Kabanata 16

922 16 0
                                    


Engaged

Matapos ang kalahating oras na biyahe ay nakarating rin kami sa venue. Ang mga nagkakagulong tao na may hawak na malalaking camera at recorder ang una kong nadatnan.

Natigalgal ako at saglit na natulala. Hindi ko alam na may ganito ka-raming media sa party na ito. Hindi ko ito inaasahan. I thought we can just get out in peace pero mukhang malabo iyon.

Nilingon ko si Kyzer at naabutan siyang nakakatitig sa akin. Nang makita ang gulat at nangangamba kong ekspresyon ay marahan niyang pinisil ang kamay ko.

"You okay?" mahina niyang tanong.

"Ang daming media sa labas, Kyzer," nag-aalala kong sagot. Tumango lang siya at dinilaan ang pang-ibabang labi habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Don't worry about them. We should just ignore them and not answer their questions and we'll enter the venue in peace, hmm? I'll guide you," aniya. Nag-aalinlangan man ay tumango na lamang ako. Ngumiti siya ng tipid bago lumabas at umikot para pagbuksan ako.

Halos masilaw ako sa mga flash ng camera ng makabas kami ng sasakyan. Hawak ni Kyzer ang kamay ko habang naglalakad kami, pinipilit na malagpasan ang mga kumukuha ng litrato at mga kung ano-anong tanong.

"Mr. Valderama, is she your girlfriend?"

"Mr. Valderama, is it true that you are going to assume the position of your father two months from now?"

"Mr. Valderama, how's the company?"

"Sir, who are you with?"

"Mr. Valderama, are you engaged with Miss Lucienne Romualdez?"

Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tanong ay iyon ang pumukaw ng interes ko. Nilingon ko ang mga reporter, kuryoso sa huling tanong ngunit humigpit ang hawak ni Kyzer sa kamay ko at lalo akong hinila paalis sa mga nagkakagulong media.

The black and gold theme of the party looks so elegant and classy. Halata ding hindi basta-basta ang mga bisita dahil sa kasuotan at kilos. I spotted Tita Kara and Tito Alfred talking to a couple. Nang magkatinginan kami ni tita ay ngumiti siya at sinenyasan kaming lumapit.

"I'm looking forward to the merging of companies, Kara. The Romualdez group is as big as the Valderama Empire. Imagine the power kung sakaling sila nga ang magkatuluyan," the elegant woman beamed as her eyes darted on me. Her lips parted in awe and smiled warmly. "And who is this gorgeous lady?"

Tita touched my arm and laughed softly. I smiled shyly at the elegant woman. Si Kyzer ay abala nang makipag-usap kay Tito Alfred at sa isa pang ginoo.

"Thalia, this is Serise, my niece. Ris, this is Thalia Santiago," tita introduced.

"Nice to meet you po," I smiled.

"Are you a model, hija?" tanong niya, hindi pa rin natatanggal ang palakaibigang ngiti.

"No, Thalia. She's too shy to be one," tita chuckled.

"Oh," Mrs. Santiago nodded understandingly. She continued to ask me questions which I politely answered. I can say that she's nice and genuine kaya agad ding gumaan ang loob ko sa kaniya. I thought I will be intimidated and tensed the whole time but I was wrong. Mrs. Santiago is a good company.

"Serise!" napalinga ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Cala. Wearing an elegant black night gown, my beautiful friend approached me with a big smile on her face.

Napaawang ang bibig ko, hindi inaasahang nandito siya. She held my hand and gently dragged me.

"Oh my gosh! I can't believe you're here din," she blurted. "Who are you with? The Valderamas?"

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon