Kabanata 2

1K 16 0
                                    

Stupid

Naaubutan kong naghahanda ang mga kasambahay ng hapunan pagkauwi ko. Nagbihis ako saglit at bumaba para tumulong sa paghahanda.

Sinaway pa ako ng ilan dahil hindi ko naman daw kailangang gawin iyon. I insisted to help kahit nakikita kong nahihiya at naiilang ang mga kasama ko. Sa huli, hinayaan na lang akong tumulong.

We cooked three dishes for dinner. I really don't get it why rich people loves having different dishes on meals when they could be contented and full by having one. Maybe it's their nature or something.

I helped serving the food. Nang matapos tuloy at handa na ang lahat ay pawis na ako at nanlalagkit. Nagpaalam ako kay Manang na maliligo. Ayaw ko namang humarap roon na mukhang madungis.

I saw Tito Alfred and Tita Kara already settled when I went back to the dining area, nag-uusap sa maliit na boses habang kumakain. Tita smiled when she saw me. I smiled back and pulled a chair.

Their talk went on. Nanatili akong kumakain ng tahimik, nakikinig. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong.

"By the way," Tito Alfred said merrily. Tita looked at him curiously. I shoved my food on my mouth, alerto rin ang mga pandinig. Mukhang magandang balita ang sasabihin niya.

"Kyzer is back on track," he added. "After weeks of slacking off, finally." Natigilan ako ng bahagya sa narinig na pangalan. I think I heard that name somewhere.

"That's great," Tita chirped.

The talk went on about Tito's son. Nalaman kong parehas pala kami ng school na pinapasukan. 5th year na raw nito sa kursong engineering, mag- isang namumuhay sa condo at kung minsan ay dito nagsi-stay.

I took a deep breathe as I step out of the vehicle. Excitement and nervousness filled me as I walk inside the premises. Elegant and gorgeous students on their fitted and short uniforms flocked at the hallway.

Nagkakagulo at nagtatawanan din ang mga lalaking estudyante sa kung anong pinag-uusapan. Kahit magulo ang paligid ay masayang pagmasdan dahil sa mga tipid at pinong kilos ng mga estudyante. Wala yata akong nakikitang magaslaw ang kilos dahil kahit lalaki ay pino ang galaw, mga taong halatang lumaki sa marangya at reserbang buhay.

Tinungo ko ang building ng College Of Architecture. Natagalan pa ako dahil sa paghahanap ng room ko. Napakalaki kasi ng building na ito, ang bawat palapag ay may anim na silid. Napabuga ako ng hangin nang matagpuan ko sa wakas ang room ko na nasa 3rd floor pa pala. Buti at hindi naman ako late.

Naabutan kong nagkakagulo na ang mga estudyante sa loob. Base sa interaksiyon nila ay mukhang magkakakilala na sila. Saglit na nabawasan ang ingay nang may makakita sa akin. Tahimik kong tinungo ang upuan sa likod ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagsipol ng isang lalaki.

Maayos kong nairaos ang mga subject sa pang-umagang session. Tumayo ako at madaling niligpit ang mga gamit at dumiretso ako sa cafeteria para sa lunch.

Mahaba ang pila nang makarating ako. Isa't kalahating oras lang ang lunch break at baka hindi ako umabot. Tatalikod na sana ako para sa labas na lang bumili ng tawagin ako ng isang lalaki.

"Hey," he smiled warmly.

The man looks handsome and angelic, especially when he smiles like that. Napakunot ang noo ko. Bakit niya ako kinakausap? Kahit naguguluhan ay ngumiti ako ng tipid at umambang aalis ngunit napatigil ako nang magsalita siya.

"Uh... Y-You don't remember me?" he asked when he saw my confused face. Lalo akong naguluhan sa tanong niyang iyon. Kilala ko ba siya? Paano?

"Ha?" I asked, confused.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon