Kabanata 14

979 21 6
                                    

Maunahan

Masama akong tiningnan ni Cala nang makalabas ako ng aming room. I smiled at her, though. Tingin ko alam ko na kung bakit siya nagkakaganiyan. Usap-usapan rin kasi sa school ang nagyari sa akin nung nakaraan.

Wala si Gelo dahil may out of town daw sila kasama ang kaniyang pamilya kaya kami lang dalawa.

"Ugh! How I hate your kindness, Ris. Hindi ka man lang lumaban pabalik. You could've slapped her. Or sinabuyan mo man lang ng inumin pabalik para at least you got even!" she ranted.

I calmly listened to her as she sipped on her frappe with a grumpy look on her face. Nasa coffee shop kami ngayon malapit sa school. Nagkataong vacant ko at siya ay walang klase dahil absent ang kaniyang prof kaya naisipan naming pumunta rito.

" Kapal ng face ng Myla na iyon! Mukha namang paa!" she added.

"Hayaan mo na," tanging nasabi ko.

"Sayang talaga at wala ako roon kundi ilalampaso ko ang pangit na mukha no'n. My gosh!" nagpatuloy siya sa kaniyang hinaing. "Wala man lang bang nagtanggol sa'yo?"

I bit my lower lip and shifted on my seat.

"Her friends tried to stop her. Even Harvey. But she's just too angry. Natigil lang naman siya no'ng si.... Kyzer na ang dumating," nag-aalangan kong pag-amin. Hindi siya nagulat roon. Siguro narinig niya na rin iyon kung saan.

"And what did he do to that ugly frog?" she raised her brow.

"Cala," saway ko. "He just interrupted the scene and he took me with him. He helped me." paliwanag ko.

Now her face brightened. The traces of annoyance on her beautiful face vanished. She looked intriguing and playful now.

"And?" she probed.

"That's it," ngumiwi ako.

"Hindi man lang ba pinagaan ang loob mo or something?" she probed.

Umiling ako. Wala yata sa bokabolaryo ng taong iyon ang mag-comfort ng isang tao. Mukha kasing masungit at walang pakialam sa paligid.

I have no guts to tell her that we went to his condo. Especially that scene on the veranda. I blushed as the memory flashed in my mind once again. I couldn't get it off my mind.

Hindi na kami nakapag-usap ulit ni Kyzer dahil wala siya ulit sa bahay. Hindi siya umuwi at hindi ko alam kung bakit.

Cala suddenly chuckled evilly. Siguro ay nakita niya rin ang pamumula ng pisngi ko. And by now, she's probably insinuating something by the way she looked at me with those playful and mocking eyes.

"And now you're blushing like a teenager. Hmm," she taunted. Inilapit niya ng bahagya ang mukha niya sa akin. "Did something illegal happened?" patuya niya pang tanong.

Namilog ang mga mata ko at agad na umiling. Mas lalo akong namula.

"Wala! Ang dumi ng isip mo!" kunwari'y asik ko. Humalakhak lang siya at tinuro ako.

"Wala daw pero kung mamula ay parang ginapang ni Kyzer," tawa niya. Napatingin na rin ang ibang customer ng coffee shop dahil sa kaingayan niya. Lalo akong nahiya para sa sarili at para sa kaibigan ko. She's just too shameless and loud.

"Cala! Pinagtitinginan tayo," nahihiyang saway ko at tinaliman siya ng tingin. Ngumisi lamang siya at tumigil din naman ngunit ang mga mata ay may bahid pa rin ng panunukso.

"Gumagalaw na si chicken," she teased.

"Cala, hindi iyon ganoon. Nagmagandang loob lang iyong tao." giit ko.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon