Kabanata 19

928 11 1
                                    


Solace

"Basta, he's so annoying!" Cala ranted and sat on her seat. Vacant namin kaya nagkayayaan kaming pumunta sa coffee shop, just a few blocks away from the school.

Naupo ako sa harap niya habang nakikinig sa mga reklamo niya. Tumigil siya saglit nang lumapit ang staff at ibinaba ang aming order ngunit nagpatuloy rin nang mawala na ito.

"Lagi siyang kumukontra sa mga dini-date ko'ng lalaki. Nilalait niya pa! He's so epal, Ris! Kapag siya naman ang niyaya kong lumabas, iniiwasan naman ako at nagdadahilang may lakad kasama ang ibang babae. Ang gulo niya rin, eh!"

I sipped on my frappe as I watch her closely. Ito ang palagi niyang reklamo sa mga nakalipas na araw. I don't really know if she was too numb to notice or she's just really blinded by her hatred.

I am aware of their petty fights when we're together. At first, I thought they just really hate each other's guts. Ngunit base sa reaksiyon at kilos nila kapag magkaharap, halatang may malisyang namamagitan sa kanilang dalawa.

They're both in denial. Mga ayaw pang umamin ngunit halatang-halata na.

"Maybe he doesn't have the courage to date you yet? Uh...natotorpe?"

Umirap siya at sumipsip sa kaniyang inumin.

"I don't think so. Sadyang ayaw niya lang talaga sa'kin. Natatapakan lang ang ego no'n kapag may dini-date akong iba dahil nasanay siyang wala akong ini-entertain! Nakakabwisit," she ranted even more.

Wala na akong ibang sinabi at nakinig na lang sa kaniya hanggang sa kumalma siya. Umuwi na rin naman kami kalaunan dahil dumidilim na.

Wala pa sina tita nang umuwi ako. Sina Ate Nellie lamang ang naroon at abalang maghanda ng hapunan. Umakyat muna ako saglit para magbihis.

Natigilan ako nang may makapang bukol sa gilid ng isa kong dibdib. It's just a small lump and it's a bit hard.

Nagtataka man ay hindi ko na iyon pinansin. Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis at bumaba na para tumulong sa paghahanda ng hapunan.

Nang dumating ang mag-asawa ay sabay-sabay kaming kumain. Medyo tahimik ang dalawa at mukhang pagod kaya medyo matamlay ang hapag. Nagtataka man sa inaasta nila ay nanahimik na lamang ako.

I was busy doing my plates when my phone rang. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ang pangalan ni Kyzer sa screen.

Natuloy siya sa pag-alis. Limang araw na siyang naroon sa ibang bansa. We are constantly communicating through texts and phone calls and it's more than enough for me. Ang mahalaga ay nakakausap ko pa rin siya kahit nasa malayo siya.

"Hello," I greeted as soon as I answered the call.

"Hi, baby," his manly and soothing voice lingered on my ears. "What are you doing?"

"Gumagawa ng plates," I answered. "Uh..ikaw?"

"I just got home from a meeting. How's your day?"

I told him what happened with my day while I'm doing my plates. Natapos lamang ang tawag nang lumalim na ang gabi at kailangan na naming magpahinga.

Nakuntento na ako roon. Kahit saglit lamang kaming nag-uusap ay masaya na ako. Ang mahalaga sa akin ay naroon siya sa ibang bansa para ihanda ang kaniyang sarili sa karerang tatahakin niya.

That's what matters the most to me. His success. His own good.

Alas onse na ng gabi nang matapos ako sa mga school works. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya nagbasa na lamang ako ng libro. Wala rin naman akong makausap dahil mukhang nagpapahinga na si Kyzer.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon