpla ng gatas para sa aming dalawa. 

Nasasanay na rin yata si Cad uminom ng gatas tuwing gabi kahit ayaw n'ya sa lasa no'n. Kapag nagtitimpla kasi ako palagi siyang nagpapasabay na rin. Napansin ko rin na hindi na siya masyadong naninigarilyo. Hindi ko alam kung may plano ba siyang tumigil o baka naman naririndi siya sa kakareklamo ko na ayaw ko ng amoy ng usok ng sigarilyo. 

"Tulungan ulit kita, teacher. Para naman hindi ka masyadong ma-stress at magkaroon ka pa ng time na landiin ako," nakangising sabi ni Cad saka nagtaas-baba ng kilay sa akin. 

"Shut up. Matutulog agad ako pagkatapos nito kaya wala na 'kong time makipaglandian sa 'yo." Inismiran ko siya. 

I gave him his milk and sat beside him. Inismiran n'ya rin naman ako saka nagsimula ng uminom ng gatas. I just shrugged off and let him sulk like a kid. Sa totoo lang, minsan talaga mas sakit pa siya sa ulo kaysa sa mga estudyante ko. 

"Ayaw mo ba talagang tulungan kita? Pwede ako na riyan sa powerpoint," sabi n'ya saka ininguso ang laptop ko. 

To be honest, he's always helping me with my workloads every night. He's honestly a big help to me but I was just trying to stop myself from getting used to it. I don't want to get used to it. Sanay ako na gumagawa ng mga ganitong trabaho mag-isa. Baka mahirapan ako kapag nawala rin si Cad sa buhay ko. I know he won't stay here for a long time. I know this won't last forever. Maganda na ang maingat.

"Ang kulit. Ako na  sabi sa powerpoint, e. Tingnan mo nga may ginagawa ka pang lesson plan." Basta na lang n'ya kinuha ang laptop ko pati na rin ang libro na pagbabasehan ng powerpoint.

"Cad, I said you don't have to. Baka mali pa ang magawa mo," nakataas-kilay na saad ko.

He grinned at me and kissed my cheek. "Bakit? Mali ba 'yung mga ginawa ko nu'ng nakaraan? Mas maayos pa nga ako gumawa ng powerpoint kaysa sa 'yo."

I glared at him and wiped my cheek. He liked pinching my cheeks before but he likes kissing it now. Nagpapanggap na lang talaga ako minsan na hindi ko nagugustuhan kahit ang totoo komportable ako sa halik n'ya. 

"Pa-kiss nga ulit sa cheeks mo, Liah. Pampagana lang gumawa ng powerpoint," hirit ni Cad saka ngumuso pa. 

I bit my lower lip and sighed. He looks cute. I suddenly want to kiss him... and I did. I closed my eyes and gave him a light kiss on his lips. Halatanng nagulat siya sa ginawa ko. Napakurap siya kasabay ng bahagyang pamumula ng pisngi n'ya. I just avoided his gaze and tried to focus on my lesson plan. 

"Shit, mas gusto ko 'yon, Liah. Isa pa nga, baby ko. Hindi ako prepared sa sunggab mo kanina, e. Sige na," pagmamaktol n'ya saka humawak pa sa braso ko. 

"Eh! Doon ka na nga, tama na. Pinagbigyan lang kita saglit, nawili ka naman," sabi ko na lang saka inismiran siya.

"Liah, may candy ako. Share tayo ulit. Ano? Payag ka?" tanong n'ya saka kinuha ang candy mula sa bulsa n'ya saka ipinakita sa akin. 

Naiinis na hinablot ko 'yon mula sa kan'ya saka binuksan at isinubo. Napaawang ang labi n'ya nang marinig n'yang kinagat ko ang candy. 

"Wala na, manahimik ka na riyan at tumulong kung gusto mong tumulong. Tatadyakan na talaga kita palabas ng bahay ko, e," pananakot ko sa kan'ya.

"Paano na 'yung candy ko? Palitan mo 'yon," naiinis na sabi n'ya saka napakamot sa batok n'ya.

"Wala na. It's gone. Look, I already ate it." I stick out my tongue and show it to him.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon