Chapter Eighteen

105K 5K 4.1K
                                    

"C-Cadence Lettiere? Baka nagkakamali ka lang, miss. Cadence Dimagiba ang pangalan ng boyfriend ko. Saka imposibleng siya ang may ari ng ganitong kalaking hotel, t-tricycle driver siya," mahinang usal ko. 

Halatang natigilan si Nathalie sa sinabi ko. "Liah, kung iyong lalaking 'yon ang tinutukoy mo..." Itinuro n'ya si Cad mula sa di kalayuan. "...siya nga ang may ari ng hotel na 'to. Cadence Lettiere ang buong pangalan n'ya," sabi pa ni Nathalie. Bakas sa boses nito ang pagtataka.

I didn't respond. I closed my eyes tightly and tried to calm my raging nerves. I don't know what to think and believe anymore. I know I should not believe her easily. Hindi ko naman siya gano'ng kilala... pero hindi ko rin naman kilalang kilala si Cad. Maliban sa pangalan n'ya, ano ba'ng alam ko tungkol sa kan'ya. Ni hindi ko alam kung sigurado ba ako na alam ko ang totoong pangalan n'ya.

"Nathalie... s-sinasabi mo ba sa 'kin na nagsisinungaling sa akin si Cadence?" tanong ko sa nauutal na boses.

Hindi kaagad nakasagot si Nathalie. Napaiwas siya ng tingin sa akin na tila ba iniisip n'ya ang susunod na sasabihin, tila ba nag-aalinlangan siya. Tumingin siya kay Ashteroh saka tiningnan ito nang masama.

"May alam ka ba rito, Ashteroh?" tanong ni Nathalie sa seryosong boses. 

Napatingin si Ashteroh kay Nathalie saka napalunok. He licked his lower lip and stroked his blond hair. He held Nathalie's arm and murmured something to her. "Let's not be involved in this, Ma'am Nathalie. Hmm? It's their problem, not ours," narinig kong bulong ni Ashteroh.

"Anong not involved ang sinasabi mo riyan?! Ginagawang tanga ni Cad 'tong girlfriend n'ya tapos hahayaan lang natin? Tarantado ka ba? Gusto mo maghiwalay na tayo?!" asik ni Nathalie saka itinulak si Ashteroh.

"Nathalie... Ang akin lang, hayaan na natin na si Cad ang mag-ayos ng problema n'ya. H'wag natin siyang pangunahan at pakialaman," turan naman ni Ashteroh.

Nathalie looked at me again and held my hand. She seems worried. "Makipag-usap ka kay Cad. Ayokong makialam sa inyong dalawa... pero nagsisinungaling siya sa 'yo, Liah. Maski totoong pangalan n'ya, hindi n'ya sinabi sa 'yo. Hindi mo dapat balewalain ang katotohanang 'yon."

"Let's go, Naths. H'wag na tayong makialam nang sobra," sabi na lang ni Ashteroh saka hinila na ang braso ni Nathalie paalis. 

Hinabol ko na lang sila ng tingin nang pumasok na sila sa kotse. Nakatingin pa rin sa akin si Nathalie at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hanggang sa makaalis sila ay hinahabol n'ya pa rin ako ng tingin. 

Muli akong napatingin sa hotel. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang makitang wala na ro'n sina Cad pati na rin ang mga kasama n'ya. Nanghihinang napasandal ako sa glass wall at napahilamos sa mukha ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko... Hindi ko na alam ang dapat kong isipin o paniwalaan.

TILA WALA pa rin ako sa sarili ko nang makauwi ako sa bahay. I didn't call or text Cad like what he told me earlier, I don't have a strength to do so. My mind is clouded. My heart is currently fighting my mind. I don't know which one of them should I follow. I don't know what to do anymore.

I stared at my laptop. Wala akong nagawang maayos na trabaho. I tried to focus on my work but I always ended up spacing out. I know this won't do. Kahit ano'ng gawin ko, sasagi at sasagi pa rin sa isip ko si Cad, ang nakita ko, at ang mga narinig ko tungkol sa kan'ya mula kay Nathalie.

"Liah!"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Cad. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko... Kailangan kong umakto ng normal.

"Liah, sabi ko sa 'yo mag-text ka sa 'kin kapag magpapasundo ka, e. Bakit ka umuwi mag-isa?" tanong ni Cad saka umupo sa tabi ko.

Hindi agad ako nagsalita. Nagpanggap ako na busy sa pagt-type sa laptop ko. "Nawala sa isip ko," sagot ko na lang habang hindi siya binabalingan ng tingin.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon