Kabanata 8

907 19 0
                                    

Insults

"You look tensed."

Napabaling ako kay Cala. Maybe she sensed my discomfort. Masyado kasing malamig sa sasakyan niya kaya para na akong naninigas. Tinitiis ko na lang dahil natatanaw ko naman na ang mall, tanda na malapit na kami. Ilang metro lang pala ang layo nito sa eskwelahan.

Tipid akong nangiti at umiling. "Ayos lang ako."

"Relax, hindi naman kita iki-kidnap or something. Magpapasama lang akong mag-shopping."

Hindi ako sumagot at nginitian lamang siya. Nakarating kami sa mall makalipas ang ilang minuto. Medyo namangha pa ako dahil maganda ang disenyo ng gusali. Nilingon ko si Cala na kuryoso akong tinitingnan. Umayos ako ng tayo, natatakot na masungitan na naman niya.

"Is this your first time going to a mall?" kuryoso niyang tanong. Walang bahid ng insulto roon at parang gusto lang talagang magtanong. Tumango ako na bahagya niyang ikinagulat.

"Galing kasi ako ng probinsiya at uh... ngayon lang lumuwas para mag-aral."

"Oh. Saan ka nakatira ngayon?"

"Sa tita ko."

"Nasaan ang parents mo? Nasa probinsiya?"

Napatigil ako sa tanong niya ngunit agad ding nakabawi. "Namatay na ang mama ko noong ten years old ako at...hindi ko kilala ang papa ko," kaswal kong sabi at tipid na ngumiti.

Namangha ako ng kaunti dahil kaya ko iyong sabihin sa ibang tao na parang hindi iyon malaking bagay. Noon, hindi ko sinasagot ang mga nagtatanong kung nasaan na ang mga magulang ko pero ngayon ay naamin ko na ng diretso sa iba.

Lumambot ang ekspresyon ni Cala. Ang nakasanayan kong matapang na mata ay umamo nang dahil sa sinabi ko.

"I'm sorry to hear that," she said and cleared her throat. "Uh...perhaps your tita is rich? Eastern University is a prestigious school and hindi biro ang tuition fee. Unless you are a scholar," paglilihis niya ng usapan.

"Hmm. Scholar ako," I smiled.

Her eyes widened in awe. "Ibig sabihin you are super matalino? Mataas ang standards ng EU kapag nagbibigay ng scholarship, ah. Wow. Ano bang degree program mo?" she asked in an amused way now.

"Architecture," I said that made her gasp.

"Wow. I didn't expect that. You look soft and innocent kasi. Kaya akala ko stupid ka at average girl lang," she mused.

Kahit kailan talaga.

Napailing na lang ako imbes na mainsulto. Natural na yata sa kaniya ang ganiyang pananalita.

We chattered while roaming around the mall. Kung saan-saan lang kami napupunta at panay ang kuwento niya tungkol sa mga boutique na pinapasukan namin. Kada mapapasukang store ay may nabibili siya kaya't tumulong na rin ako sa pagbubuhat ng mga paperbags niya.

Pumasok kami sa isang restaurant nang matapos mag-shopping. Early dinner na namin ito dahil alas-singko na rin. Inilibot ko ang tingin sa lugar at napansing mukhang mayayaman ang mga kumakain rito. Pasimpleng bumaba ang tingin ko sa suot kong uniform.

Napansin ko ang pagkataranta ng ilang staff nang masulypan si Cala na ipinagtaka ko. Si Cala naman ay blangko lamang na nakatitig sa menu. Binuklat ko rin ang menu na nasa harap ko at halos lumuwa ang mga mata ko sa presyo ng mga pagkain.

Isang linggo ko nang allowance to, ah!

Pumili ako ng mga mura ngunit pasta lamang iyon at two hundred pesos pa. Pati drinks ay mahal. Napasulyap ako kay Cala na nagtawag ng malapit na waiter.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon