Kabanata 31

1K 17 0
                                    


Lunch

Mariin ang titig niya sa akin dahil sa sinabi ko. Para akong maamong kuting sa harap ng isang mabangis na leon. Ngunit kahit nakakaramdam ng kaunting takot sa intensidad ng kaniyang titig, wala akong planong bawiin ang sinabi ko.

Iyon nga siguro ang kailangan ko ngayon. Ang maging totoo sa aking sarili, at sa kaniya. Hindi na kami mga bata para magtaguan ng nararamdaman o magpaligoy-ligoy. Kaya ano man ang kahinatnan nito, hindi ko pagsisihang sinabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Kung ang pagiging totoo ang kailangan ko para makausad na sa wakas, iyon ang gagawin ko.

Maybe...just maybe, I can finally move on if I tell him everything. He said he already moved on but I can feel that he still hold grudges. Maybe we both need to hear each other out, let our pain be heard, and voice out our reasons...to finally leave the past behind and start anew.

"You think I believe you?" he spat and smirked coldly.

"I...uh," I blinked. "I'm n-not gonna take it back-"

Lalong dumilim ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. Lalo siyang lumapit. He was so close that I can feel the warmth of his body. Kumalabog ang puso ko sa labis na kaba. I can almost tell that he can hear the beating of my heart so I took a step back.

Kung sa ibang pagkakataon, matutuwa pa ako na ganito siya kalapit sa akin. Ngunit mailap ang mga positibong reaksiyon sa sistema ko ngayon dahil pakiramdam ko, imbes na ginhawa ay kapahamakan ang dala ng paglapit niya na para bang kayang-kaya niya akong durugin dahil sa diin ng ekspresyon niya.

"You still love me, really?" he sneered. "You're really good at lying, huh?"

I felt a slight pinch at my clobbering heart with what he said. Hindi na talaga siya naniniwala...kahit anong sabihin ko. Para bang hindi niya na kayang pakinggan ako ulit matapos ang ginawa kong pang-iiwan sa kaniya, at siguro...ang tiwalang mayroon siya para sa akin noon ay naglaho na rin noong umalis ako ng walang paalam.

"After everything, kung kailan maayos na ako, bumalik ka para guluhin ang isip ko, at sasabihin mong mahal mo pa rin ako, huh?" mariin niyang sambit.

"Kung ayaw mong maniwala, eh 'di huwag-"

His humorless chuckle cut me off.

"Stop spitting bullshits when you don't mean it, then!" asik niya.

"I'm telling the truth. Now if you don't believe me, then that's not my problem. Hindi ko naman sinasabi sa'yo 'to para magbalikan tayo. I'm saying this because I want to be honest with my feelings, and hopefully get over it!"

Lalo yata siyang nainis sa sinabi ko.

"Look," I sighed. "I don't have plans on ruining your relationship with someone else, kung mayroon man. I'm just really being honest right now-"

"Shut up," he glared at me. "Stop confessing your love for me, if you're not going to stand with it! I don't want to hear you talk about your feelings for me if you're just going to get over it anytime soon!"

My eyes widened at that.

Anong ibig niyang sabihin ro'n?

Ang sabi niya...naka-move on na siya. Kaya bakit siya apektado ngayong sinasabi kong gusto ko na siyang kalimutan?

"You said you already moved on from me so why is this suddenly an issue to you?" I asked. "Wala namang masama sa sinabi ko-"

"Are you fighting po?"

Nabitin sa ere ang pagsasalita ko at napabaling kay Alyanna na ngayon ay kuryosong nakatingin sa aming dalawa ni Kyzer. Para akong natauhan nang matantong baka kanina niya pa kami pinapanood. Umiling ako at lumapit sa kaniya.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon