Kabanata 13

956 17 0
                                    

Distant Star

Iginala ko ang tingin sa kuwarto ni Kyzer. Namangha ako sa lawak at linis nito. Unang beses ko pa lang na makapasok sa kuwarto ng lalaki pero sa pagkakaalam ko ay magulo ang kuwarto nila kaya nagulat ako na ganito siya kalinis sa kaniyang silid.

Gaya ng disenyo ng kaniyang living room at kusina ay minimalist din ang sa kwarto niya. Kulay abo, puti at itim ang tema nito. Malaki ang kama at may bedside table kung saan nakapatong ang lamp shade. Natatakpan ng abong kurtina ang kaliwang dako na tingin ko'y glasswall.

Mayroong dalawang pintuan. Binuksan ko ang isa at tumambad ang malinis na bathroom. Sinarado ko ito at sunod na pinihit ang seradura ng isa pang pinto na walk in closet pala.

Cove ang ilaw ng silid at krema ang dingding at ceiling. Nakasalansan ng maayos ang mga damit at sapatos niya. Kuminang ang mga mata ko sa pagkamangha. Napakarami niyang damit! Nasusuot niya kaya lahat ng ito?

Pinasidahan ko ng tingin ang kabuuan. Sa lawak at rangya ng lugar na ito ay lalo kong naramdaman ang agwat ng estado naming dalawa. He was provided with everything as he grew up samantalang ako ay lumaki sa kahirapan.

Pansin kong walang matingkad na kulay sa kaniyang mga damit. Itim, puti, abo at asul lamang ang kulay ng mga damit niya. He is very masculine na pati preference sa kulay ng kasuotan ay nagsusumigaw ng kakisigan. Napadpad ang tingin ko sa naiibang tela na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang mga shirt.

It was a black lingerie. May maiksing dress pa at...underwear. Malaki ang size ng bra na tingin ko ay cup C at ang panty ay lace. Napatitig ako roon at napaisip kung bakit may ganito sa kaniyang kuwarto.

Hindi kaya...sa girlfriend niya ito? O kaya'y fling? Hindi pala ako ang unang nakapunta rito kung ganoon. Napawi ang pagkamangha ko at may kung anong naramdamang guwang sa aking tiyan.

Hindi naman ako ganoon ka-inosente lalo na't madaldal si Cala sa mga ganitong bagay kaya may alam na ako sa gawain ng mga lalaki sa syudad kahit papaano.

Hindi na rin nakakapagtaka dahil sa kalibre ng lalaking gaya ng Kyzer ay mukha talagang marami nang dumaang babae. At ang sabi n Ate Nellie ay babaero siya. Hindi na dapat ako magulat.

Sa huli ay kumuha na lamang ako ng black na hoodie at boxers. Sumama ang timpla ko dahil sa mga damit na nakita ko. Why am I feeling this way, anyway? 

Nag-shower na lamang ako para mahimasmasan. Ginamit ko na rin ang kaniyang shower gel dahil wala naman na akong choice. Napaisip tuloy ako kung ilang babae na ba ang nakagamit ng mga gamit niya. Hinihiram din kaya nila ang mga damit niya? Naliligo din sila dito?

Huminga ako ng malalim at tinapos ang pagligo. Makapal ang tela ng hoodie kaya hindi halatang wala akong panloob. Kaya lang, mahaba ito at natabunan ang suot kong boxers kaya aakalaing wala akong suot pambaba.

Napangiwi ako sa ayos ko pero wala naman akong magagawa. Lumabas na ako at naabutan si Kyzer na nag-aayos ng mga pagkain. Tingin ko ay um-order siya ng pagkain sa isang restaurant base sa mga paperbag na nakalagay sa mesa.

Tahimik akong lumapit. Inatake ng mabangong aroma ng pagkain ang aking pang-amoy. Napalingon sa akin si Kyzer na agad na bumababa ang mga mata sa suot ko. Nailang ako sa intense niyang paninitig. Ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

Suplado siyang nag-iwas ng tingin, mariing nakaigting ang panga at salubong ang kilay na tila may ikinagagalit sa suot ko. Pasimple akong bumuga ng hangin at tumulong na rin sa pagliligpit ng mga supot na nasa mesa.

Hindi ko alam kung bakit galit na naman siya ngunit ano pa bang bago? Lagi naman siyang ganito kaya dapat na siguro akong masanay.

"Are you even wearing shorts?" iritado niyang tanong.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon