KABANATA 6

2K 67 0
                                    

PATRICIA

"Woo kapagod naman!" Sigaw ni Harold kaklase naming bakla.

Kung noon ay halos mag-isa lang ako, ngayon ay may mga kasama na ako. Sina Harold, Bea, Christy at Jazzy. Sila ang mga ka grupo ko para sa gagawin naming educational trip. Maayos naman silang kasama,at masaya naman ako kahit pa paano. Di tulad no'ng mag-isa lang ako, nakakaramdam nga ako ng kapayapaan pero malungkot naman.

Si sir Damian ang nagplano nitong trip. Gusto niya raw kaseng ma-experience muna namin ang pahinga kahit sandali lamang raw. Pero may gagawin din naman kaming activity at magsusulat din raw kami ng mga bagay na makikita namin roon, para raw may maipasa siya sa principal.

Imbes na prof. ay sir ang itinatawag namin kay sir Damian. Ang sabi niya kase na mas okay ang sir sa kan'ya keysa sa prof. Kaya iyon ang itinatawag namin sa kan'ya.

Listen everyone! Sila ang makakasama natin for this camping." Anunsyo ni Sir Damian sa amin. Ang lahat ay nakinig dahil ayaw nilang maging tigre ulit itong si Sir.

Katabi niya si Mrs. Gambia at prof. Devon, pingmasdan ko naman ang kabuuan ni prof. Devon nagulat ako nang nakatingin na rin pala siya sa'kin.

Matagal....matagal kaming nagkatitigan hanggang sa ako na bumawi,hindi ko matagalan eh.

"Okay ba yun sa inyo?" Nagising ang diwa ko nang magsalita si sir Damian.

"Yes sir!" Sagot ng lahat maliban sa'kin.

Ang lahat ay naka pwesto na sa bus maliban sa aming tatlo nina Sir Damian at prof. Devon. Nagkatinginan kaming tatlo dahil dalawa nalang ang natirang upuan sa loob ng bus.

"A-ah eh ako nalang po yung sa front seat. Kayo nalang dalawa diyan sir." Napakamot ako sa batok ko.

Ayaw kong sumasakay sa front seat eh! May bad memories ako diyan!

"No. You will sit beside Kuya Devon and doon ako sa front seat tutal ako naman ang master mind nitong camping." Angal ni Sir Damian. Kinabahan naman ako bigla.

"P-po?" Sabi ko at napatingin naman sila sa'kin na parang nagtataka. Agad ko iyong binawi at ngumiti nang pilit.
"S-sige po pala, hehe!"

Nakaupo ako sa may bintana katabi si Prof. Devon. At dahil nga magkatabi kami, nahirapan akong pakalmahin ang puso ko.

Kumalma ka na litse. Mabubuking ako sa' yo eh!

Nakatingin lamang ako sa bintana buong biyahe dahil ayaw kong tingnan si prof. Bahagya na ring kumalma ang puso ko hindi tulad kanina na parang nakipag karera sa sobrang bilis. Ilang oras din ang itinagal bago kami nakarating sa aming distinasyon. Chaar!

Isang napaka asul na dagat ang bumungad sa amin. Kung ako tatanongin ay gusto kong tumira rito. May mga cottage at sa di kalayuan makikita mo ang bundok na napapaligiran ng mga ulap.

"Oh my gosh! It was so beautiful!" Kahit hindi ako lumingon alam kong si Cheryl iyon. Natural ang arte sa katawan niya hindi na ako magtataka.

"Class deretso tayo sa hotel okay? May reservation na ako doon, at ang lahat ay may kwarto na. Sa isang kwarto ay lima ang mag mamay-ari. Is that clear?!" Seryosong tanong ni Sir Damian. Tumango at sumangyon ang lahat.

"Ang sa room 407 ay sina Nerolgo, Kamarin, Clirada, Vinso at Dimonsaga. Kayo ang tutuloy doon may limang single bed din iyon, para kanya kanya kayo ng kama." Anunsyo ni Mrs. Gambia at tumango naman ang mga kaklase Kong tinawag niya.

Ang iba ay inanunsyo na rin ang tutuluyan at maliban na naman sa akin. Sabay na nakatingin ang lahat sa akin ngayon.

"Ahy sir pwede pong katabi nalang namin si Patricia, total magka grupo naman kami. Mukhang wala yata siyang magiging kwarto. Pwede namang magkatabi nalang kaming dalawa."Ani ni Harold na pinulupot ang kamay sa braso ko.

Professor's Crush Where stories live. Discover now