KABANATA 23

1.6K 53 14
                                    

WARNING! MATURED CONTENT AHEAD..........

PATRICIA

"Ahh Patricia, may nagpapasabi na puntahan mo raw si prof. Devon sa third floor." Nahihiyang ani sa akin Lio isang hapon habang nagliligpit ako ng mga gamit ko.

"Ha? Sige salamat Lio pupunta ako." Nakangiting ani ko sa kaniya.

Nagtataka ako. Bakit sa third floor? Pumunta pa rin ako dahil baka importante ang sasabihin niya. Ang sabi niya kahapon ay mag-uusap raw kami pero hindi ko siya nakita mula kanina.

Nang makarating ako sa third floor ay wala nang kahit isang tao. Pumunta ako sa second room na sinabi ni Lio kanina. Pipihitin ko na sana ang door knob nang may maramdaman akong kakaiba. Bahala na, baka natutuwa lang ako dahil makikita ko siya!

"Sir?" Tawag ko sa lalakeng nakatalikod. Ngunit hindi ko inaasahan ang mukhang nakita ko pagharap niya. Si Kleinthon!

"Hi Tricia! I miss you...." Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko nang makita kung gaano ka miserable ang hitsura ni Kleinthon. Magulo ang buhok niya, nakabukas ang tatlong butones ng polo niya sa bandang leeg at medyo madumi rin ito. Nilapitan ko kaagad siya dahil nag-aalala ako sa kaniya.

"Kleinthon ano bang nangyayari sa'yo? Nasaan si prof. Devon, bakit ikaw ang nandito?" Nabigla ako nang haplusin niya ang pisnge ko at ipaharap ang mukha ko sa kaniya.

"Bakit mo hinahanap ang wala? Nandito ako Tricia, hindi mo kailangang hanapin yung Professor natin." Sinadya niyang diinan ang salita, at alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Kleinthon...... Umuwi na muna tayo, kailangan mo ng pahinga tingnan mo ang sarili mo!" Asik ko ngunit nginitian niya lang ako nang hindi binibitawan ang mukha ko.

"Sigurado akong hindi niya kayang bitawan ang reputasyon niya para sa'yo Tricia. Ako kaya ko, bagay na bagay tayo para sa isa't - isa Tricia, hindi magkalayo ang edad natin at madami ang matutuwa kapag naging tayo."

"Masasaktan si Hazel Kleinthon, mahal ka pa niya." Mahinahon kong sabi, pero bigla siyang ngumiti ng matamis.

"Kaya ba ayaw mo akong sagutin dahil takot kang masaktan siya? Gusto mo rin ba ako Tricia?"

"Mali ang iniisip mo Kleinthon. Tara na kailangan na nating umalis, dahil baka umulan." Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong higitin at yakapin. Nagpupumiglas ako ngunit mas hinigpitan niya lang iyon.

"Tricia, mahal na mahal kita." Kinilabutan ako ng ibulong niya iyon.
Bagtagumpay akong makawala sa yakap niya at taas noo siyang tiningala.

"Kleinthon! Hindi kita mahal. Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba? Sinabi ko na sa'yo to noon...." Pilit kong pinapahinahon ang boses ko.

"Ikaw lang ang may gusto sa kaniya Tricia, hindi niya bibitawan ang pagiging propesor niya at ako kaya kong bitawan lahat. Masasaktan ka lang kapag ipinilit mo ang sarili mo sa kaniya, Tricia ako nalang please.....ako nalang." Niyakap niya ulit ako and this time, sobrang higpit na. Hindi na ako makawala at napaluha nalang ako nang halikan niya ang leeg ko.

"Kleinthon bitiwan mo 'ko!" Pagpupumiglas ko.

"No! Tayo ang bagay Tricia, sisiguraduhin kong tayo ang magsasama Tricia. Hindi ka niya makukuha!" Diniinan niya ang pagkakahalik sa leeg ko at namalayan ko nalang na napaluha ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin at mas malakas siya.

"Kleinthon bitawan mo 'ko pakiusap!"
Pagmamakaawa ko. Akala ko ay binitawan niya talaga ako, iyon pala ay bumulagta siya sa sahig kaya niya ako nabitawan.

"I am going to kill you!" Agad kong pinigilan si prof. Devon nang akmang susugurin niya pa si Kleinthon.
Hindi ko namalayan ang paglapit niya. Ni hindi ko alam na bumukas pala ang pintuan at may pumasok pala.

Professor's Crush Where stories live. Discover now