Kabanata 15

1K 16 1
                                    


Judgements

Kyzer is true to his words. Noong sinabi niyang uuwi siya araw-araw ay iyon ang nangyari. Sabay rin kaming nagbi-breakfast tuwing umaga at sumasabay din siyang mag-dinner sa gabi.

"Napapadalas yata ang uwi ng anak ko," puna ni Tito Alfred matapos ang agahan.

Nasa taas si Kyzer at naghahanda na para sa pagpasok sa eskwela. Ako naman ay hinihintay lang si Manong na matapos sa pag-aayos ng sasakyan para makapasok na rin. Nasa garden kami, si Tito Alfred at Tita Kara ay nakaupo sa bench at ako ay nakatayo at tinatanaw ang mga halaman. Mamaya pa ang alis ng mag-asawa kaya may oras pang magkwentuhan.

"Not that I don't want him here. I just find it unusual for him to go home. That man is very distant from us," he added.

"Whatever it is, hon, just be happy that you're able to frequently see and talk to him now," si Tita naman. Hindi ko na nasundan ang pag-uusap nila nang maramdaman ko ang presensya ng kung sino sa likod ko.

Nalingunan ko si Kyzer na ngayon ay mariing nakatingin sa palda ko na parang may nakakagalit roon. Napatingin din tuloy ako sa skirt kong umiksi ng ilang pulgada dahil tumangkad ako. Kumportable namang suotin kahit na-expose ang kalahati ng hita ko kaya hindi na ako nag-abalang bumili pa ng bago.

Nginitian ko siya nang magkatinginan kami. At gaya ng nakasanayan, hindi siya ngumiti pabalik at nanatiling busangot.

"Papasok ka na?" tanong ko sa kaniya.

"Yes. Let's go."

"Huh?"

"I'll drive you to school. Come on," he answered.

Nagulat ako roon. Hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil may driver naman kami pero hindi ko alam kung bakit gusto niya pa akong ihatid.

Mukhang napansin niyang nagtataka ako. Marahan niyang hinawakan ang braso ko at hinigit ako palapit sa kaniya. Napatingin ako sa mag-asawang nakatingin na rin sa amin ngayon at kapwa nakangiti.

"We'll go ahead. Isasabay ko na siya," he said in a monotone and gently pulled me away from the couple. Nginitian ko lang si Tita at kinawayan para magpaalam saka nagpatianod sa hila ni Kyzer.

Tahimik kami sa sasakyan niya. Seryoso ang tingin niya sa daan na parang sobrang focused sa pagmamaneho. Gusto kong magdaldal pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nilibang ko na lang ang sarili sa pagtingin sa dinadaanan namin mula sa bintana.

Hindi rin naman nagtagal ang biyahe. Nilingon ko si Kyzer nang mag-park siya sa parking lot ng school.

"Ah. Mauna na ako. Salamat sa paghatid," I smiled at him.

"We will go inside together. I'll escort you to your room--"

"Huh? Hindi na kailangan!" agap ko.

Nagtataka niya akong tinitigan. Kahit naiilang ay tinitgan ko siya pabalik, determinadong tanggihan ang kaniyang alok.

I don't want to stir up rumors about us kaya ayaw kong makita kaming magkasama. Ano na lang ang iisipin nila? Na isang gaya kong cheap ang dinidikitan ng isang lalaking gaya niya na gustong gusto ng lahat?

"Why? I just want to send you to your room," he uttered in a hoarse voice.

Umiling ako. "Hindi na kailangan. Kaya ko na. Isa pa, may klase ka rin. Baka ma-late ka."

"I still have time--"

"Hindi na talaga!" giit ko. Lalo siyang nagtaka ngunit nababahiran na ng inis ang kaniyang ekspresyon.

"Why? Afraid that your boyfriend might see us?" matabang niyang tanong. Namilog ang mga mata ko sa akusa niya. Saan niya naman kaya nakuha iyon?

"Wala akong boyfriend," I explained. "Ayaw ko lang na makita ng iba na magkasama tayo--"

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon