Kabanata 20

913 9 0
                                    


Life

Buong gabi akong nabagabag sa inaakto ni Kyzer. Hindi ko alam kung may problema ba siya o may mali ba akong nasabi para magkaganoon siya.

Maybe he's stressed out or tired? O dapat ba sinabi ko pa rin sa kaniya ang totoong nangyari noong gabing iyon? I just thought it's not necessary. Pero baka iyon ang dahilan kung bakit malamig siya sa akin kaya dapat siguro sinabi ko na lang ang totoo.

Pero paano niya naman nalaman ang tungkol doon...kung iyon nga ang pinproblema niya?

Natulala ako habang iniisip ang lahat. Pati sa klase ko ay lumilipad ang aking isip. Halos hindi ko na nga masundan ang sinasabi ng propesor kung hindi ko lamang pinilit ang sariling mag-focus.

"Are you okay?" I snapped in my reverie when Gelo spoke. Breaktime namin samantalang vacant naman ng dalawa kaya sabay-sabay kaming kumain ngayon. Tahimik lang si Cala sa tabi ko, nasa akin ang nanunuring tingin.

Tumigil ako sa paglalaro ng aking pagkain at nginitian siya ng tipid. Though, I know there's no point in denying that something bothers me. They can see it all over my face.

"Yup. Medyo masama lang ang pakiramdam ko," I admitted which was kinda true. These past few days, I feel so sick. Nilalagnat ako at madalas makaramdam ng sakit ng tiyan. My breasts are swelling, too. My nipples are aching. Ang nakakapa kong bukol sa aking dibdib ay lumaki at nadepina.

Tinitiis ko lamang iyon. Iniisip kong baka dahil lang malapit na akong magkaroon ng buwanang dalaw kaya nananamlay ako.

"Yup. I'm okay," I smiled.

"You look pale. Are you sick?" nag-aalalang tanong naman ni Cala. "Should we go to the hospital or something para matignan ka?"

I shook my head. "I'm okay. Puyat lang ako."

Pinalagpas na nila iyon. Hapon na nang makabalik kami sa kaniya-kaniyang klase. Sabay kami ni Gelo dahil iisa lang kami ng building samantalang si Cala ay sa kabila pa, sa College of Business Administration building.

Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang klase sa kabila ng masamang pakiramdam. Nagyaya pang kumain si Cala ngunit tumanggi na ako. Gusto ko na lamang magpahinga dahil pakiramdam ko'y pagod na pagod ako kahit hindi naman ako masyadong kumilos.

I stared at my phone as I lay down the matress. Wala pa ring paramdam si Kyzer. Ang huling tawag niya'y noong isang linggo pa.

I don't really know what's his problem. He didn't confront me. At hindi ako mapakali lalo na't malakas ang pakiramdam kong galit siya sa akin. I don't want that. I don't want to lay here and act like there's nothing wrong. And besides, I miss him. I want to talk to him so bad.

Pikit-mata kong pinindot ang call button at halos ihagis ang phone sa kama nang makitang nagriring ang kabilang linya. Napaupo ako nang nakitang sinagot niya ang tawag. Nanginginig kong itinapat ang cellphone sa aking tainga saka huminga ng malalim.

"Hello?" alanganin kong bati sa maliit na boses.

"Yes, who's this?"

It was a woman's voice.

My smile faded.

Nasaan kaya siya at bakit babae ang sumagot ng tawag? Alam kong hindi naman maiiwasang mayroon siyang makasamang babae roon pero naninibago pa rin ako. Are they that close that he's letting her manipulate his personal things including his phone?

"S-Si Kyzer?"

"Oh. He's sleeping now. Kakagaling lang sa meeting, eh. May I know who's this? Why are you asking about my fiance?" her soothing voice filled my ears but her words pierced my heart.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon